(Vrix's POV)
"Yo,san ka nanggaling?"bungad ko kay Jigz pagkapasok niya sa pad.
"Nakipagkita lang ako sa old friend. Nagdinner rin kami ni Brenda,nagkasalubongan kasi kami kanina."pagkasabi niya nun,napatingin ako sa kanya bago nakasagot.
"Ah okay."tapos binalik ko na kaagad ang tingin ko sa laptop.
Nakaka-iba lang ng mood eh.
"I think I like her."he said. At umupo siya sa likuran ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin kaya mas pinili ko nalang manahimik. "Dude,payagan mo na ako sa kanya."
Napailing-iling nalang ako.
"W..well,pumayag naman siya if ever na liligawan ko siya."sabi nito.
"Edi okay yun."yun nalang ulit ang sago ko.
"Do you like her?"tanong niya pero hindi ko sinagot.
"Heyy dude! Do you like her?"inulit niya ang tanong niya.
*sigh*
"Oo."mahinang sagot ko pero hindi parin tumitingin sa kanya.
"I knew it!"sigaw niya. "Kaya pala ganun ka nalang mag react."sabi pa niya.
"How sure you are that you seriously like her? Ilang weeks palang naman kayo magkakilala ah."sabi ko sa kanya habang nakatuon parin sa laptop.
"The first time I saw her. Gusto ko na kaagad siya."sinara ko na ang laptop ko at inilagay sa center table. Humarap na ako sa kanya.
Napatawa ako sa sinabi niya.
"Kilala kita dude."sabi ko.
"Okay.. okay... kanina,ang sarap niyang kausap. She is so fragile and a unique woman"totoo ang sinasabi ni Jigz. Iba si Brenda sa mga nakilala kong babae. "Pero kahit nang nasa Amsterdam pa ako,nakikita ko siya sa mga post mo at na-attract na ako sa kanya."patuloy pang sabi niya.
"Napaka-unfair naman yan dude. Kaya mong i-express yung nararamdaman mo para sa kanya."sabi ko.
"Pwede mo namang sabihin ang nararamdaman mo para sa kanya ah."sagot niya naman sa sinabi ko.
"It's not that easy."sagot ko.
"Dahil bestfriends kayo. Tsss!"sabi niya sakin.
"Hindi ko gustong mawala ang friendship namin na, na build ng ilang years para lang sa isang confession."sabi ko.
"So what's your plan?"nagkibit-balikat ako.
Natahamik kami ng ilang sandali
. Napapaisip ako.
"Give way."out of the blue na sinabi ko.
"What?!"gulat na tanong niya.
"Nag-gi-give way na ako sayo."sabi ko.
"Are you sure?"at tumango ako.
"Thanks dude!"sabi niya at tinapik ang balikat ko.
"Wag kang magpasalamat dude. Mas pinili ko lang ang tama. Pero once na lolokohin mo siya,hindi ko alam kung maalala ko pang magkapatid ang nanay natin."seryosong sabi ko.
"Oo naman dude."simpleng sagot niya habang nakangiti.
"Ang bakla naman natin ngayon dude!"sabi niya. Natawa nalang ako at napailing-iling.
Tumayo na ako para pumasok sa kwarto.
Pero bago pa ako pumasok tinawag niya ako.
"Dude... Can I get her number? Nakalimutan ko kasing hingin kanina."
"Here."kinuha ko ang phone ko at ibinigay sa kanya ang number ni Brenda.
Dumiretso na ako sa kwarto at nahiga sa kama.
Sh*t. Kahit nasasaktan ako sa desisyon ko pero para rin naman samin yun ni Brenda. *sigh*
------
A/n:usapang lalaki eh! Haha.
Sorry for typo's,etc.Pagpasensyahan niyo po pala kung ngayon lang po ako naka-ud,masyado po kasing busy sa paggawa ng props para sa role play namin. Buhay estudyante eh! Heheh.
Btw thank you MyGirlyGirl sa mga votes! Thank you ga hhahaha!
Don't forget to comment or vote po para malaman ko reactions niyo.
Thanks for reading!
-eyyy

BINABASA MO ANG
A Night With Him (#1)
RomanceSome scenes may not suitable for young readers. Read at your own risk. (PG13) Alrights reserved 2015✅ Date Started: August 30,2015 Date finished: January 18,2016