Chapter 42

1.2K 18 1
                                    

Nag-ring ang phone ko at dali-dali kong kinuha yun. Bumaba ang balikat ko nang nakita kong hindi si Chris ang tumatawag. "Mom," sagot ko sa phone.

"Chloe anak," mabilis nyang sabi. "How are you? I heard about-"

"'Wag nating pag-usapan mom," putol ko kay mommy. Matindi ang iling ko. I knew how much they liked Chris. Wala naman talagang problema sa kanya eh, nadisgrasya lang talaga.

"Okay. Are you okay though?" she asked. The last thing I wanted was them worrying about me lalo na't mag-isa ako and they knew I was taking care of everything in LA. I didn't want the thing with Chris and I to be something they'd be worried about kasi kaya ko naman. And also Daddy shouldn't be worrying about something small such as this if he is upset, sana hindi. Alam kong gustung-gusto nya si Chris.

I looked at Ron who thankfully was there to accompany me. "Okay naman po ako."

"Want me to accompany you there?" Mom asked.

"No mom I'm okay. How's Dad?" tanong ko crossing my fingers he didn't know about the issue.

"Galit na galit sya kay Chris anak," sagot ni Mommy.

Sh1t. "Hayaan nyo na," nasabi ko na lang.

"Find a good guy. Don't think about him anymore," payo ni Mommy. Kaya ayokong pinag-aalala sila about small stuff, they would think it appropriate to give me advice that I don't need.

"I have to go mom," putol ko sa usapan.

"Wag ka na munang magpaka-busy sa trabaho Chloe. You can rest till tomorrow tutal naman we've finished all our year-end and month-end stuff. It's now all down to our Accountants," she said.

"Sige mom. I'll just spot check restaurants tomorrow," sabi ko.

"Bahala ka. Take it easy anak tutal holidays. Let the Restaurant Managers do the work," she added.

"'Kay mom."

"Love you."

"Love you mom," I said and ended the call.

"Everything alright?" tanong ni Ron.

"Yeah. They know about Chris na. Dad's furious," sabi ko at buntung-hininga.

"Sino ba namang hindi magagalit sa nangyari? Ikaw lang ata ang kumportable sa nangyari eh at gusto mo pa syang balikan nyan ah," sabi nya.

"Ron I'm not comfortable talking about it with you now. Pwede bang 'wag mo na muna 'kong awayin tungkol dito?"

"Sorry. Nakakainis lang kasi," sabi nya.

"Tyagain mo. Hindi ganun kadaling lumimot. Isipin mo na lang na nung iniwan mo 'ko, ganito rin ako, mas malala lang."

Lumapit sya at lumuhod sa harap ko. "I'm really sorry. I really am talaga, promise. Gago ako, mali, tanga. I couldn't imagine that pero let me make it up to you, please," he pleaded.

He seemed and looked devastated with himself. Kahit nagsisisi sya, at kahit totoo ang mga pangako nya, sumisingit pa rin sa'kin na baka mangyari ulit pero I wanted to try again, to love, to be happy. Sana mangyari yun. Sana with him. Kasi sya naman talaga ang mahal na mahal ko pa rin. "Okay. First tumayo ka na dyan at bumalik ka na sa upuan mo," sabi ko.

"Okay," payag nya at bumalik sya sa kinauupuan nyang couch. "Second?"

"Wala. Yun na muna," sabi ko.

"Mahal mo pa ba 'ko? Mahal mo pa ba si Chris?" tanong nya.

"Second! No questions! At ayokong binabasa mo 'ko. You don't deserve to know what I'm planning to do. Ayokong naninigurado ka. Wala kang ganung privilege dahil bumabawi ka."

Broken Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon