Chapter 28

4.6K 75 0
                                    

Brenda's POV

At Mansion...

Pagkapasok palang ng sasakyang sa bahay nila Jigz,uh no. Mansion pala. Sobrang kaba nang dibdib ko. I don't know kung ano ang sasabihin ko. Or anong gagawin ko. Magbebeso ba sa kanila? Tatahimik?

Parang kinukutuban ako ng hindi maganda. *deep sigh* Nag-ooverthink lang siguro ako.

Huminto na ang sasakyan ni Jigz. At mas lalong bumilis ang pintig ng puso ko sa kaba.

Pinagbuksan niya ako ng pintuan. At nagpasalamat naman ako sa kanya. Hinawakan niya at tinitigan niya ako na parang "don't worry,walang masamang mangyayari." Ningitian ko nalang siya bilang tugon sa mga tingin niya.

Magkahawak kamay kaming pumasok sa loob mismo ng Mansion nila. I can say that they're rich. At mas malaki tong mansion nila kesa sa bahay namin.

"Good ebneng ser,,nasa dining na po sela"sabi ng katiwala nila. Diretso na kaming pumunta sa dining nila.

Habang papunta kami doon,marami akong nakitang mga paintings at family pictures ng pamilya nila sa bawat pader.

Nang makarating kami,nakita kong nakaupo ang isang hindi naman masyadong matanda na babae. Nakaupo naman ang isang lalaking ka-edad ng mom niya at isang binatang lalaki. For sure mom na yun ni Jigz.

"Mom."bati ni Jigz sa kanya. At hinalikan niya ito. Tumayo ang mom niya at tumingin sakin.

Hindi ko mapagkakaila na maganda talaga siya,kaya siguro mana din si Jigz sa kanya.

"Uhmm. She's Brenda. My girlfriend."pagpapakilala ni Jigz sakin.

"Good evening po."mahinahong bati ko sa kanya. Lumapit niya sakin at nagbeso kaming dalawa.

"Nice to meet you,iha. I'm Grachela Aeghian's mom. You are so beautiful."sabi nito sakin at ngumiti naman ako."By the way,this is my husband and Aeghian's brother."sabi nito. Nagbeso naman ako sa step-father ni Jigz na si Gerardo at bumati din ako sa kapatid nitong si Kaizen.

"Bueno,umupo na tayo para makapagsimula nang kumain."sabi nito. Umupo na narin kami ni Jigz.

Mga ilang sandali narinig kong may pababa sa hagdan nila. At may babaeng papalapit na samin.

"Heyy brother."masiglang sabi nito. Seryoso lang na nakatingin si Jigz sa kanya.

"Ate..."pinutol niya si Jigz at bigla siyang nagsalita.

"So you must be his girlfriend? I'm Kathliah his sister."sabi nito. Mukhang mataray at for sure totoong mataray talaga siya.

"I'm Brenda."pakilala ko naman at nagbeso siya sakin.

"Umupo na kayo para makapagsimula na tayong kumain."ma-awtoridad na sabi ng kanila mommy. Kaya kaagad na kaming kumain.

Tahimik lang kaming kumakain. Nang biglang nagsalita ang mom nila.

"So,iha... Nag-aaral kapa ba?"tanong nito sakin.

"Uhmm. Tapos na po ako ng college,nag nenegosyo na po ako ng Botique."sabi ko at uminon ng tubig.

A Night With Him (#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon