This is not the End

10.5K 167 3
                                    

3 years after...

I'm back. Three years ago pa nung huli kong naramdaman ang ganitong init ng panahon. Sobrang napakainit. Yung nakakaibang dampi ng hangin sa balat. Talagang nandito na talaga ako dito sa Pilipinas.

Kamusta na kaya siya?

Three years ago,nung araw na may nangyari samin. Yun ang huling kita ko sa kanya.

To be honest,I miss him.

At sobrang hirap na hindi ko siya nakita sa loob ng tatlong taon. I know,kasalanan ko dahil iniwan ko siya.

Natakot kasi ako.

Nangako ako na hindi ko siya iiwan,pero mahirap mang sabihin naging mahina ako. Natakot ako sa mga posibleng mangyari noon.

But now I'm here. Pero alam kong wala nga siguro akong babalikan. Kasalanan ko rin naman eh. Iniwan ko nalang siya nang ganun  ganun nalang.

Wala akong alam kung ano na yung mga nangyayari sa kanya. Kahit kay Vrix,hindi na ako nagpaalam.

My parents told me na tumawag sa kanila si Jigz at hinahanap ako,pero sinabi ko sa kanilang wag na nila sabihin sa kanya kung nasaan ako.

Nung panahong yun,hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nung makita ko palang sa mga mata niya,parang natakot agad ako. At bigla ko nalang naisip na umalis nalang.

I left him a note. I said 'i'm sorry'. Lahat na siguro na gusto kong sabihin doon na lahat nakaipon sa dalawang salitang yun.

Hindi ko alam kung anong irarason ko sa kanya. At hindi pa ako ready na magkita kami. Alam kong lahat ng panunumbat at galit niya ay maririnig ko sa kanya.

Kaya parang natatakot ako na baka isang araw magkita kami,hindi ko alam kung ano ang mga sasabihin ko kay Jigz.

********************

Ilang araw na simula nang umuwi ako dito sa Pilipinas. Nandito ako ngayon sa Mall kasama ang dalawa kong anak,oo may anak na ako. Hindi ko alam na magbubunga pala ang nagawa namin Jigz noon.

Ang mga Anak ko sina Eulevy Breigh and Aeghian Breigh Pinangalanan kong Aeghian ang anak kong lalaki dahil mag-mukhang mag-ka mukha talaga sila ni Jigz. They're already 3 years old. And obviously they are twin.

Hindi ko pa alam kung ipapakilala ko sila sa Dad nila. Natatakot ako sa mga posibleng manyari. Baka pag-sinabi ko kay Jigz,hindi siya maniwala. Baka hindi niya tatanggapin ang anak namin.

"Eulevy,don't go there!"suway ko pero hindi parin siya tumigil sa pagtakbo. Mas malikot kasi tong si Eulevy kaysa sa kuya niya. "Yaya,bantayan mo muna si Aeghian ha."bilin ko sa yaya nila.

Pagkalingon ko wala na si Eulevy. Tumakbo ako sa pinuntahan niya kanina. Biglang bumilis ang tibok ng puso.

Jusko! Ang anak ko! Wala na siya dito sa kanina niyang tinatayuan. Bigla akong nanlamig dahil sa kaba. Tumingin ako sa paligid pero hindi ko makita,dahil napakaraming tao. Hinanap ko siya.

Eulevy nasaan kana.

Brenda calm down. Deep sigh!

Jusko baka ano mangyari sa kanya hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko.

Narinig kong may umiiyak na bata.

That's Eulevy. Thank God!

Hinanap ko kung nasaan siya. Napabuntong hininga ako. Dahil may nakita akong lalaking kinakarga siya.

"I want my mommy!!!! Wahhhh!"

Kaya nilapitan ko na sila.

"We're going to find your mom? Don't cry. Shhh."alo ng lalaki sa kanya.

"Eulevy."tawag ko napalingon si Eulevy sakin,dahil nakatalikod sila sakin. At napatingin din yung lalaking kumakarga sa kanya.

Jigz?

"Mommy."sabi nito at nag-sign itong gustong magpakarga sakin. Kinuha ko si Eulevy at tumahimik na ito sa kakaiyak.

"B..renda?"mahinang sambit niya. Biglang bumilis ulit ang tibok ng puso ko.

"T..hank you."hindi ko alam ang sasabihin ko,napalunok ako sa paraan ng tingin niya sakin.

Hindi ko alam kung bakit gusto ko siyang yakapin ngayon,halikan.

"Anak mo siya?"turo niya kay Eulevy at tumango-tango naman ako.

"Ay nako mam,nandito pala kayo. Kanina pa tong iyak nang iyak si Aeghian oh. Hinahanap kayo."sabi ng yaya nila sakin.

Sh*t. Tumingin kaagad ako kay Jigz. Nagulat siya sa narinig niya. He got a clue. Alam kong alam niya na,na anak niya yung mga batang nasa harapan niya ngayon.

"They're mine."sambit niya at kaagad na kinuha si Aeghian. Nakita kong may tumutulo na luha sa mga mata niya. "Tell me Brenda! Anak ko sila diba?"sabi nito,nakatawag pansin na kami sa mga tao at nakatingin ang lahat sa amin. "Tell me, they're mine?"sabi nito at parang nangungusap na sabihin kong anak niya sina Aeghian at Eulevy. Hindi na ako sumagot at tumango nalang ako.

Lumapit siya samin ni Eulevy habang karga niya si Agehian.

"I miss you. And I still love you. Please come back to me Brenda. Let's start over again."sabi nito sakin habang magkatitigan kaming dalawa. Hindi ko namalayan na nakangiti ako habang may tumulo na luha sa mga mata ko.
-------------------
Fin~

A Night With Him (#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon