(Brenda's POV)
Nakaupo ako ngayon sa swivel chair. Mabuti at hindi ngayon busy dito sa shop. Meron kasi akong sariling business. Dress shop.
"Miss B pwede bang maaga po akong uuwi ngayon? Birthday po kasi ng pamangkin ko."sabi ni Kyla sakin. Siya yung assistant ko.
"Okay sige. Hindi naman ngayon matao dito. If you want you can go now. Ako na magco-close dito sa shop."nakangiting sagot ko sa kanya.
"Talaga po? Sige miss thank you talaga."sabi nito at kaagad na niligpit ang mga gamit niya sa kanyang table. "Bye miss."tumango naman ako sa kanya.
*sigh*
Three weeks na ang lumipas simula nung may nangyari samin ni Von Drix. Yes that is Vrix's real name.
Sa three weeks na yun,hindi pa kami nagkita o nagkausap man lang.
Hindi ko alam kung ganun parin ba kami sa isa't-isa. I don't want to think that after we did,baka ma-awkward kami sa isa't-isa pero for sure ganun rin naman ang mangyayari.
Tumayo na ako at kinuha ang bag ko. I got my keys at siniraduhan ang shop. Pumunta na ako sa parking lot. Kaagad na akong sumakay sa kotse ko.
Naisip kong puntahan si Vrix para kausapin siya tungkol sa mga nangyari.
After ilang minutes ng byahe nandito na ako sa harapan ng building ng condo ni Vrix. Humanap na ako na pagparkingan. Bumaba na kaagad ako at pumasok sa loob.
Kaagad na akong sumakay sa elevator and I tap the 17. Nasa 17th floor kasi ang pad ni Vrix. After that diretso na akong naglakad sa hallway papunta sa unit niya.
I pressed the doorbell twice. Bumukas na ito. Bigla nitong iniluwa ng isang lalaking nakahubad at naka boxer lang well sobrang hot at ang gwapo. Teka nga hindi si Vrix.
Napakunot ang kilay ko.
"Uhmm. I..i'm sorry I thought this is my friend's pad."nahihiyang sabi ko at tiningnan ang number sa pintuan. Tama naman ah ang door number ni Vrix is 749.
Nagkamali ba ako?
"Uhmmm no,no. Tama. This is Vrix's."sabi nito kaya napawi ang pagkahiya ko.
"Come in. I'm his cousin."nakangiting sabi nito at lumabas ang dimple niya sa kanang mukha niya.
"Oh okay. Where is he?"tanong ko nang makapasok ako. Sinirado na niya ang pintuan at nakasunod na siya sakin.
"In his room."tumango naman ako at kaagad na tinalikuran siya.
"Wait. By the way i'm... Jigz."sabay lahad ng kamay niya sakin. Ngumiti naman ako sa kanya at nagpakilala.
"Brenda."inilahad ko narin ang kamay ko sa kanya.
Tinalikuran ko na uli siya at umakyat papunta sa kwarto ni Jigz.
Binuksan ko na kaagad at hindi na kumatok.
I jumped on his bed. Pero hindi siya nagising.
"Heyyyy!"sigaw ko,trying to waking him up. Kinusot niya ang mata niya at idinilat ang isa.
"What are you doing here? Ang aga pa ah."sabi nito sakin na ikanatawa ko.
"Anong maaga pa! It's already 1:32 Vrix!"sigaw ko sa kanya. "Get up!!!"dugtong ko pa napasigaw.
"Ughhh"he groaned. "I am still sleepy. Please let me sleep for awhile."sabi nito habang tinatakpan ng unan ang mukha niya.
"Whatever."sabi ko at tumayo. Binuksan ko ang kurtina na naka-cover sa window niya para pumasok ang sinag ng araw. "Ayaw mo pang gumising haaa!"sigaw ko at kinuha ang unan na nakatakip sa mukha niya.
"Sh*t"he cussed tumawa naman ako. "You annoy me."binelatan ko naman siya.
"Get up. We need to talk"I said.
Wala na siyang nagawa kundi umupo at sumandal sa hesdboard ng kama niya.
"Ohh sorry next time nalang pala."at tumawa ako ng malakas.
"You woke me up para lang paglaruan mo ako. Brenda alam mo ba ang mga parusa sa mga makukulit?"sabi nito with a smirk on his face. Umiling ako at unti-unting tumayo.
"Alam. Mo. Ba. Kung. Ano?"nakahalf-smile siya habang unti-unting tumatayo sa kama niya.
"Nooo! Stop!!"sigaw ko dahil binuhat niya ako at itinapon sa kama niya.
"What's going on here?"biglang pumasok si Jigz sa kwarto niya.
Kaya napaayos kami ng upo."Nothing."sabi ni Vrix,tumayo na siya at pumasok sa banyo.
Lumabas na si Jigz sa kwarto at lumabas narin ako.
Nang makababa na ako,umupo na ako sa sofa dito sa living room ni Vrix.
Oh sh*t that was awkward.
-----
A/n: Hi guys! Okay ba? Comment niyo po yung mga mali sa ud ko ha. At sorry sa mga typo's,etc.Mamayang 7 mag-a up po ako ulit,hindi po kasi ako makakapag-udpate bukas.
Don't forget to vote or comment para malaman ko po kung ano ang reactions niyo sa story.
Guys kung gusto niyo palang magbasa ng one shots,pumunta lang kayo sa works ko.
Thanks for reading.
-eyyy
BINABASA MO ANG
A Night With Him (#1)
RomanceSome scenes may not suitable for young readers. Read at your own risk. (PG13) Alrights reserved 2015✅ Date Started: August 30,2015 Date finished: January 18,2016