24. Just talk

133K 4.4K 460
                                    

                  

Galit ako pero kasabay noon ay ang pag-iyak ko. Nakabigat kasi nang kalooban ko. How come he gets to live the life that he wanted habang ako ay ang buong pamilya ko ay nagdudusa sa lungkot dahil wala siya? Pinilit tumayo ni Hyron. Mas matangkad siya sa akin pero wala akong pakialam. Muli ko siyang sinuntok at sinipa.

"Artie tama na! Enough! Hindi kita papatulan?!" Duguan na ang bibig niya. Nakaumang pa rin ako ng suntok sa kanya pero ikinuyom ko na lang ang palad ko.

"Why?! Putang ina ka, Hyron?! Why?!"

He took a deep breath. "I wanted freedom."

Naapaawang ang mga labi ko. He faked his own death because he wanted freedom? He let us all suffer for that reason alone? Kailan pa ba naging balido ang rason na sinasabi niya? Hindi man lang ba niya naisip na masasaktan ang pamilya? Hindi man lang ba niya naisip ang mga pwedeng mangyari sa mga taong involved sa pagkawala niya?

He did all that just so he can have the freedom he wants?

Pinagsusuntok ko siya. Naiilagan naman niya ako pero mas mabilis pa rin ako. Tinamaan ko siya sa pisngi, sa gilid ng labi. Hindi naman siya lumalaban. Dapat lang naman iyon. Wala siyang karapatan.

God! I loathe him!

"Samuelle died because of Hyan who is trying to get even because of your death!" Sigaw ko. "Your family mourned for years because they all thought you died! Aunt Yza and Uncle Helios suffered too much pain pero mas walang makakatalo sa pinagdadaanan ng kakambal mo! Did you ever thought of her? Kung anong mangyayari sa kanya?! She became heartless, cold, distant, she is a monster and that is all because you wanted freedom! Naisip mo ba kung anong gusto niya?!"

Tinulak ako ni Hyron. Napaupo ako sa buhanginan. Nakatingin ako sa kanya tapos ay napailing siya.

"Hindi mo ako naiintindihan, Artemis. Hindi naman planado ang buhay mo. Ako, lumalaki pa lang ako, natututo pa lang akong magsalita, planado na ni Lolo Tay ang buhay ko, nang magpakasal si  Mama sa tunay naming tatay, mas lalong nadagdagan ang planong para sa akin. Because I was the first born, the first grandson of Sancho Consunji --- blahblah this and that. No one ever stopped and thought of asking me what I really want to do?!"

"Then, you should've told someone! Hindi iyong magpapanggap kang patay! You damaged your family! Your own sister! You're an asshole and strange at it may seem, sana, mamatay ka na talaga!"

Sinapak kong muli si Hyron, pinipilit niyang itulak ako pero dahil sa galit ko, dahil sa adrenaline ko halos bugbog sarado siya sa akin. Kung hindi lang kami inawat ni Piedro, malamang dadalhin na sa ospital si Hyron.

Si Lualhati naman ay iyak nang iyak habang dinadaluhan ang magaling kong pinsan. Ipinasok ako ni Piedro sa loob nang bahay. Nagpunta kami sa loob ng isang silid. Iyak ako nang iyak. Hindi ko kasi matanggap ang rason na mayroon siya.

Sinaktan niya kaming lahat dahil lang sa gusto niyang maging malaya? Iniwan niya ang pamilya dahil lan sa gusto niyang mamuhay nang ganito?

"Akina." Narinig ko si Piedro. Kinuha niya ang mga kamay ko. Noon ko lang nakita na may gasgas ang kamao ko, marahil nagagasgas dahil sa kapal ng mukha ni Hyron.

Nilinis niya ang kamao ko. Nilagyan niya iyon ng ointment tapos ay tinakpan niya ng gasa. Sa lahat nang iyon ay iyak lang ako nang iyak. Ang sakit talaga. Hindi lang ng puso ko kundi nang lahat sa akin.

"H'wag ka nang umiyak." Wika niya pa sa akin. Tumingin ako sa kanya. Piedro seemed to be really concerned. Punong-puno ng pag-aalala ang mga mata niya.

"Akala ko ba makikinig ka muna? Halos patayin mo na si Hyron." Mahinahong wika niya. Binawi ko ang kamay ko sa kanya at saka tumayo. Namintana ako. Puro dagat lang ang nakikita ko at ang mangilan-ngilang barkong dumaraan doon. I was biting my lower lip.

ShiverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon