6. First name basis

149K 4.4K 964
                                    

Pakiramdam ko mali ang judgment ko kay Piedro Benidicto Plata. Parang naiinis pa tuloy ako sa sarili ko dahil ganoon ako maka-react sa kanya. Naging bastos ako sa kanya. Hindi naman yata talaga niya kailangan iyong McLaren na iyon. Ang akala ko kasi kapag naibigay ko na ay mananahimik na siya, akala ko iyon din ang rason kung bakit siya pumunta sa bahay pero ibinalik niya sa akin. Kung mukha siyang pera, bakit niya ibabalik sa akin ang kotse?

I made a face. Pakiramdam ko talaga naging bastos ako sa kanya.

Nang umagang iyon ay wala akong magawa kaya namasyal na lang ako sa bahay nila Tita Bathseeba. Matagal ko na rin naman siyang hindi nakikita kaya makikipagkamustahan muna ako sa kanya para na rin maitanong ko kay Ares kung anong alam niya sa Plata na iyon. Iyong McLaren na lang ang ginamit ko, hindi ko na rin naman siya pwedeng ibalik kay Tita Casi. Kung ibabalik ko kasi, nakakahiya pa.

Nang makabalik ako doon ay sinalubong ako ng maid nila - si Nanay Betchay. Nagmano ako sa kanya at hinanap si Tita Bathseeba. Nasa kitchen daw si Tita, kasama si Ares kaya doon na lang ako dumiretso.

"Good morning!" I greeted the two. Kasalukyang nagkakape ang paborito kong Uncle habang si Tita B naman ay nagpapalaman ng pandesal.

"Oh! Arting Dakdak nandito ka pala!" Nagmano ako sa kanya tapos nakipag-appear kay Ares Consunji. Naupo ako sa isa sa mga silya doon ay ngumisi.

"Dumadalaw lang, Tita. Wala kasi akong trabaho, naiinip ako sa bahay. Gusto ko nga ulit bumalik sa serbisyo, kahit magsimula pa ulit ako sa una kaya lang baka umiyak na naman si Mama." Malungkot na wika ko. Gusto ko talaga ang trabaho ko. Nagsundalo ako dahil gusto kong mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Hyron. Gusti ko ring makatulong sa ibang tao sa pamamagitan ng pagsisilbi sa bayan pero kung ang kapalit noon ay ang buhay naman ng mama ko, pwede nang nasa tabi niya na lamang ako.

"Bakit hindi ka magtrabaho sa Consunji Systems? Your father would be so happy." Ares suggested. Ngumuso na lang ako.

"Ayoko doon. Pwede naman ako sa hotel pero maiinip ako. Uncle Yto wants me in there but I don't want to be trapped inside a four walled office, gusto ko maingay. Teka, Ares, kilala mo ba si Piedro Plata, iyong criminal lawyer na gago pero pakiramdam ko mas gago ka? Kasi alam mo, kinuha siya ni Hyan na abogado ng Demitri para maayos lahat ng kaso ng mga shareholders at stockholders niya kaya lang nakakayamot ang mukha ng pangit na lalaking iyon. Akala yata niya magaling siya tapos tinawag niya pa akong hampas lupa, hindi niya kasi alam kung sino ako, tapos Ares noong nalaman niyang Consunji ako bigla siyang bumait ---"

"Well, what can you do, our names has its own perks---" Pinutol ni Ares ang pagsasalita ko. Sumimangot ako.

"Ares, hindi pa ako tapos magsalita! 'Wag ka nga ano! Anyway, sabi ko nga bigla na lang siyang bumait sa akin. Tapos inaaya niya akong mag-date kasi nga nagasgasan ko ang kotse niya tapos ang ginawa ko binili ko siya ng McLaren kaya lang ibinalik niya sa akin matapos kong isampal sa kaya iyong mismong susi. Sabi niya sa akin hindi daw siya ganoong klaseng tao. Sabi niya, malinis daw ang intension niya sa akin. Hay naku, bigla kong naisip na nagkamali ako sa paghusga sa kanya, that maybe somehow, he's not really like that. Ewan ko ba. Anong dapat kong gawin? Nakakapagod mag-isip!" I exclaimed. I noticed that Tita B's mouth is a little parted while Ares looked at me like he's seeing a ghost.

"What?!"

"Ako napagod akong makinig sa'yo, Artie." Sabi ni Tita B. She laughed. Tumayo siya at kumuha ng juice para sa akin si Ares naman ay may binabasang kung ano.

"Ano? Kilala mo ba?"

"Oo. Naikwento na siya ng Tita Cedes mo." Sagot niya sa akin. "Sabi niya, gago daw iyon. She said that he works for fame and money. Bu he's an intelligent lawyer too."

ShiverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon