Chapter 11

6.6K 114 1
                                    

(Jigz's POV)

Oh God! Guilt is on my nerves right now. Sobrang nagsisisi ako sa nangyari. Ngayon ko lang nalaman na ang sarap niyang kausap.

Ang sarap niyang ingatan.

Kaya pala naging close sila ni Vrix.

Ibang-iba siya sa lahat ng babaeng nakilala ko.

I like her attitude.

At nagsisimula na akong magustuhan siya.

"Can I ask you something?"tanong niya sakin habang kumakain ng ice cream dessert niya.

"Yep?"tanong ko.

"Bakit 'unwanted' yung nakalagay sa tattoo mo?"tumikhim muna ako bago sumagot.

"K..kasi."she interrupt me.

"Kung ayaw mong sagutin it's okay."sabi nito sakin.

"No,no."sagot ko. "Kasi unwanted child ako. To make the long story short."sabi ko.

"I'm sorry."sabi nito sakin.

"No,it's okay. Next time ko nalang ikekwento ang buong story sayo."natatawang sabi ko.

"Okay okay."sabi nito. I got the tissue at pinunasan ang gilid ng labai niya.

"Thanks."nakangiting sabi nito.

She's so transparent. Malalaman mo talaga kung naiinis siya,nagagalit,nalulungkot o nasisiyahan siya.

Ngayon ko lang narealize na ang gago ko at nagawa ko yun. Hindi ko kayang aminin sa kanya ang ginawa ko.

I have this feeling na parang ayokong mapalayo sa kanya.

I've known her for just a weeks. Pero there is this eager that I want to know her more.

Like I want to be with her.

"Let's go?"sabi niya habang nahuli na siyang natapos kumain.

"Okay,let's go."nauna na siyang tumayo at sumunod naman ako sa kanya.

"Dala mo ba ngayon kotse mo?"umiling siya. "Okay hatid na kita."sabi ko sa kanya.

"Hindi na. Marami namang taxi eh. Diba sa condo ka ngayon ni Vrix nagsta-stay?"tanong niya. Tumango ako. "Oh! Hassle nayun sayo,magkaiba tayo ng way pauwi."dugtong pa nito.

"Hindi hassle sakin yun. Brenda,I want you to go home safely kaya please hatid na kita."she sighed in defeat.

"You're not that bad naman pala eh."sabi niya habang naglalakad na kami papuntang parking area.

"Cute mo talaga."sabi ko sa kanya.

"No i'm beautiful."sabi nito. Ang sarap niyang kausap. She is fun to be with.

"Yes,you're right."nakangiting sagot ko sa kanya. Ngumiti nalang siya at umiwas ng tingin.

Nang makarating na kami sa pinagparkingan ng kotse ko,binuksan ko na ang pintuan para sa kanya.

"Thank you."sabi nito. Tumakbo naman kaagad ako sa kabilang side at pumasok na sa loob.

I start the engine.

"Binili mo to dito?"tinutukoy niya yung kotse. Tumango ako.

"Nakailang girlfriends ka? Yung seryoso ha."napatawa naman ako.

"Wala pa."

"What?! So lahat ng babae pampalipas oras mo lang."mas lalo akong natawa sa kanyang reaction.

"Just kidding. I think 3."napatango-tango naman siya.

"When was the last?"napaisip ako.

"Uhmm. About 2 years ago."sabi ko.

"Tumagal kayo?"wow interviewer pala tong hot na babae nato.

"Mga almost a year din."

"Oh okay."sagot naman niya.

"Ikaw?"tanong ko naman sa kanya habang pabalik-balik ang tingin ko sa daan at sa kanya.

"Me,no boyfriend since birth. Hanggang M.u. lang talaga ako. Siguro ganun lang kasi parang kontento na ako kay Vrix na siya yung lagi kong kasama nung high school at kahit college."grabe ang tagal narin pala nilang magkaibigan.

I have a feeling that Brix has a feelings for her. Sa tagal ba naman ng pinagsasamahan nila. Hindi maiiwasan ang ganung feeling eh.

Tinuro niya sakin ang daan pauwi sa kanila. After ilang minutes na byahe nakarating na kami sa harapan ng bahay nila.

"Thank you ha."sabi nito sakin.

"No problem basta ikaw Brenda. Ang sarap mong kausap,sa totoo lang."ngumiti naman siya.

"Ganun lang talaga ako pag komportable ako sa isang tao,madaldal."natatawang sabi niya.

"So comfortable ka pala sakin."sabi ko sa kanya.

"I think so. Madaldal na ako simula pa kanina eh."sabi niya sakin. "So pano I need to get inside na. Take care ha."tumango-tango naman ako. "Ayy wait."sabi niya,bago pa ako makalabas para pagbuksan siya ng pintuan.

She kissed my cheeks. Napangiti naman ako sa ginawa niya. Lumabas na ako at pumunta sa kabilang side para pagbuksan siya.

"Thank you for this and for the treat."nakangiting sabi niya.

"Okay. Good night Brenda."sabi ko.

"Good night Aeghian."kahit naiinis akong may magsabi ng pangalan ko nun,pero kung siya I love to hear it,over and over again.

-----
A/n:Jigz at Brenda lang muna tayo ha. Sa mga next next chapter na yung kay Vrix at Brenda hehe.

Okay lang ba? Sorry for typo's,etc.

Sorry din pala kung sinabi kong sa friday ako mag-a-ud,ngayon nalang po ako nag-ud at sa saturday po ang chapter 12.

Salamat po talaga sa mga nagbabasa ng story kong to. Sobrang salamat, loveyouuu guyth! xx

Don't forget to vote or comment para malaman ko ang reactions niyo sa story huehuee.

Thanks for reading:)

-eyyy

A Night With Him (#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon