3. Goodnight, Goodnight

156K 5K 1K
                                    

"You're working for the devil wears Prada? What the fuck, Ate Artie?"

Halos mabingi ako matapos akong sigawan nang walang humpay ng nakababata kong kapatid na si Eris. Napalunok pa siya habang ngumunguya ng Chips Ahoy. Nanlalaki ang mga mata niya habang titig na titig sa akin.

Nasa loob kami ng silid ko nang mga oras na iyon at naisipan kong sabihin sa kanya na mula bukas at sa mga susunod na araw ay kay Hyan Demitri na ako magtatrabaho bilang personal slave - este assistant niya pala.

"Ate, nasabugan ba ang utak mo? Akala ko mas mataas ang IQ mo kaysa sa akin pero ang tanga mo! Hindi mo ba naisip na gagawin lahat ni Hyan para lang mahirapan ka?!"

"I know that already." I said in a 'not so interested tone.' Nasampulan na ako ni Hyan kahapon. Ipinakita niya na sa magiging working relationship namin, ako ang walang dignidad dahil ako ang may utang sa kanya. Kaya ko namang gawin at tanggapin ang lahat nang iyon basta sa huli ay mapapatawad niya ako at makakalaya kami pareho sa nakaraang pilit naming gustong kalimutan.

Naiintindihan ko ang galit niya sa akin. Kung ako man ang mamatayan ng kapatid - kahit na sino pa iyon kina Eris, Odysseus, Oliver at Ireen - ganoon din ang mararamdaman ko.

Hindi ko rin mapapatawad ang mananakit sa kanila.

"Alam mo naman pala! Ano iyon? Hahayaan mo na lang? Consunji ka!"

"Demitri siya." I said.

"Demitri lang siya!" My sister gave emphasize to Hyan's surname. I shook my head.

"Ate naman eh!"

"What?"

"Consunji ka! Ano bang laging sinasabi ni Telulah, ha?!"

"I'm a fucking Consunji. I have my own rules." I rolled my eyes.

"Alam mo naman pala! Then apply it!"

Umiling ako.

"Not in this kind of situation. Maybe next time but I'll embrace Hyan's wrath for the mean time." Niyakap ko na lang si Eris. Close talaga ako sa kanya. Siya kasi ang una kong kapatid kaya siya ang pinakamalapit sa akin. Wala naman akong paborito sa mga kapatid ko pero Eris is like a best friend to me.

Maya-maya ay nagsabi siya na babalik na siya sa silid niya para mag-review. Binilinan ko naman siya na h'wag sasabihin kay Mama at Papa ang tungkol sa set up namin ni Hyan. Okay lang naman ang mahirapan ako basta sa dulo, magiging masaya pa rin ako.

Tama naman si Telulah. I should celebrate this life. Pero bago iyon kailangan ko munang tulungan ang pinsan ko na makalaya mula sa kalungkutan nang pagkawala ng kapatid niya.

Lumabas din ako ng silid ko para puntahan si Mama sa kwarto nila. Bukas ang pintuan nang dumating ako. Nakita ko si Mama na nagbabasa ng libro niya. Tumakbo ako at marahang tumalon sa tabi niya sabay yakap sa baywang niya. Ibinaba tuloy ni Mama ang binabasa niya para haplusin ang noo ko.

"Mama! Love po kita!" I exclaimed. Naalala ko noong bata pa ako, madalas kong gawin kay Mama ito bago kami matulog. She turned to me. There was that familiar smile on her face.

"Be, ang laki mo na talaga. Sa susunod, mag-aasawa ka na. Iiwan mo na kami ng Papa Pangit mo." Napalabi ako.

"Ma! Ang tagal pa noon, siguro kapag forty-five na ako." I giggled. Iyon kaya sabi ni Papa sa akin, so twenty - years pa iyon."

"Ay! Hindi na ako magkaka-apo! Artemis nga! H'wag kang magpapaniwala sa Papa mo! Sira ulo iyon!"

I laughed out loud. I missed this kind of moments with my mom. Niyakap ko lang siya hanggang sa haplusin niya ang buhok ko. Tapos ay tinapik - tapik niya ang hita ko. Mom was putting me to sleep. Hindi ko na napigilan. Nakatulog nga ako...

ShiverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon