2. The Golden Ticket

170K 4.5K 707
                                    

I woke up. Halos hanapin ko ang hininga ko nang imulat ko ang aking mga mata. Nahihilo pa ako pero buhay ako at alam kong humihinga pa ako. Iginala ko ang mga mata ko. Puro puti ang nakikita ko. Alam kong nasa ospital ako. Gaano ako katagal tulog? Ano bang nangyari sa akin? Ang huli kong naalala ay ang pagsugod ko sa mga rebelde sa Mindanao at ang pagputok ng isang Granada.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Kulang na ba ang parte ng katawan ko? Ginalaw ko ang kanang paa ko - good it's there but how about the left? Nakahinga ako nang maluwag nang maradaman ko pareho ang mga paa ko at ang mga binti ko. I checked my hands, intact pa naman, and then my eye sight - though blurry from waking up still works.

In short, I am okay.

"Artemis..."

Lumingon ako nang marinig ko ang boses ni Papa. I saw him sitting near the hospital bed. Napakalungkot ng mukha niya.

"Papa Pangit..." Biro ko sa kanya. Noong bata ako, iyon ang madalas kong itawag sa kanya. I had a very unconventional family for a set up. Si Mama Nina ay hindi ko tunay na ina - ang nanay ko talaga ay ang kakambal niya but my father is my real father. Nabuntis niya lang ang Mama Nita ko noon but then he fell in love with Mama Nina - who treated me as her own, they got married after having Eris. Then two years later, they had my brothers Oddeseus and Oliver tapos one year later, dumating ulit si Ireen . Masaya naman ang pamilya namin kahit na sa totoong buhay ay half brothers and sister ko lang sila. I never felt like a half.

"How long was I asleep?" I asked my dad.

"Three days." He said. "Artie, alam kong mahal mo ang trabaho mo..."

"Pa, alam ko na ang sasabihin mo. We had this talk for a million times. Hindi po ako titigil sa trabaho. I love being a soldier. I love my country."

"At ang Mama mo? Hindi mo ba siya mahal? Alam mo ba na nasa kabilan silid siya ngayon? When I received that call saying that you were shot and that you were bleeding to death, your mother had a breakdown. Halos atakihin na siya sa puso dahil hindi siya mapalagay sa'yo. Artie, you have to resign if you still want your mother to live for another decade."

Hindi ako nakakibo. Napaluha na lang ako. Hinawakan ni Papa ang kamay ko.

"Artemis, makinig ka naman..."

"Hi, Uncle!" Bumukas ang pintuan ng silid ko. Nakita ko agad si Haley - ang kapatid nI Hyron at Hyan, kasama niya si Hunter at si Heath. Si Hunter ay may dalang bulaklak habang si Heath naman ay may dalang fruits para yata sa akin.

"Oh! Gising na pala si Ate Artie!" Sabi pa ni Heath. "Mama and Daddy are in Tita Nina's room. Pupuntahan ka din nila pagkatapos nilang kausapin ang mama mo. 'Wag kang mag-alala. Wala si The Devil wears Prada." Of course, si Hyan ang sinasabi niya. Nakita kong hinampas siya ni Haley sa balikat.

"Kuya nga! Ate pa rin natin siya. Don't call her names." Wika pa ni Haley. Heath made a face. Si Hunter naman ay nakatingin sa akin.

"Ayoko nang magsundalo. Baka atakihin din si Mama." Biglang sabi niya. Napangiti na lang ako. Nagpaalam si Papa na pupuntahan si Aunt Yza at Uncle Helios sa kabila. Gusto ko din ngang sumama para makausap at makita ang Mama ko pero natakot ako. Siguro ay sa susunod na araw ko na lang siya pupuntahan kapag maayos na maayos na ang lagay niya. Baka makasama sa kanya ang makita ako. Hindi ko kayang i-compromise ang nararamdaman ni Mama Nina.

Hindi naman nagtagal ay muling bumukas ang pintuan, iniluwa niyon si Uncle Helios na hawak ang kamay ni Aunt Yza. They were both smiling at me. Si Aunt Yza ay puno ng pag-aalala sa kanyang mga mata.

Tumingin naman ako kay Uncle Helios. He seemed glad to see me alive. His green eyes were of a brighter shade - tulad ng mga mata ni Hunter, Heath at Haley - all their children had his eyes kaya minsan kapag nakatingin ako sa kanila ay para bang kinikilabutan ako.

ShiverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon