20. Verdict

136K 4.8K 709
                                    

                  

"Dress? Dress talaga? Dadalaw ka sa kulungan tapos naka-dress ka talaga?"

Inirapan ko si Telulah pagkatapos ay binato ko siya ng unan. Natawa lang siya at saka binelatan ako. Ano bang masama if I want to look good for Piedro? Gusto ko siya dalawin ngayon, gusto kong mag-usap kaming dalawa tulad nang dati. Gusto kong mag-apologize sa kanya dahil sinaktan ko siya.

"Artie, are you just guilty or are you really attracted to him?" Tanong pa ng pinsan ko sa akin. Nasa silid niya kami. Nagpunta ako doon nang maaga para manghiram ng dress sa kanya dahil ang mga dress ko sa bahay kung hindi maikli – dahil tumangkad na ako ay masikip naman dahil nagkalaman na ako. Huli akong ibinili ni Mama nang dress noong bago ako nag-graduate ng high school. Kaya masisikip na talaga ang mga casual dresses ko. May cocktail dresses ako at formal ones pero ang sagwa kung iyon ang isusuot ko sa pagdalaw ko kay Piedro sa kulungan.

"I'm in love with him." Sabi ko. Tuwing nilalakasan ko ang mga salitang iyon ay kumakabog ang dibdib ko. Telulah smiled at me.

"Why?"

"Anong why? Hindi ko alam. Natatangahan nga ako sa sarili ko kasi kahit na halos mapahamak na ako dahil halos ibenta nya ang pangalan ko sa Mitomadung na iyon, kinikilig ako kapag naaalala ko siya o kaya man kumakabog nang mabilis ang puso ko kapag naiisip kong gusto ko siyang makasama at nalulungkot ako dahil nasa kulungan siya ngayon at kahit alam kong mali, nagseselos ako sa Sera na iyon kahit patay na siya. So don't ask me why because I don't know the fucking answer!"

"Kalma, Ate!" Natatawang sabi niya. Hawak na naman ni Telulah ang phone niya. Bigla ay naalala ko ang sinabi ni King Solomon sa akin. Naupo ako sa kama niya.

"Virgin ka pa no? Noong sinabi mong hindi ka na virgin pinagloloko mo ako no?" Namula ang mukha niya and the she sighed.

"Yeah. I'm as tight as a virgin coconut." Tumaas ang kilay ko. "Akala ko kasi titigilan ako ni Solomon kapag sinabi ko iyon diba iyon lang naman ang habol ng lalaki sa babae? I don't know, I have no idea why he's chasing after me kahit na paulit-ulit ko na siyang inaayawan."

Just like Plata. I smiled at myself. Naalala ko noong sinira ko iyong kotse niya tapos ay inayawan ko siya, he chased me – kahit isang beses lang iyon counted iyon, I gave him a chance and we clicked. Ang pagkakamali ko lang talaga, sinali ko pa si Liam sa relasyong para lang sana sa aming dalawa.

"Ayaw mo kay Solomon?" I asked.

"I don't know. I'm young, he's twenty---"

"Eighteen lang din siya."

"Sinasabi niya lang iyon kasi gusto niya sa lahat ng bagay matchy- match kami but he's twenty ate. Right now, I'm not thinking about relationships. Gusto ko munang ma-figure out kung mag-aabogado ba ako o business or whatever I want to do in life. Pero hindi ako gagaya kay Auntie Yza na lalayas. I want to be with the family, I just have to figure out where I'll fit, in business like Mama Hera or in the field of Law just like my father or maybe a librarian like my mother."

Napangiti na lang ako. Buti naman at ganoon ang iniisip ni Telulah, Ako, dumaan din ako sa stage na iyan. Pero mas pinili kong maging sundalo, para sana kay Hyron pero iyon ang akala ko. Habang tumatagal ako sa serbisyo, unti-unti ay nagugustuhan ko na ang ginagawa ko. I realized that I'm in the service because I want too not because of Hyron.

"Pero ate, naisip mo ba? What if Kuya Hyron is alive and he's just somewhere. What if, ayaw niya rin pala ng responsibility? Kapag ganoon, ate kawawa talaga si The devil wears Prada, but then, it's just me." Tumawa si Telulah. "May God bless, Hyron's soul."

Nagtawanan pa kaming dalawa. Tumayo siya at saka kinuha ang isa pang damit niya na nasa closet niya. Kulay yellow iyon na may lace sa dulo tapos may sheer sa sleeves. Ang cute ng pagkakatabas ng damit na iyon.

ShiverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon