Chapter 21

4.3K 92 1
                                    

(Vrix's POV)

Kanina pa akong nandito sa labas ng pad ni Brenda. Nagdadalawang-isip pa ako kung mag do-doorbell ako.

Kanina pa ako lakad ng lakad. Hindi ko kasi alam kung ano ang una kong sasabihin sa kanya.

Gusto ko kasing maayos na namin kung ano man ang dapat ayusin.

Ilang days narin kasi nung huling pagkikita namin. At masasabi kong nag-iba na talaga kami sa isa't-isa. Hindi ko ring maiwasan mabahala. Ayoko naman kasing masira nalang ng ganun ang pagkakaibigan namin.

I don't know kung bakit nag-iba na kami.

Parang kahit siya na-aawkward na parang nagaglit sakin. Hindi ko na alam.

*deep sigh*

I pressed the doorbell. At ilang sandali kaagad naman niyang binuksan ang pintuan.

Bakas sa gulat ang mukha niya.

"V..vrix?"mahinang sabi niya na parang hindi makapaniwalang ako ang nakikita niya ngayon.

"H..hi."I awkwardly said.

"Uhhh...come in."sabi niya. Kaya sumunod na ako asa kanya at sinirado ang pintuan. "What do you want? Juice,coffee water?"sabi nito sakin.

"I'm okay with Milk."sagot ko naman kaagad,tumaas naman ang kaliwang kilay niya dahilan para mapatawa ko. "Just kidding. Okay lang."sabi ko. At pinaikutan niya naman ako ng mata.

I miss this girl.

"Bakit ka pala nandito?"tanong niya at umupo sa tabi ko.

"Hindi ba pwede? Porket may boyfriend kana?"sabi ko sa kanya.

"Tse!"sabi nito kaya tumawa naman ako.

"Can I hug you?"napangiti naman siya. Niyakap ko naman kaagad siya."I miss you."bulong ko sa kanya.

"I miss you too."sagot naman kaagad niya,pagkatapos naming magyakapan. "Paano mo pala nalaman--"I cut her.

"Pinsan ko lang naman siguro yung boyfriend mo?"natawa naman siya.

"Okay. Watever. So ba't ka nga nandito?"tanong niya.

"Wala lang. I just want to see you."diretsong sagot ko sa kanya.

"Mabuti naman at naalala mo ako."sabi niya sakin.

Kung alam mo lang.

"These past few days sobrang busy eh. Well pareho lang tayo."sabi ko naman sa kanya.

"You know what Vrix,to be honest we're not the same as before."oo tama ang sinabi niya hindi na kami pareho nung dati.

"Yeah."mahinang sagot ko.

"Hindi ko alam kung bakit ganun. Bakit nga ba?"natatawang sabi niya.

"I thought our friendship lasts. Hindi na nga talaga tayo tulad ng dati."sabi ko naman sa kanya.

"Everyone's change. Everything's change. Simple as that."sabi niya na parang may sakit sa tono ng pananalita niya.

Umiwas ako ng tingin.

"So... kamusta naman kayo?"pag-iiba ko ng topic.

"We're good. Actually first monthsary namin ngayon"diretsong sagot naman niya sakin. Seriously? Pareho nang samin ni Shery?"Parang ikaw nga siya."natawa nalang ako. Pareho kami?pero ba't siya minahal mo? "Eh kayo? Naayos niyo naba yung relationship niyo?"tanong naman niya sakin.

"Ahh yeah,yeah,okay din naman kami. Binigyan ko narin ng break ang sarili ko maging masaya."nakangiti naman na sabi ko sa kanya.

"That's good! Sige na nga,okay na siya sakin para sayo."sabi niya natawa ulit ako habang napapa-iling-iling. Parang bumalik ulit sa isipan ko yung mga nangyari dati.
"Oh, by the way sino ba yung babaeng tinutukoy ni Shery? Hoyy ikaw Von Drix ha,wala kaman lang naikwento sakin tungkol sa babaeng yun.!"sabi niya sakin at nagkukunyaring galit sakin.

"Secret nayun! That was in the past. Hayaan na natin yun dun."kaagad naman na sagot ko sa kanya.

Ganun na ba talaga siya ka manhid?

"Watever. At kahit na,tinaguan mo parin ako ng sekreto!"pagrereklamo niya.

Natawa nalang ako.

I miss the old us.

Yung kaming dalawa lang. Pero alam kong hindi na mangyayari ulit yun.

For now,masaya naman ako kay Shery. At alam ko naman sa sarili kong totoo kung ano man ang nararamdaman ko para sa kanya.

Pero hindi ko lang talaga maiwasan minsan na isipin si Brenda.

"So I need to go. Na miss lang talaga kita eh. At ang baho mo na oh,maligo kana nga!"pagbibiro ko sa kanya. Sinamaan niya naman ako ng tingin.

Pawisan siya pero ang hot parin niyang tingnan.

"Heh!"sabi naman niya saka hinampas ng mahina ang balikat ko.

Hinatid na niya ako sa may pintuan.

"So I gotta go. See you when I see you...bestfriend?"sabi ko sa kanya habang pinipilit ngumiti sa harapan niya.

Looking at her right now,parang tinutusok ang puso ko.

Pinilit niya ngumiti pero bigla nalang may pumatak ng luha sa magkabilaang mata niya.

"B..bye."sabi nito. Tumalikod na ako at nagsimula nang maglakad.
Hindi ko na kaya pang makita siyang ganun. Feeling ko ngayon parang hanggang dun nalang talaga ang pagkakaibigan namin.

But I promise that I'll be here for her when she needs me. Ganun naman talaga yung role ko sa buhay niya,protector niya ako.

Nasaktan niya man ako nang hindi niya alam. Pero naging masaya naman ako sa harap niya kapag kasama ko siya.

"V..rix!"nagulat ako nang tinawag niya ang pangalan ko, napatingin naman ako sa likuran ko. Tumakbo siya at niyakap niya ako.

Napangiti ako at niyakap siya pabalik.

"Shhh don't cry. Nandito lang ako palagi para sayo Brenda."sabi ko at hinalikan ang noo niya.

Humihikbi-hikbi siya.

"Bakit pakiramdam ko nagpapaalam kana sakin? Bakit pakiramdam ko hanggang dito nalang yung pagkakaibigan natin?."sabi niya habang nakatingala sakin. Pulang pula at puno ng luha ang mukha niya,humiki-hikbi pa siya na parang nasasaktan sa bawat salita niya.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin.

Napalunok ako dahil pinipigilan kong umiyak din sa harapan niya.

Umiwas ako ng tingin.

Kinalas na niya yung pagkayakap sakin. Tumalikod na ako sa kanya at naglakad na palayo.

Baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko at masaktan ko na naman ulit si Shery.

Lumalayo lang naman kasi ako kay Brenda dahil alam ko sa huli lahat kami masasaktan.

Ayoko naman maging unfair sa girlfriend ko,kay Shery.

Tumingin ulit ako sa kanya at nandun parin siya sa pwesto kung saan kami nagyakapan kanina.

Kumaway na ako habang nakangiti sa kanya,kumaway din siya sakin at pinahiran na ang mukha niya.

Diretso na akong naglakad palabas ng building ng condo niya.

Kaagad na akong pumasok sa kotse ko.

Napayuko ako sa nobela ng kotse at hindi ko namalayan na may tumulo na pala na luha sa aking mga mata.

Sh*t this feeling.
------
A/n:Ohmygaaaas! In fairness to me ha! So far ito yung pinakamahaba kong chapter na naisulat haha.

Nadala kasi ko sa feelings nilang dalawa ni Vrix at Brenda eh. Lol.

So guysss what do you think? Friendship is over naba talaga?! Haha. Sorry for typo's pala ha!

Thanks for reading.

-eyyy

A Night With Him (#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon