Brenda's POV
Iniwan ko na yung kotse ko at kay Jigz na nasasakyan ang ginamit namin. Papunta na kami ngayon sa condo.
Ilang sandali lang,nakarating na kami. Nang makalabas kami sa elevator,nauuna siyang maglakad.
Puna ko lang kanina pa siya parang nagmamadali eh.
"Oy! Bee,hintayin mo nga ako!"sigaw ko. Huminto naman siya.
Kukunin ko na sana ang susi ng pad ko,pero hinila niya ako. At huminto kami sa katabi lang ng pad ko.
"Hey! What are we doing here? Hindi to pad ko."pero nagulat ako sa ginawa niya,kumuha siya ng susi sa bulsa niya at binuksan yun.
Nakangiti siya habang hinihintay akong pumasok.
"From now on,we're neighbors."nakangiting sambit niya.
"Really?"natatawang sabi ko at tumango-tango naman siya.
In fairness,may mga gamit na,medyo makalat nga lang. Hindi pa kasi naka-arrange ang lahat. Hindi niya to sinabi sakin ah?
Pumasok ako sa kwarto at may bed na,aba!sa lahat ng aayusin dito, ito pa yung inuna niya ha!
"What do you think?"tanong niya sakin.
"Okay lang naman. Medyo malaki tong pad mo."sagot ko sa kanya.
"Ay baby,may ikekwento pala ako sayo."dugtong ko.
"What is it?"kaagad na tanong niya sakin at umupo sa tabi ko.
"Nag-usap na kami ni Kathli kanina."sambit ko. Sumeryoso ang mukha niya nang sabihin ko ang pangalan ng kapatid niya.
"Anong sinabi niya sayo? May ginawa ba siya? nag-aalalang tanong niya sakin.
"She said sorry."nakangiting sagot ko sa kanya.
"Talaga? Nasabi niya yun?"parang napanatag siya nang sabihin kong nag sorry si Kathli sakin. At parang hindi din siya makapaniwala na humingi ng tawad ang kapatid niya.
Sa nakikita ko,feeling ko nabulag lang talaga si Jigz ng takot at galit kaya natanim sa isip niya na galit ang lahat sa kanya. Though,siguro nga noon nakikita niya talaga na hindi siya gusto ng step father at nang kapatid niya.
"Yes,hindi ko nga in-expect yun. I thought ganun na talaga siya kasama,but she's not. We talked everything,about the past. About you and your family."pagsasabi ko ng totoo sa kanya.
"Everything?"pag-uulit niya. Nakikita kong parang natatakot siya,na parang ayaw niyang malaman ko kung ano ang nangyari noon sa kanya.
"Yes,everything."sagot ko. "Bakit? Kailan mo pa sasabihin sakin na nag commit ka ng suicide dahil kay Abbigail?"natatawang sabi ko na may bakas na sakit sa tono. Tumahimik siya. "But don't worry baby,atleast meron na akong alam tungkol sayo."sabi ko nalang. Ayoko nang pahabain pa at baka mag-away pa kami.
Ayokong sirain,ang araw dahil lang dun. Sabi nga ni Elsa. The past is in the past.
Pero hindi lang talaga maalis sakin na nagawa niya ang bagay nayun dahil sa mahal na mahal niya ang babeng yun. I envy her. Sana kung gaano siya kamahal ni Jigz,mas sobra pa sakin ngayon. Selfish pakinggan pero gusto ko kasing nag-iisa at iba ako sa mga naging babae ni Jigz. Dahil I love him as much as I love myself. Hindi naman ako naging unfair sa pagmamahal.
"I'm sorry baby,I am so coward to tell you everything."at niyakap niya ako. Sorry din Jigz kasi napakahina ko rin eh,natatakot din ako sabihin sayo ang lahat. Lalo na ang nangyari samin ni Vrix,sa pinsan mo mismo at sa taong unang nakakuha sakin. Hindi ko alam kung kailan ko masasabi iyon sayo.
BINABASA MO ANG
A Night With Him (#1)
Storie d'amoreSome scenes may not suitable for young readers. Read at your own risk. (PG13) Alrights reserved 2015✅ Date Started: August 30,2015 Date finished: January 18,2016
