Chapter 27

4.2K 78 0
                                    

Jig'z POV

Nandito ako ngayon sa isang site na pagtatayuan ng restobar na imamanage ko. Actually,namin ni Vrix. Business partner kami sa business nato. Hindi naman mahirap samin,dahil mahilig naman kami sa alak at marami kaming alam tungkol sa negosyong ito.  Nag-graduate din naman ako ng business ad sa Amsterdam.

Napag-isip-isip ko kasi na kailangan ko ring mag-earn ng sarili kong pera.
Ayoko nang umasa sa pera ng mga magulang ko.

At may plano ako na siguro mag-po propose na ako kay Brenda. Hinahanap ko lang yung pagkakataon but I think hindi pa sa ngayon.

To be honest,medyo nag-iipon pa ako para ma sure kong stable na yung financial needs namin. Ayoko kasing magkaroon ng pamilya na pera parin ng magulang ko ang ginagamit ko.

I know parang ang bilis ng mga mangyayari but I want her to be my wife as soon as possible. Gusto ko nang totohanin ang lahat sa amin. Gusto ko na talaga siyang pakasalanan. I want to build a perfect happy family. At alam ko lang  siya yung babaeng makakaramay ko sa pagbuo nun. Nakikita ko talagang siya yung gusto ko nang makasama sa pagtanda.

Pero sana lang makalimutan na yung nangyari samin. Sana mabaon nalang yun sa limot.

She changed me alot. A badboy into a man with a dream. Sobrang pinagbago ko nang dahil sa kanya.

After ng meetings ko sa engineers and architects. Umalis na kaagad ako at dumiretso sa condo ni Vrix.

Doon parin ako nag-ste-stay. Balak ko ngang kumuha ng unit na katabi lang ng unit ni Brenda.

"Dude."bati ko sa kanya.

"Hey."sabi nito habang busy sa laptop niya.

"Are you going?"tanong ko at naupo sa sofa.

"Where?"habang nakatingin parin sa laptop niya.

"Sa mansion. Dalhin mo si Shery"aya ko sa kanya.

"Ah ye,we're going."and this time tumingin siya saglit sakin. "Kamusta na pala yung site?"tinutukoy niya yung pinapatayo naming restobar.

"Uhmm,okay na. Medyo 75% na ang nagawa. Malapit-lapit narin yun."I said at tumayo para kumuha ng tubig sa fridge.

"Good."simpleng sagot lang nito.

"Parang busy ka ata diyan ah."puna ko sa kanya.

"Ahh,oo. Nagsesearch kasi ako about strategy kung paano mahatak ang mga customers para sa business natin."sabi nito sakin at pinakita yung laptop. Tumango-tango naman ako.

"Okay."sabi ko nalang at pumasok sa kwarto para mag-ayos.

Maya-maya susunduin ko narin si Brenda.

After kong nag-ayos,nagpaalam na ako kay Vrix.Dumiretso na ako sa parking lot at kaagad nang sumakay sa kotse ko para sunduin si Brenda.

************************
Brenda's POV

*toktoktok*

I know it's Jigz kaya binuksan ko kaagad yung pintuan.

"Hi babe!"bungad ko sa kanya.

Hindi niya ako sinagot at hinalikan niya ako ng madiin sa labi. Nagulat ako nung una,pero agad ko namang tinugon ang mga halik niya. Isinandal niya ako sa pader at nararamdaman kong gumagalaw ang dalawa niyang kamay sa bawat parte ng katawan ko. Nakalagay naman sa magkabilang balikat niya ang mga  kamay ko.

"B...abe"sabi ko pero hindi parin kami humihinto sa paghahalikan. Napalunok ako nang hinalik-halikan niya ang leeg ko.

"I miss you."sabi niya habang hindi parin humihinto sa paghalik sa leeg ko. Unti-unti niyang pinapasok ang kamay niya sa loob ng dress ko papunti sa dibdib ko.  And it gives me shiver. Napapakit ako sa kakaibang pleasure na ginagawa niya ngayon sa katawan ko.

Binalik naman niya ang labi niya sa labi ko. He's savouring my mouth. Sinusubukan niya ipasok ang dila niya at nang makapasok ito naglabanan ang mga dila namin.

Napapikit ako sa sarap na dulot ng halik niya. Parang nangyari nato. Yung bawat hawak niya,yung mga paraan ng paghalik niya. Parang siya yung...

Napamulat ang mata ko dahil naalala ko ang nangyari.

No,hindi ko kaya. Hindi ko pa kayang malaman niya ang totoo,ayoko pang bumigay sa kanya. Baka iwan niya ako. Baka hindi niya ako matanggap.

"Jigz... S--top!"sabi ko at pinigilan ko siya.

Nagulat siya sa ginawa ko. At natauhan rin siya. Pareho kaming hingal na hingal dahil sa  paghahalikan naming dalawa.

"Oh God! I'm sorry baby."alo niya sakin at niyakap ako."I'm sorry. I just miss you."bulong nito sakin. Napangiti naman ako nang sabihin niyang na-miss niya ako,eh kanina lang kami ngakita eh.  "At hindi ko na napigilan ang sarili ko. I'm sorry."pag-e-explain niya sakin. Humigpit ang yakap niya sakin.

"Okay lang babe."sabi ko nalang. Ayoko namang gawing big deal ang nangyari. Atleast na control ko ang sarili ko at siya din. Normal lang naman siguro yun.

Napabuntong hininga ako.

"I'm sorry."ulit na sabi niya habang magkatitigan kaming dalawa. Tumango ako at hinalikan naman niya ang noo ko."Let's go."aya niya. Kinuha ko na ang pouch ko at ni lock ang pinto ng condo.

Dumiretso na kami sa parking lot habang magkahawak ang kamay. Ni wala samin ang ang nagkikibuan hanggang sa pumasok na kami sa sasakyan. Siguro dahil narin sa nangyari samin kanina.

"I'm nervous."sabi ko sa kanya habang nasa byahe na kami. Hinawakan niya naman ang kamay ko gamit ang isa niya kamay at ang isa naman ang nasa steering wheel.

"Don't baby. Nandito ako."ngumiti siya at tumingin sakin,binalik naman kaagad niya ang tingin sa daan.

Tinitigan ko siya habang naka side view. Ang gwapo naman talaga ng boyfriend ko oh. Nope,hot pala siya. Napangiti ako.

"I love you."out of the blue kong sabi sa kanya.

"I love you most Brenda."at hinalikan ang isang kamay kong hawak niya.

Ang sakit lang dahil may nakakuha na sakin. Sana si Jigz ikaw nalang,sana nga ikaw nalang.
----------------
A/n: heeeey nightersss! Here's the update! Sorry for typo's. Oh medyo may H.S.(hot scene) yan ha! hahahahahahha! Naka-ud ako kahapon at ngayon so kotang kotang nako! Hindi ko lang po alam kung kilan ulit next ud. Basta hintay hintay lang! Heheh!

365/365,Thank you God! 4 hours nalang 2016 na! Paalala lang,mag-ingat sa paputok haaaaa! Happy new year in advance guysssss!

Thanks for reading!

-eyyy

A Night With Him (#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon