Chapter 17

5K 83 4
                                    

(Brenda's POV)

Ughhh! I don't know. Pero ba't parang nagagalit ako.

"Ako na yung magdadala."sabi ko kay Jigz at kaagad naman niyang ibinigay yung susi ng kotse sakin.

Sumakay na ako at sumakay narin siya.

I start the engine.

"Where are we going?"nagkibit balikat lang ako. Sinandal niya nalang yung ulo niya sa upuan at tumahimik.

Nakakainis.

"Uhmm i'm sorry."panimula ko.

I don't know where to go,basta diret-diretso lang yung pagmamaneho ko.

"For what?"sabi niya,nakatingin na siya ngayon sakin.

"Yung kanina,na sinabi ko sa kanila na nanliligaw kana sakin."sabi ko habang nakatingin sa daan.

"It's okay. Gusto ko naman yun eh."napatingin ako sa kanya at ngumiti,binalik ko na kaagad ang tingin ko sa daan.

"Hindi ko alam ba't naniinis ako."kwento ko sa kanya.

"What if,hindi mo alam na gusto mo narin pala Vrix?"nagulat ako sa tanong niya.

Matagal ko nang itinatanong sa sarili ko yan. Pero alam kong sa sarili ko na hindi.

"No..."simpleng sagot ko.

"Or nagseselos ka?"tanong niya ulit sakin.

"Maybe. Kasi kahit noon,parang napakaselfish ko...."sagot ko nalang.

"Dahil?"hininto ko yung sasakyan.

Hindi ko alam kung nasaan kami ngayon.

"Dahil ayokong may iba pang babae sa buhay niya."diretsahang sagot ko sa kanya.

"So gusto mo talaga siya."sabi niya.

"Hindi nga. Pero ngayon naisip ko,hayaan nalang siya. Kasi noon sinasabi ko sa sarili ko,na siya lang kontento na ako tapos siya mag-gigirlfriend diba parang ang unfair naman nun."pagkwe-kwento ko at tahimik lang siyang nakikinig sakin.

"Ewan ko ba. Naiinis lang ako."sabi ko at napatawa naman siya.

"Wag mo na silang isipin."sabi niya sakin.

"Ang mas kinaiinisan ko lang kasi hindi niya man lang ipinaalam sakin na inaayos na pala nila yung relasyon nila. Excuse lang sa kanila ha bestfriends kaya kami. Sana kahit text lang man no?! I-consider niya naman ako."naiinis na sabi ko.

"Gusto mo bang mawala ang inis mo?"tanong niya sakin habang nakangiti.

Hindi ko talaga maiwasan tumingin sa mga mata ni Jigz. Parang pati yung mga mata niya kumakusap eh.

At hindi ko mapagkakaila na ang ganda talaga ng mukha niya. His pointed nose,his jawline. Ang mestisong kabuuan ng mukha niya.

Ay nako,ano ba tong naiisip ko.

"Close your eyes."sabi nito sakin pero nakamulat parin ang mga mata ko,habang nakatingin lang sa kanya.

"Close... your... eyes..."sabi niya habang ginagamit ang palad niya sa pagsara ng mga mata ko.

Madilim na ngayon ang nakikita ko. At ilang segundo, naramdaman ko yung paglapat ng labi niya sa labi ko.

Kaagad kong iminulat ang mata ko.

"Naiinis kapa ba?"naka-smirk na tanong niya.

Napangiti nalang ako at hinampas ang balikat niya ng mahina.

"Sabihin mo lang kung naiinis kapa dahil gagawin ko ng paulit-ulit yun hanggang sa mawala ang inis mo."nakangiting sabi niya sakin. At hindi ko maiwasang mamula sa sinabi niya.

Sige na nga,aaminin kong kinikilig na ako nang dahil sa kanya.

"Hoy excuse mo po ha. Palabas lang yung panliligaw mo sakin kanina."paalala ko sa kanya. At sumeryoso naman kaagad ang mukha niya.

"So pwede ba nating tutuhanin yun?"pinaikutan ko siya ng mata.
"Please. Hayaan mo naman ang sarili mong maging masaya."sabi nito sakin habang nagkakatitigan kaming dalawa.

"Brenda,kung iniisip mo na lolokohin kita,isipin mo na yung dapat at gusto mong isipin. Hindi ako magpa-promise. Pero ang alam ko lang yung ingatan ka at alagaan. Give me a chance to prove myself to you."nagulat ako sa sinabi niya.

Nakatingin lang ako sa mga mata niya.

"Pero Jigz... may mga bagay ako na kinakatakutan."sabi ko.

"Lahat tayo may kinakatakutan. Brenda hayaan mo akong pumasok sa buhay mo,sasamahan kitang labanan ng takot mo."sabi niya sakin at dun na bumagsak ang luha na kanina ko pang pinipigilan.

Kaagad naman niya pinunasan.

"Alam kong hindi mo magugustuhan,kapag nalaman mo."tumahimik siya saglit,napayuko siya at ibinalik ulit ang tingin sakin.

"Kung ano man yun Brenda,tatanggapin ko. Hindi ko sinasabing sagutin mo ako ngayon dahil handa akong maghintay sayo."sabi niya sakin.

"Thank you Jigz. Sana seryoso ka sa lahat ng sinabi mo."nagulat siya sa sinabi ko.

"A...anong ibig mong sabihin?"tanong niya sain.

"Pinapayagan na kita Jigz,pero sana step by step lang muna tayo ha?"nakangiting sagot ko sa kanya.

Nakangiti siya habang nakangiti. Pagkamulat ng mata niya niyakap niya ako ng napakahigpit.

"Sorry.."mahinang sabi niya.

"Haaa?"tanong ko pagkakalas ng yakap namin.

"Wala. Ang sabi ko thank you."nakangiting sagot niya at kaagad na hinalikan ang noo ko.

Hindi ba masyadong mabilis yung pangyayari?

Pero sana hindi ako nagkamali na hayaan siyang pumasok sa buhay ko.

At sana hinding-hindi niya ako sasaktan.
-----
A/n:lilinawin ko sila na ni Jigz at Brenda. *masigabong palakpakan*

Ano kayang magandang pangalan nilang dalawa? Suggest naman kayo guysss!

Nakapag-ud ako ngayon dahil wala akong class. Yeahhh! sa thursday na yung sembreak namin,makakapagbabad na ako dito sa wp pero baka sa friday na ulit ako makakapag-ud ng chapter 18.:D

Sorry for typo's pala ha. Don't forget to vote or comments! At kung gusto niyong magbasa ng one shots punta lang kayo sa works ko:))))

Thanks for reading.

-eyyy

A Night With Him (#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon