14. What went wrong?

116K 4K 444
                                    

It was going so well. The relationship with Artemis is well. Hindi ko nga alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi niya naiisip na baka ginagamit ko nga lang siya – just like the first time. I have laid out all my plans in my head. I could only think of such beautiful things in my mind that I will do to her, but I'll take things slow. Ayokong gumalaw ngayon, kailangan hulog na hulog muna siya bago ako gumawa nang kahit na ano para hindi na siya makapag-isip.

I'll make her fall so hard, so deep that she even she couldn't help her own self.

I was grinning at myself. I know my limitations. Alam ko kung hanggang saan lang ako at babantayan ko ang sarili ko. Alam ko naman na malaki ang posibilidad na mahulog ako sa kanya pero hindi ko hahayaan ang sarili ko na mangyari sa akin ang bagay na iyon. Hindi ko hahayaan na mahulog ako kay Artemis dahil iyon ang ikasisira ng mga plano ko.

That morning, I was in a golf course meeting with Sergio Mitomadung. Siya ang pinuno ng pinakamalaking pamilya ng ma sindikato sa bansang ito. Pinag-uusapan namin ang mga susunod na hakbangin n gaming negosyo.

Sergio Mitomadung is the youngest Mitomadung to ever rule their family. At the age of thirty, he is already the head of his family and he's doing a great job at it.

"So how is the Consunji bridge doing? Home base na baa gad, Piedro?" Nakangising tanong niya habang sinisipat niya ang bola. I grinned.

"I'm getting there." Kalmadong sabi ko.

"Dapat lang. Kapag nakuha mo na siya, madali na para sa atin ang gamitin ang pangalan ng pamilya niya sa mga susunod nating transactions. Mas magiging tago ang involvement ng pamilya ko. Maganda rin ang naisip mo, Piedro. The Consunjis are the oldest and one of the richest clans in the country and having their name beside our transactions will attract more investors. And more investors mean more money."

"I know. That's why I'm taking my sweet time making her fall for me. Ang problema kasi napakatalino nang babaeng iyon pero hindi ko hahayaang maisahan niya ako dahil lang sa talino niya. Hindi ko hahayaang mangayari sa atin ang nangyari noon."

"Tama, nakita mo naman kung anong nangyari nang pinairal mo ang puso mo, hindi ba? Don't ever get emotionally involved with our prospects. Tandaan mo, bagay lang sila at sila ang kailangan natin para mas lalong yumaman."

Nagtawanan kaming dalawa matapos ang usapang iyon. Nag-focus kami sa paggo-golf. Isa iyon sa mga stress reliever ko at kahit paano ay hindi ko naiisip ang mga bagay na may kinalaman sa trabaho ko.

At four in the afternoon, umuwi ako sa bahay. Tulad nang dati ay naroon si Nanay, nagluluto na naman siya ng adobo. Nakangiting nilapitan ko siya at hinalikan sa noo.

"Oh, saan ka ba galing? Nandito si Sienna kanina, ang sabi ko ay hintayin ka niya pero nagmamadali siya. Dumaan lang siya para dalhan ako ng prutas."

Tumingin ako kay Nanay at sa mga prutas na nasa harapan niya. Mula sa bulsa ko ay kinuha ko ang phone ko at doon, nakita ko ang dalawang mensaheng galing kay Artemis.

From: Artemis

Msg: Platops, nasa bahay ka ba? I miss you na kasi.

From: Artemis

Msg: Wala ka pala dito. Sabi ng nurse maaga ka daw umalis. Tawagan mo ako kapag nakauwi ka na.

And just like what she said in her message, I called her.

"Hey." I greeted her. "I was with some clients. Nasaan ka?" Tanong ko sa kanya. Napakalakas ng tunog sa kung nasaan man si Artemis. Hindi kami masyadong magkarinigan.

"Okay lang ako, Piedro! Kasama ko si Liam, nasa bar kami dito sa Party Street! Talk to you later!"

Binabaan ako ni Artemis ng telepono. Naikuyom ko naman ang mga palad ko tapos ay nakaramdam ako ng pag-iinit ng ulo. Hindi ko alam kung anong gagawin ko o kung saan ko ba dapat ilagay ang mga kamay ko. I just couldn't stop moving. My head is spinning. I know that I have to go and find her and that's exactly what I did.

ShiverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon