19. Iiyak

130K 4.9K 909
                                    

"Lahat ng ebidensya ay sa'yo nakaturo, Atty. Paano mo sasabihin na wala ka noong gabing patayin si Sera Gonzales three years ago? She died. When she was found, halos maagnas na ang bangkay niya, she was raped by more than ten men, and the they tortured her, wala ka bang kinalaman sa pagkamatay niya?"

Nakatingin lang ako sa abogadong ipinadala para sa akin. She looked so young and promising, she had brains and beauty too but she lacks of experience and logic. Madali namang gawan nang paraan ang kaso, madali ang sulusyon, iyon nga lang, hindi ako interesadong sabihin sa kanya ang gagawin niya. She should know things.

"Sorry, Atty. Pero kung hindi ka naman magsasalita, we're done here. Might as well tell the judge tomorrow that you're guilty."

She walked out. I was shaking my head. Karma ko nga yata ito. Pinadalan ako ng crappy lawyer ng husgado para lalo lang akong makulong. Wala siyang ibang gagawing paraan. Ni hindi niya naisip na imbestagahan ang mga Mitomadung na siyang may kinalaman din sa nangyari kay Sera.

Tumayo na ako at babalik na sa loob ng selda nang pigilan ako ng jail guard. May dalaw pa daw ako. Naupo akong muli doon at naghintay, maya-maya ay dumating si Artemis, napaawang ang mga labi ko. She's here? Why is she here?

Kumabog ang dibdib ko. Anong ginagawa niya dito? Nalaman niyang nakakulong ako, anong mangyayari sa aming dalawa? Hindi ba't galit siya sa akin? Hindi ba't ayaw na niya akong makita, iyon ang natatandaan kong sinabi niya sa akin noong mga panahong huli kaming nag-uusap.

She sat in front of me.

"Hi." Bati niya.

"Hello." I greeted her back. Silence fill the spaces between us. She was just staring at me. Inilagay niya sa ibabaw ng mesa ang mga kamay niya.

"Narito ako para tumulong."

"Bakit? Hindi ba't galit ka sa akin dahil ginamit kita?" I smirked at the thought. She sighed and looked away.

"Yes, I am mad at you. Hindi ko kasi maintindihan. Bakit ako? Ang daming tao sa mundo, bakit ako?"

"Because I thought that you were gullible enough to be fooled. I was actually shocked that a woman like you is smart and logical. It's a good thing that you're smart and logical, Artemis, because if you're not, then you're just like everyone else." Iyon naman ang totoo. Kahit na kinaiinisan ko kay Artemis ang pagiging matalino niya ay iyon din ang isa sa mga gusto ko sa kanya. Napansin ko siya kasi matalino siya, hindi siya madaling maniwala sa isang estrangherong tulad ko. That makes her different from everyone else.

But also, that's her weakest point. Hindi siya gumagamit ng puso sa pagdedesisyon. Panay utak na lang. Panay na lang logic. Hindi niya inilalagay ang desisyon sa puso niya. Iyon ang dahilan kung bakit hindi siya nakakaramdam.

Hinawakan ko ang kamay niya.

"I told you this because it's the truth. Ayoko nang magsinungaling sa'yo."

"Madaling sabihin pero mahirap patunayan, diba?" Nakataas ang sulok ng bibig niya. Binawi niya sa akin ang kamay niya tapos ay tumingin sa likuran. "He should be here by now." Parang nagtatakang wika niya. "He's late. He's always late." Tila ba yamot na yamot na siya. Hindi naman nagtagal ay umaliwalas ang mukha ni Artemis. May isang lalaking dumating.

He was wearing a black suit – more like a business suit and then he smiled at Artemis. Umupo siya sa tabi ni Artemis at tumingin sa akin.

"Ares siya iyong sinasabi ko. Siya si Piedro Plata."

"Right."

I shook my head. So, this is Ares Consunji – the one Atty. Vejar was always telling me about. He's actually here in front of me. Kahit kailan ay hindi ko naisip na malapit si Artie sa lalaking ito.

ShiverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon