Chapter 14

5.3K 92 2
                                    

(Brenda's POV)

Maaga akong nagising ngayon para pumunta sa shop. I checked my phone,baka kasi may nag text na importante eh.

What?!

O_O

Bakit ganito ang reaksiyon ko?

Eh kasi naman 8 messages galing sa unknown # nayun kagabi.

Sh*t! sino kaya to?

Kainis na talaga eh!

To:Unknown
Hoy sino kaba talaga?

Hindi na ako nag-good morning dahil naiirita na ako sa mga nabasang kong messages niya.

Ugh!

I put my phone on the bed side table. At tumayo na ako sa kama para maligo.

And after kong maligo dumiretso na ako sa walk-in closet para sa susuotin ko ngayong araw.

Pinili ko nalang ang black&white na casual dress at black na doll shoes.

Tiningnan ko ang reflection ko sa harap ng human size mirror dito sa kwarto ko.

Okay na to.

Kinuha ko na ang bag ko.

Before ako lumabas kinuha ko muna ang susi ng kotse ko at ang phone sa bed side table.

Bumaba na ako at bumungad kaagad si Nanay Odith sakin.

"Oh hija,kumain kana."sabi nito sakin kaya dumiretso na ako sa dining area.

Nilutuan niya ako ng bacon and egg. Kaagad na akong umupo at nagsimulang kumain.

*beep*

Narinig kong nag-beep ang phone ko kaya napatingin ako sa gilid ko kung saan nakalagay.

From:Unknown
Sorry late reply. Just woke up. By the way,I told you last night that i'm your soulmate. ;)

To:Unknown
Dafaq. Magpakilala kana. Gusto mo bang ikalat ko yung # mo sa social medias? Scam ka no?

From:Unknown
You're cute.

To:Unknown
Stop texting me.

Kaagad naman siyang nagreply.

From:Unknown
Ikaw kaya reply ng reply sakin.

Pagkabasa ko ng message niya sakin,hindi na ako nagreply. Tama nga siya,ako yung reply ng reply sa kanya.

Psh.

Baka isa lang din yun sa mga friends ko na gustong pagtripan ako.

Pagkatapos kong kumain,nagpaalam na ako kay Nanay Odith.

Inilagay ko na ang phone ko sa bag at kaagad nang sumakay sa kotse.

I start the engine.

Pagkarating ko sa shop umupo na kaagad ako sa swivel chair at tiningnan ang mga schedules ng mga nagpareserve sa gowns.

"Good morning Ms. B."bungad ni Kyla sa akin. "Mukhang maaga po ata kayo ngayon ah?"sabi niya habang inilalagay niya yung mga gamit sa table niya.

"Maaga kasi akong nagising."sabi ko nalang habang nakatingin sa mga papers.

May pumasok na costumer at kaagad naman niyang inasikaso ito.

Nakatingin lang ako sa kanila. Hindi naman ako siguro kailangan ni Kyla kaya bumalik na ang tingin ko sa mga papers.

*beep*

From:Unknown
Hi. Busy? :)

Napasimangot kaagad ako nang makita ang text na nanggaling sa unknown # nato.

To:Unknown
Sino kaba talaga? Niinis na ako. Ang ganda ng umaga ko para sirain mo lang.

Ilang minuto lang nag-reply kaagad siya.

From:Unknown
Ang ganda mo sa B&W na damit. :)

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

B&W kasi ang suot ko ngayon na dress. Ibig sabihin nun nandito lang siya sa paligid. Nakamasid sakin.

Napatingin ako sa labas ng shop. Naka-crystalize kasi to kaya kita ang labas at loob nito.

Merong nakatalikod na lalaki sa harap ng coffee shop. Pero siguro hindi siya yun.

Kaharap kasi ng shop ko ang coffee shop.

To:Unknown
You are creeping me out!!

Text ko sa kanya.

Ngayon palang naiisip ko na ang mga mangyayari sakin. Paano kung kidnapper siya? Paano kung kidnapin niya ako tapos ipaparansom niya ako sa parents ko. What if... sh*t ano ba tong mga iniisip ko. Paano pala niya ako kikid-napin eh,hindi na ako bata.

Bw*st lang eh.

From:Unknown
Don't be,my Princess.

Napabuntong hininga nalang ako.

Unknown is calling...

F*ck this.

In-end ko ang call. Problema ba ng isang to? Nakakainis na. At masyado natatakot.

Ayoko ko kasi ng mga ganito eh.

Simula nung nangyari yun.

To:Unkown
Why are you calling me? Please stop. Please!

Kinakabahan na ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Natatakot na ako sobra.

From:Unknown
I'm sorry.

Ba't ba ang manhid ng lalaking to. Ugh! Hindi ba niya naiisip kung naiinis na ako. Na naiirita ako sa kanya.

Wait... pano kaya kung siya na pala si Jeigh.
--------
A/n:sabaw eh! Hahah pagbigyan nalang po. Sorry for typo's,etc.

Next week na po 'siguro' ulit ako makakapag-ud. Sana po maintidihan niyo. Malapit na ang sembreak kaya palagi na po akong makakapag-ud.

May taga bacolod ko di na reader? Timing gid kay ma sembreak,masskara naaa! Wohooo. Hehe pasingit lang.

Btw don't forget to vote or comments para malaman ko kung ano reactions niyo sa story.

At kung gusto niyo po bang magbasa ng one shots?
Pumunta lang po sa profile ko
at nandun po lahat sa
works ko.<-Plugggg!xx.

Thanks for reading.

-eyyy

A Night With Him (#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon