17. Confirmation

121K 4.7K 1.3K
                                    


"I'm telling you, someone is following me. It could be the guy Plata was telling me about."

Liam shook his head at me. Hinaplos niya ang balikat ko. Nasa bahay kami noong mga oras na iyon at nagkataong dinalaw niya ako. Dapat sana kasi ay aalis ako pero hindi ko na itinuloy dahil nga may namataan akong itim na van naali-aligid sa bahay namin. I don't want to risk the chance of being kidnapped. I had been kidnapped many times while I was a kid, hindi na pwedeng mangyari iyon ngayon.

Hindi ko naman kasi dapat iisipin sana kaya lang, hindi mawala sa akin ang pinag-usapan namin noong huli ni Plata bago siya mawala. Noong nakaraang araw lang iyon at sariwa pa sa isipan ko kung ang lahat ng mga sinabi niya.

It was brave of him to admit his fault but it only confirmed all my thoughts about him. Kaya pala hindi ko magawang ibigay sa kanya ang buo kong pagtitiwala, tama ang hinala ko mula pa lang noong una at ako naman si tanga, naniwala ako sa mga ka-dramahan niya sa buhay.

Gaano ba ka-pathetic si Plata? Ginawa niya ang lahat ng iyon dahil lang sa gusto niya ng pera? Hindi ba siya na-inform na hindi lahat ng bagay ay nabibili ng pera? I sighed again.

"Bakit ka naniniwala kay Piedro Plata? Diba niloko ka niya? It's a good thing you didn't fall for him." Hinawakan niya ang kamay ko. Liam and I are sorta dating.

We're on the making out stage. I like him but something inside me is missing. May gusto sana akong maramdaman pero hindi ko nararamdaman iyon sa kanya. May kulang, may hinahanap ako.

"Just have it checked." I said to him. He nodded. He made some calls habang ako naman ay nakaupo roon at nakatingin sa kanya. Habang nakatanaw ako ay iniisip ko si Piedro.

Ano na kayang nangyari sa kanya? Nasaan na siya? I had him checked. Ang sabi sa akin ni Apollo ay umalis daw sa building niya si Piedro matapos maaksidentte ng nanay nito. Ayoko man ay nakadama ako nang pag-aalala. Ano kaya ang nangyari kay Nanay? Hindi ko alam na naaksidente siya, kung alam ko lang, sana dinalaw ko siya kahit na galit ako sa anak niyang bakulaw.

Nagtanong-tanong ako. Wala si Piedro sa firm niya. Hindi daw ito pumapasok, mag-iisang linggo na daw. Sinubukan kong tawagan ang phone niya pero hindi naman siya ma-reach. I'm really worried about his mother.

I have no idea what's happening to him. Gusto ko lang siyang makita.

"Artie." Sabi ni Liam. "Anong iniisip mo? Natatakot ka na? You don't have to be scared, nandito ako." Sabi niya sa akin. I smiled at him. Hinalikan ako ni Liam sa labi. Matapos iyon ay nagpaalam na siya.

Maghapon lang akong nakakulong sa bahay namin. Wala si Papa at Mama. Nasa Coron kasama ang mga kapatid ko. Si Eiris lang ang naiwan sa akin. Hindi ko nga rin siya pinag-stay dito sa bahay dahil baka mamaya ay puntahan ako ng taong sinasabi sa akin ni Plata.

Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit ako? Matalino ako, pero hindi ko maintidihan kung bakit ako ang napili nila. Alam kong mayaman ang pamilya ko, may perks ang pangalan namin, kilala ang apelyido namin sa lahat pero mas may mayaman sa amin. Lalo na sa akin.

I sighed again. It's so hard for me to forget about what he did to me. Mabuti pa rin siguro na sinabi niya sa akin ang lahat at hindi na rin niya naituloy ang plano niya, kung oo ay ano naman kayang plano ang gagawin niya para sa akin?

Pumasok ako nang bahay. Kumunot ang noo ko nang salubungin ako nang katahimikan. May narinig akong pagkaluskos mula sa kusina. Dahan-dahan akong nagpunta roon at doon nakita ko ang dalawang lalaking armado na itinatali ang maid namin. My eyes widened.

I knew that they'd come for me.

Agad akong tumakbo. Maingat ako at hindi nagawa ng ingay. Nakarating ako sa aking silid. Kinuha ko ang baril ko na nakatago sa ilalim ng aking kama pero bago ako umalis ay humingi muna ako ng tulong.

ShiverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon