Chapter 18

4.6K 74 2
                                    

(Vrix's POV)

Umalis na sila Brenda at Jigz. Nandito kami ngayon sa park ni Shery,kung saan parati kaming tumatambay dati.

Nagulat ako nung sinabi kanina ni Brenda na nanliligaw na pala si Jigz sa kanya.

"Vrix... gusto mo parin ba siya hanggang ngayon?"napabalik ako sa wisyo.

"Gusto mo parin ba siya?"pag-uulit ni Shery sa sinabi niya kanina.

"Hindi ko alam."sagot ko sa kanya. Tumahimik na siya habang nakatingin sa mga batang naglalaro. "Paano mo nalaman?"pabalik na tanong ko sa kanya.

"Nakikita ko lang sa mga mata mo and you know,actions speak louder than words."simpleng sagot niya.

"I'm sorry."sabi ko sa kanya at napatingin naman siya ulit sakin.

"Alam mo,oo aaminin kong nasaktan ako. Pero hindi mo kailangan mag sorry."sabi niya.

"Pero kahit na,nasaktan parin kita."sabi ko naman sa kanya.

"Siguro ganun lang talaga pag nagmamahal ka katumbas nun ang sakit."sabi niya at may tumulo na luha sa mga mata niya.

Pinahiran ko ito.

"Mamahalin mo naba Vrix?"yun ang pinakamahirap na tanong na sasagutin ko.

Nakakagago lang ang buhay no? Mahal mo may mahal na iba,mahal ka may mahal kang iba. That's life.

"Kung hindi mo masasagot yan okay lang."sabi niya at sumandal sa balikat."Hihintayin ko ang araw na ako nayung mahal mo."bakas ang sakit sa tono ng pananalita niya. "Alam kong parang napaka-despereda kong pakinggan pero minamahal lang naman kita."

"Shery,ngayon hindi ko masasagot yan dahil ayoko na ang nangyari noon."sabi ko sa kanya at nakikinig lang sa akin."Alam kong darating ang araw na mamahalin din kita."dugtong ko pa sa sinabi ko.

Dahil noon parang pilit lang ang lahat. Kasama ko si Shery pero si Brenda ang iniisip ko.

Alam kong nasaktan ko talaga si Shery kaya gusto kong bumawi sa kanya.

Hindi mahirap mahalin si Shery. Isa rin siyang mabuting babae,kahit noon pa man maitindihin siya. Ako lang yung gago na sinaktan siya.

"Alam mo,kahit hanggang ngayon,ganun parin ang nararamdaman ko para sayo."sabi nito sakin at umayos siya ng upo. "I love you Vrix."sabi niya habang nagkakatitigan kaming dalawa.

"Shery,I promise na hindi na kita sasaktan. Gagawin ko ang lahat at alam ko sa sarili kong hindi ko na pinipilit to. Totoo na yung nararamdaman ko para sayo. For now,hindi kita mahal pero alam ko na gusto kita."ngumiti naman siya sinabi ko.

"At sana makalimutan mo na siya."dugtong niya sa sinabi ko. At tumango tango naman ako.

"At sana totoo lahat ng sinabi mo sakin Vrix,kasi ngayon palang hinihintay ko na ang araw na mahalin mo na ako."sabi niya.

"Let's make things better this time,Shery. Hindi na ako magiging unfair sayo."sumandal na siya ulit sa balikat ko.

"Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon."sabi niya at hinawakan ang kamay ko. "Sana kung ano ako kasaya ngayon magpapatuloy ito hanggang sa huli."sabi niya.

"Oo naman. Maghintay kalang Shery. Dahil alam kong sa pagdaan ng mga araw, pareho na tayong magiging masaya."sabi ko sa kanya at hinalikan ang ulo niya.

"Wag mo akong saktan ulit ha."tumingala siya para magkatiginan kaming dalawa.

"I will."nakangiting sagot ko sa kanya. "Sana wag mong iisipin na rebound lang kita Shery. Kung noon yun ang nagawa ko sayo pero ngayon hinding hindi ko na gagawin yun sayo"sabi ko. At niyakap na niya ako kaya niyakap ko rin siya pabalik.

Gusto ko nang maging masaya at alam kong si Shery ang isang taong magbibigay ng kasiyahan sakin. Kakalimutan ko na kung ano paman ang nararamdaman ko para kay Brenda.

Dahil alam ko sa sarili ko ngayon na hanggang doon nalang kami. Na hanggang magkaibigan nalang kami.
----------
A/n: hayaan na nating maging masaya si Vrix. So here's the ud for today!

Ghaaaad! Itong story talaga ang nakakawala ng depress ko. :( Sana kayanin ko pa to.

Anyway,guyss sorry for typo's at in-advance ko narin ud ko instead na sa friday pa. At kung gusto niyo palang magbasa ng one shots punta lang sa works ko.

Comments naman kayo ng reactions niyo pleaaase huehuee!
Loveyou nighters♡♡. Thanks for reading.

-eyyy

A Night With Him (#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon