Chapter 19

4.4K 88 1
                                    

(Jigz's POV)

"Anong ningingiti-ngiti mo diyan?"puna niya.

Ako na ngayon ang nagdadrive pauwi at hindi na daw siya babalik sa shop niya.

Sobrang saya ko ngayon and I can't help myself from smiling.

"Masaya lang ako nang dahil sayo"sabi ko sa kanya habang nakangiti,binalik ko na kaagad ang tingin ko sa daan.

"Really huh? Dahil may naloko kana naman."she teased me.

Sumeryoso naman kaagad ang mukha ko.

"Just joking bee."sabi nito at sumandal sa balikat ko.

Aba! Touchy palang tong girlfriend ko.

"I feel like dreaming. Hindi ako makapaniwala na girlfriend na kita. And what... bee?"sabi ko sa kanya.

"Of course,nananaginip kalang,ikaw ba naman magkaroon ng girlfriend na diwata. Yes bee,as in baby??"napailing nalang ako habang nakangiti

Ang cute niya at ang sarap niyang kasama.

"Right! I'm so lucky to have you. Bee."nakangiting sabi ko naman sa kanya. "Pero teka,akala ko ba step by step lang muna tayo?"sabi ko sakanya.

"Oo nga. Ayaw mo bang may tawagan tayo?"tanong niya sakin,habang naka puot pa yung nguso niya.

"No,okay lang."kaagad ko naman na sagot sa kanya.

"Okay then."sabi niya at tumahimik na siya.

"Bee,getting to know each other nga tayo."pag-oopen ko ng topic.

"Sige ba."sagot naman niya. "By the way official naba talaga yung bee na tawagan natin."tumango tango naman ako at ngumiti.

"Okay simulan na natin. Likes and dislikes mo?"tanong ko sa kanya.

"I like sweets,surprises. I like to read books,watching movies,phone call. And I like... you?"napatingin ako sa kanya at nakangiti siya ng pang-asar. Napailing-iling nalang ako at ngumiti. Ibinalik ko na ulit ang tingin sa daan. "Dislike ko naman."dugtong pa niya. "Ayoko ng color yellow. Ayoko sa mga taong ayaw din sakin. Ikaw?"sabi niya sakin.

"Uhmm,gusto ko yung simple lang. Mahilig ako sa mga sasakyan, I like color black. Gusto ko ring makasama ka habang buhay."nag-blush naman siya sa sinabi ko at ngumiti nalang siya. Cute! "Mga ayaw ko naman,ay yung mga taong sisira satin."diretsong sagot ko naman sa kanya. At mas lalo siya namula.

"Bee,pag may ayaw ka sabihin mo sakin. You know,you are my first boyfriend at nag-aadjust pa ako."sabi niya.

"No wag kang mag-adjust,just be you. Okay? Ako ang bahala."nakangiting sagot ko sa kanya.

"Pero kahit na. Gusto ko rin namang maging best girlfriend talaga sayo no! Nangangapa pa ako,pero I swear masasanay rin ako."napangiti naman ako sa sanabi niya.

"Okay okay... Thank you bee,wag kang mag-alala dahil ngayon palang masasabi ko best girlfriend kana.  May sasabihin pala ako sayo."sabi ko sa kanya.

"What is it?"tanong niya. Sasabihin ko na kasi sa kanya na ako yung nantitrip sa kanya.

"Kasi,ako yung nagtetxt sayo."napakunot naman ang kilay niya."Y..you know you're soulmate?"sabi ko.

"Kyaaaaaa! Ikaw pala yun!"hinampas niya ako kaya natawa naman ako.

"I'm sorry. Gusto lang kita asarin."sabi ko sa kanya at ang isa kong kamay niyakap siya at hinalikan sa noo.

"Hindi mo ba alam na napaparanoid ako dun. Natakot kaya ako."nagpout siya kaya  hinalikan ko naman ng mabilisan ang labi niya at kaagad na binalik ang tingin sa daan.

"I'm sorry. Hindi na mauulit yun,ang ganda mo kasi pag naaasar ka."ngumiti naman siya at humiga sa balikat ko.

"It's okay,pero kinabahan ako dun!"sabi naman niya.

Hindi ko na,napigilan ang sarili ko,hininto ko ang sasakyan at hinalikan siya ng marahan sa labi.

Mahal ko na talaga siya.

Sana mabaon nalang sa limot ang nangyari noon samin.
-----
A/n:sana nga mabaon nalang salimot. So guysssz! Okay ba yung ud?

Ano kaya yung magandang pangalan sa kanila? Comments puhleeeease! (:

Sorry for typo's. Siyanga pala,basahin niyo po yung next ud 'important message po yun'

Thanks for reading.

-eyyy

A Night With Him (#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon