Chapter 15

5.2K 102 0
                                    

(Jig'z POV)

Natatawa ako habang nakatingin kay Brenda mula dito sa coffee shop.

Hindi ko masyadong naaaninag kung ano mismo ang itsura niya pero alam kong naiinis na siya.

Ang sarap niyang inisin,ang cute niya kasi. Ano pa kaya pag sa personal ko pa siya kukulitin.

Siguri makikita ko kung gaano siya mag-blush.

Ang lakas na ng tama ko sa kanya eh.

Nang sinabi ko sa kanya na ang ganda niya sa suot niya. Alam kong kinabahan niya siya.

Plano ko nga magpapakilala na ako sa kanya,na ako yun nang-titrip sa kanya. Kaso nag-eenjoy pa ako sa ginagawa ko.

Ilang oras na din akong nakatambay dito sa shop. Siguro simula pa nung 9:25 ngayon 11:42 na.

Yayain ko kaya siyang mag-lunch.
*beep*

From:Dude Vrix
Dude? Where are you?

Akala ko kay Brenda na nanggaling.

Hindi na nagreply nung last ko nareply sa kanya kanina eh.

To:Dude Vrix
Nandito ako ngayon sa coffee shop,sa harap ng shop ni Brenda. Why dude?

Kaagad na reply ko sa kanya.

From:Dude Vrix
Lunch tayo.

Ilang second kaagad na siyang nagreply.

To:Dude Vrix
Gaything dude! Haha baket libre mo? Lol.

Kaagad naman siyang nag-reply

From:Dude Vrix
Ulol! Bilis na,dito na tayo magkita sa The Mall. Isama mo na si Brenda.

Sabi niya. Yeah! Ito yung gusto ko eh.

Nireplyan ko na siya.

To:Dude Vrix
Sure sure dude!

Hindi na siya nagreply.

Tumayo na ako at inayos ang damit ko. Pagkalabas ko ng coffee shop tiningnan ko muna kung nakatingin siya sa labasan. Timing at may-kausap siya kaya dahan-dahan akong tumawid sa kabila papunta sa shop niya.

*sigh*

Pumasok na ako sa loob. Napatingin yung babaeng kausap niya at sumalubong ito sakin.

"Good morning sir. Ano po yung maitutulong ko?"tanong ng babae sakin.

"Jigz."bati naman sakin ni Brenda. Napatingin ako sa kanya,hinalikan ko siya sa pisngi ng madalian. "Ako na dito,Kyla."nakangiting sabi nito sa babaeng kumausap sa akin kanina.

"Ba't ka pala nandito?"tanong niya sakin.

"Uhhm. Yayain sana kitang mag-lunch."nakangiting sagot ko sa kanya.

"Ha? Ayy oo nga 12 narin pala."sabi niya sakin.

"Actually,makikipagkita rin tayo kay Vrix."dugtong ko pa.

"Really? Sige ba."parang naexcite siya nang sinabi ko yun.

"Wait lang ha."sabi nito sakin at tumango ako. Kakausapin niya siguro yung assistant niya.

Napatingin-tingin ako sa shop niya.

Ang galing talaga ni Brenda. Napatayo niya ng mag-isa ang business nato.

"Uhmm let's go."nagulat ako kaya napatingin ako sa kanya. Dala na niya yung bag niya at sa isang kamay niya yung susi ng kotse niya.

"Brenda,if you don't mind. Pwedeng sumakay kana lang sakin."the fudge. Ano ba yung nasabi ko? Parang ang bastos naman nun.

Napangisi siya pero kaagad din naman niyang binawi.

"Uhmm.. k..kasi hassle pa kung isa-isa tayo ng sasakyan. Mas mabilis pa kung kotse ko nalang yung gagamitin natin."nauutal-utal pa ako. Bwisit.

"Sige. Let's go."nakangiting sabi niya.

Lumabas na kami sa shop niya,naglakad na kami papunta sa pinagparkingan ng kotse ko.

"Ba't parang ang layo naman ata ng pinagparkingan mo? Pwede ka namang mag-park sa harap ng shop ah."puna niya.

Sh*t! Oo nga no. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin kaya nanahimik nalang ako.

Binuksan ko na ang pintuan para sa kanya. Tumakbo na ako sa kabila at pumasok.

I start the engine.

Dude Vrix is calling...

"Uhmm Brenda,can you answer that call for me,please?"kaagad naman niyang kinuha ang phone ko at sinagot ang tawag.

"Yaah. Yahh. Were on our way. Byeee."narinig kong sabi niya at agad na niyang inilagay sa gilid ang phone ko habang nakangiti.
-----
A/n:dahil nag smile at nag 'hi' sakin si crush,nagka-energy ako para sa paggawa ng ud ngayon. So here's the ud for today.

Okay lang ba? Sorry for typo's. Sana mag comment po kayo sa mga reactions niyo.

Ghaaaa. Ipagpapatuloy ko pa ba ang story na to guysss? Hehe. Kahit 100+ palang yung reads naappreciate ko po.

Btw. Punta po kayo sa works ko kung gusto niyong magbasa ng one shots. <---plugggg ^_^

Don't forget to vote or comment.

Thanks for reading.

-eyyy

A Night With Him (#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon