15. Turn table

123K 3.9K 526
                                    

Nagising ako dahil sa amoy ng pancakes at itlog. Hindi ko matandaan kung paano ako nakauwi sa bahay namin dahil alam kong lasing na lasing ako kagabi. Bigla ay naalala ko din si Hyan dahil siya ang nagyaya sa akin sa bar na iyon kagabi. Paano nga kaya siya nakauwi? Alam ko kasi na mas marami ang nainom niya kaysa sa akin. Sunog na nga yata ang atay niya dahil halos maubos niya ang anim na bote ng tequila na na-serve sa amin ng bar tender. Para bang galit na galit siya sa alak na iyon. I was shaking my head. Ang sakit ng ulo ko. Ang sakit din ng mata ko. Todo effort sa akin ngayon ang dumilat pero kailangan.

So, I opened my eyes and I was a bit shocked seeing that the room I was in. One thing is for sure. Hindi iyon ang kwarto ko. I swallowed hard. I looked at myself and I was more shocked to find out that I'm only wearing my underwear!

Nayakap ko ang sarili ko.

"Oh my god!" I gasped. What happened to me? Ang natatandaan kong huling lalaking kasama ko kagabi ay si Liam. Si Liam ba ang gumawa sa akin nito?! Oh my god! May nangyari sa amin ni Liam?!

Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Ang sabi sa akin ni Telulah, masakit daw ang first time niya, masakit sa pempem kaya pinakiramdaman kong mabuti ang parteng iyon ng katawan ko.

Masakit ba? I have to know kung masakit ba! Tiningnan ko rin ang paligid ng kama ko. May dugo ba? Pero wala akong mahanap na dugo! Dumapa ako at binalewala ang sakit ng ulo ko. Baka may dugo – baka may tumulong dugo pero maliit lang o baka naman walang dugo kasi nabasa at madulas ng husto kaya hindi nagdugo!

Naiiyak ako. Hindi na ba ako virgin?!

Bigla ay napahagulgol ako.

"Liam! Walang hiya ka!" Sigaw ko. Umatungal ako ng iyak. Wala akong pakialam kung marinig ako sa kabilang lupalop ng daigdig basta mailabas ko lang ang sama ng loob ko. Pinagsamantalahan ako ni Liam! Itinuring ko siyang kaibigan. Hindi ko akalain na magagawa nya ito sa akin!

Bumukas ang pintuan. Pikit mata akong tumayo. Alam kong si Liam iyon. Pinagbabayo ko siya sa dibdib.

"Liam! Bakit mo ito ginawa sa akin?!" Iminulat ko ang mga mata ko. "Pinagkatiwalaan ki—Piedro?"

Kulang ang sabihin na nagulat ako dahil si Piedro ang nagisnan ko. May dala siyang isang paper bag na inabot niya sa akin. Wala akong mabakas na reaksyon sa kanyang mukha. Bigla ay kinabahan ako. Ang dami kong tanong sa isipan ko. Paanong si Piedro ang kasama ko? Nasaan si Liam? May nangyari ba sa amin?

I took a deep breath.

Binuksan ko ang paper bag na dala niya at nakita ko na damit iyon para sa akin. May tag pa nga ang bestidang binila niya. Hindi ko ngayon alam kung anong magiging reaksyon ko. Paano ko ipapaliwanag sa kanya na si Liam ang kasama ko at inakala kong kasama ko tapos siya ang kinokonsidera kong boyfriend?

He's actually my boyfriend and yet last night I was kissing Liam like Liam was my boyfriend.

Isinuot ko ang binili niyang damit para sa akin tapos ay lumabas ako ng silid niya. Nakapasok naman na ako dati sa silid niya pero bakit hindi ko natandaan? Maybe because I had too much to drink.

Nang lumabas ako ay nakita kong naroon si Piedro sa hapag kasama niya si Nanay. Ngumiti si Nanay nang makita ako at tumayo. Niyakap niya ako tapos ay hinalikan sa noo.

"Sienna, antay ako nang antay sa'yo kagabi, buti naman at narito ka na." Sabi niya sa akin. "Umupo ka at kumain na tayo. Nagluto ako ng arrozcaldo, para sa'yo, ang sabi kasi ni Plata ay masakit daw ang ulo mo. May sakit ka ba, anak?"

Nagulat ako nang tumayo si Piedro at kinuha ang mga gamit niya na nasa sala. Mukhang aalis na siya. Tiningnan ko siya habang nagbibilin siya sa nurse ni Nanay. Ako naman ay hindi mapakali.

ShiverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon