25. About time

158K 4.6K 851
                                    

                  

A month later...

It took me a while before I gained the confidence to do what I had to. Kinailangan ko pang ayusin ang lahat bago ko gawin ito. Marami akong kinausap. Marami akong pinuntahan at nilapitan, pero sa huli naman, nagawa ko ang dapat kong gawin.

"Atty. Plata." Binati ang ng jail guard habang papasok ako sa visiting area ng Bilibid Prison. Kasabay ng pagpasok ko ay ang pagpasok din ni Arturo Enriquez. Mukhang nagulat talaga siya nang makita niya ako. Marahil ay natatandaan niya ako, bilang ang abogado ng kabilang partido at hindi bilang anak niya.

Sabay kaming naupo nang magkaharap. He was just eyeing me.

"Natatandaan ninyo pa ba ako?" Tanong ko sa kanya.

"Opo, Atty. Kayo ang abogado noong kabilang partido." Sabi niya sa akin. Nagyuko siya ng ulo. "Hindi ko sinasadya ang nangyaring iyon. Pinagsamantalahan niya ang anak kong babae, kabit din siya ng kinakasama ko. Namatay ang anak ko dahil sa kanya, nadala ako ng damdamin ko, hindi ko alam ang nagawa ko. Pero narito naman na ako at pinagbabayaran ang lahat."

Hindi ko pinansin ang sinabi niya sa akin. Nakatingin lang ako sa kanya habang pilit na inaalala ang masasayang alaalang meron ako sa kanya. Hindi naman siya ganoon kasama noon. Naaalala ko iyong mga pagkakataon na gigisingin niya ako sa umaga para mamili ng pandesal sa kanto. Sasamahan niya ako, magkaakbay kaming maglalakad tapos ay magkekwentuhan. Ibibili niya ako ng tableya at pag-uwi sa bahay ay siya pa ang magtutunaw niyon sa tubig.

Sabay-sabay naming pagsasaluhan ang bente-singko pesos na pandesal na binili naming dalawa. Matapos iyon ay ihahatid ako ni Tatay sa eskwelahan at kapag tanghali naman ay daldalhan niya ako ng pananghalian. Sabay din kaming kakaing dalawa.

"Natatandaan ninyo pa ba ako?" Muling tanong ko. Kumunot naman ang noo niya, marahil ay nagtataka siya kung bakit ako nagtanong ng ganoon pero gusto kong malaman kung makikilala niya ba ako. Alam kong mahihirapan siya dahil hindi naman niya inaasahan na ang batang iniwan niya noon ay makakarating sa lugar na ito ngayon.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong niya sa akin. Umiling ako.

"Namatay si Nanay dalawang buwan ang nakakaraan. Nawala siya sa sarili niya at hindi niya ako makilala. Naalala niya si Sienna at ang batang si Benedict pero hindi niya ako natatandaan." Huminga ako nang malalim. "Pati pala ikaw."

"Benedict?" Halos paanas na niyang wika. Tumingin lang ako sa mga mata niya. Ang dami kong tanong. Gusto kong sumagot ng oo, ako si Benedict. Iyong iniwan mo noon. Pero nasaan na ako ngayon? Naipakulong kita. Nakaganti ako. Pero imbes na iyon ang sabihin ko ay...

"Maayos ako. Nandito lang ako para ibigay itong release order mo. Ang swerte mo, isa ang pangalan mo sa mga nasama sa Presidential Pardon. Malaya ka na, pirma mo na lang ang kailangan."

Hindi ko kaya. Iyon ang paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko. Kahit na anong subok ko ay hindi ko talaga kaya. Hindi ko alam kung paano ko sisimulang magkaroon ng relasyon sa taong sumira sa buhay ko at sa pamilyang meron ako noon. Hindi ko kayang tuparin ang pangako ko sa sarili ko na susubukan ko dahil hindi ko talaga kaya.

Tumayo ako at tumalikod. Narinig kong tinawag niya ang pangalan ko.

"Benedict..." He called me. I closed my eyes. "Anak... patawarin mo ang tatay..." My tears fell. Muli ay naglakad ako palayo. I went straight to my car and left the area. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. I need to fix my head.

I ended up in my unit, inside my room, I laid on the bed thinking about the conversaion I had with Arturo. Hindi ko pa talaga kaya, hindi naman siguro ako kamumuhian ni Artemis kung hindi ko pa kaya. Kaya ko siyang patawarin pero hindi pa sa ngayon dahil ang pagpapatawad ay isang napakahabang proseso. Kailangan ko muna sigurong patawarin ang sarili ko.

ShiverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon