7. Dance

144K 4.1K 1.1K
                                    

From: Unknown Number

Msg: Hello, Artemis, thank you for the wonderful lunch. I've never been so full.

Napabangon ako nang mabasa ko ang mensaheng iyon sa aking phone. Unknown ang number pero may idea naman ako kung kanino galing ang text message na iyon.

Patulog na ako nang gabing iyon. Naka-pajama na nga ako at nakahiga sa kama pero naulinigan ko lang ang phone ko. I was smiling. Agad akong nag-type ng reply.

To: Unknown Number

Msg: Still up? Why don't you sleep, Atty?

I was waiting for his reply. Hindi ko nga maintindihan ang excitement ko pero hinihintay ko talaga. Gusto ko pa siyang makausap. Hindi ko kahit kailan inakala na masarap siyang kausap. It feels like I can talk to him about anything and he'll just patiently listen to him. Kanina nga ay halos naikwento ko na sa kanya ang buhay ko noong bata ako, pati yata pangalan ng kalaro ko ay nasabi ko na sa kanya. Minsan ay nagugulat pa ako dahil parang alam niya ang susunod kong sasabihin. I'm really amazed by the fact that he's a good person.

Para lang pala siyang si Ares. Mayabang lang sa una pero napakabait naman.

From: P. Plata

Msg: I have insomnia, Ms. Consunji and I guess you running circles in my mind doesn't help me sleep either. So tell me, what am I supposed to do?

I felt myself blush. Nahiga ako sa kama at nagpapadyak. Anong isasagot ko? This is all new to me. First time kong makipag-text sa isang lalaki na hindi ko naman kamag-anak.

Nagka-boyfriend naman na ako noong high school – hindi ko nga lang na-enjoy dahil palagi akong hatid sundo ni Papa sa genius school. Noong nalaman niya pa na may boyfriend na ako, nag-donate siya ng two hundred units ng Macintosh at nagpatayo siya ng isang ICT building sa loob ng mismong school ko at ipinangalan iyon kay Lolo Papa. Ang kapalit ng pagpapatayo niya ng building ay ang pag-kick out ng school sa naging boyfriend ko. Mula noon ay hindi ko na tinangka pang lumandi dahil tama naman si Papa noon, kailangan ko munang matapos mag-aral ng college bago ako makipag—boyfriend. Noong college naman ako ay pumasok ako sa PMA kung saan mapababae man o lalaki ay iisa lang ang tingin sa amin. I was so busy with school that I didn't even have the time to smell the flowers and date.

It went on until I graduated from college.

Noong nasa field na ako wala akong pakialam sa iba dahil ang gusto ko lang noon ay ang magtrabaho para makalimutan si Hyron at ang nangyari noon sa amin.

Sa PMA, palaging si Uncle Judas ang bumibisita sa akin. Mas madalas pa kaysa sa pagbisita ng mga magulang ko. Siya ang madalas kong kausap pagdating kay Hyron kahit na hindi naman niya nakilala ang pinsan ko. Si Uncle Judas din ang unang nagturo sa aking humawak ng baril noong seventeen years old ako. Siya rin ang nagturo sa aking kung paano mag-assemble ng baril in one minute. Lahat iyon, palihim naming ginagawa.

Napailing na lang ako sa mga alaala.

Muli ay nag-vibe ang phone ko.

From: P. Plata

Msg: You there? Have you fallen for me...sleep? I mean. Have you fallen asleep? He.he.he.

I shook my head. Nakalimutan ko mag-reply.

To: P.Plata

Msg: No. Not yet. I'm not sleeping. Just thinking of what I should type here... <3 <3

From: P. Plata

Msg: Why? You afraid that your message won't fit in here because you have sooo many – no too many things to say? He.He.He

ShiverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon