Chapter 28

1.2K 29 2
                                    

May takot na rumehistro sa mukha ni Chris sa sinabi ko.

Umalis na sina Aileen at Jake. Hindi naman umalis si Chris sa kwarto ko.

"Leave Chris," sabi ko. Kung pagbibintangan mo rin lang naman ako at kung ayaw mo ring pagamot, umalis ka na lang. Gawin mo 'yang pag-iinarte sa ibang lugar.

"No, I'm not leaving," sabi nya. Nilapitan nya 'ko. "I'm sorry. I'm stupid. I don't know what I'm thinking. Ayokong magpadala sa ospital kasi gusto ko ikaw na lang ang gumamot nito," sabi nya. Tinuro nya ang labi.

I looked at his cut at nahabag ako. I also checked the cut on his eyebrow. It was still very fresh. "Gago ka kasi," sabi ko melting for him.

"Gago talaga, sinabi mo pa," amin nya to agree with me. "Sorry na. Wag mo na akong paalisin," he pleaded and made a pa-cute face.

Hindi ko rin naman sya matiis. Umirap ako but smiled. "Lie down, bubuhusan kita ng alcohol," banta at biro ko.

"Huh? Wag naman. Pero kung yun ang gusto mong gawin, sige titiisin ko," paawa nyang sabi.

Nahanda na ni Manang ang first aid kit an hour ago pa. Kinuha ko yun sa labas ng kwarto at ginamot ang mukha ni Chris. Nilagyan ko ang mga cuts nya ng maliliit na Disney-inspired band-aids.

"Ba't Disney?" tanong nya.

"This or uuwi ka," pagtataray ko.

"Sige na, Snow White na kung Snow White. Wala bang at least si Sebastian sa The Little Mermaid?" sabi at hanap nya sa kit.

"Puro nga Disney Princesses. Tsaka favorite ko si Snow White," nguso ko habang nilalagay ang band-aid sa ilong nya kahit wala namang sugat dun.

"Eh favorite mo pala eh, eh di Snow White na talaga," sabi nya and hugged me.

"Wag ka ng makipag-away," bulong kong seryoso.

"'Pag ikaw, makikipagpatayan ako," bulong at halik nya sa'kin.

"King..." angal ko.

"Ang sarap, King pa rin," sabi nya. "Natakot ako. Akala ko makikipag-break ka na. Mahal mo pala talaga 'ko."

Hinampas ko sya. "Eng, eng, mahal na mahal kaya kita," sabi ko. I meant that.

Si Chris na lang. I meant what I decided in his condo. I will fully love Chris. Ron's sudden appearance won't change that. Kahit mahal nya daw ako... Mahal nya daw talaga ako...

Erase, erase...

Mahal ko si Chris at mahal nya 'ko. It's not complicated with him. We're happy and I'm content with him. Masaya na 'ko.

Matamis nya 'kong hinagkan. "I love you too Queen. Are we still on for the beach trip?" he said and planted small kisses on my face.

Tumango ako. "Basta hindi mo tatanggalin yang mga band-aids mo," kiliti ko sa kanya.

"What? Pagtatawanan ako nina Kuya," sabi nya pero alam kong willing sya. He hugged me again and kissed my neck.

"Di ako sasama King," banta ko. "'Pag tinanggal mo yang si Snow White."

"Okay, okay," sabi nya. "Let's sleep na. I'll tell Kuya na tuloy bukas."

Sinundo nila kami ng tanghali the next day.

Natawa sina Jake at Aileen pagkakita nila kay Chris. "Hey Snow," sabi ni Jake sa kanya. "Ready na kayo and your seven dwarves?"

"It was either this," turo nya sa mga band-aids, "or the couch," sabi ni Chris sa Kuya. "Of course si Snow White and Queen na lang."

Broken Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon