10. Baby heart

141K 4.2K 939
                                    

"Is it true? You're only after Artie's money?"

Bumaling ako kay Hyan matapos kong sundan ng tingin ang sasakyan ni Artemis na papaalis na sa parking lot ng Sun Shore. Hindi pa nga sya natuwa. Ilang beses niyang binangga ang sasakyan ko bago siya umalis nang tuluyan. Hindi ko alam ang gagawin ko – I was caught off guard. Alam ko ang posibilidad na maaari niyang malaman ang plano ko. I have to give it to her, she is really smart.

"Of course not." Wika ko. Napansin kong pinakatititigan ako ng may-ari ng Sun Shore a si Juan Sanque. I know that Juan is Hyan's former husband.

"I have a feeling that you're lying. I remember that one time when you're courting me and all of a sudden you kissed me. It's like you were taking things to fast, Piedro and then the next moment, you're courting Artie. What was that about? You went from a dream – I'm the dream and – a nightmare – talking 'bout Artie. How could you be so low?!" Hyan hissed at me. Nagulat ako nang sampalin niya ako – dalawang beses sa magkabilang pisngi. She walked out before saying that our meeting will be rescheduled.

Napatingin naman ako kay Juan Sanque na titig na titig sa akin. He was shaking his head. Akala ko ay lalagpasan niya lang ako pero bumalik siya at nang bumalik siya at sinapak niya ako.

"The hell dude?!" I exclaimed. Dinuro niya ako.

"You stay away from those two or you will be castrated!" He threatened me. Hinaplos ko iyong parte ng mukha ko na sinampal at sinapak ng mga taong iyon. What the hell is wrong with the world nowadays? It started with Artemis and ended with the Sanque. Anong problema nila? Bakit nakikisali sila kay Artemis? Inis na inis ako habang tinitingnan ko ang kotse ko. She literally bust the windows of my car. I hate her intelligence. I hate how fast she thinks.

Oo nga, genius siya. Madali para sa kanya ang bumasa ng tao. Mabilis ang pick up niya. Mabilis siyang makakilala ng tao. Nakilatis niya agad ako nang hindi ko namamalayan. Hindi ako handa sa nangyari ngayon. I sighed again.

Tumawag ako ng towing services para ipakuha ang sasakyan ko. Bibili na lang ako ng bago. Hindi na madadaan sa repair ang ginawa ni Artemis sa sasakyan ko. What she did is unforgivable and yet she challenge me. Natutuwa ako dahil nalelebelan niya ang utak at pag-iisip ng tusong tulad ko. Kung akala niya na tapos na kami ay lalong nagkakamali siya. Hindi ako madaling sumuko. Lalo kong gustong makuha siya.

Damn her surname, damn her intelligence, she will be mine.

Umuwi ako sa bahay ko nang tanghaling iyon nang si Artemis ang iniisip. Sa lalim ng pag—iisip ko ay hindi ko napansin si Judge Salver Rigor Plata na nakaupo sa isa sa mga couches sa aking sala.

"You're looking good, son." Wika niya habang umiinom ng red wine. I looked at her. I walked to her and kissed her cheeks. Ngumiti siya sa akin. "I heard that the Demitris hired you as theire company lawyer. Maganda iyan. Another connection. Another clan to add your power. How are they treating you? I guess by now, you're screwing the CEO. She looks like she could you a bed warmer. Is she any good in bed like the others that you have encountered?" Seryosong tanong niya sa akin.

Kung may isang taong nagpakita sa akin na ang pera at kapangyarihan ang pinakamahalaga sa lahat iyon ay ang umampon sa akin. Salve Plata is a widow. Baog siya kaya wala siyang anak. Iniwan siya ng asawa niya para sumama sa isang babaeng mas bata kaysa sa kanya – in exchange, she killed his husband pero napatunayan niya naman sa korte na inosente siya at nabaliktad niya ang kaso – instead of her in jail, ang naipakulong niya ay ang kabit ng kanyang asawa at pinalabas niya na ito ang nakapatay sa huli.

She is good lawyer, better than I can ever be. She's too good, so good that she can make lies the truth. Kahit siya ay naniniwalang totoo ang mga sinasabi niya. She mentored me. Ipinamana niya sa akin ang lahat ng pwede niyag ibigay.

ShiverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon