WARNING: May mga foul words po! Yun lang :D
-------------------------------------------------------------------------------------------------------
“P*ta! Wag na wag kang papasok hangga’t wala tayong pera ha! Maghanap ka ng trabaho at pwede ba pakidalian, ilang linggo ka ng naghahanap pero wala pa rin! Ano ba naman El! Pag di ka nakahanap, ibebenta kita!”
“Tignan mo nga naman to eh no. Alas, sino bang lalaki? Ako o ikaw? Eh masahol ka pa sa babaeng may dalaw kung makapagutos eh! Ikaw kaya maghanap!”
Akmang sisipain niya ko pero madali naman akong nakaiwas. Sanay naman na ko sa mga ganito eh. Ano ba namang bago?! Eh halos araw-araw ata kaming nag-wwrestling nitong kuya ko eh. Masahol pa kami kila John Cena mag-away.
“Aba, sumasagot ka pa ha?!” Lumapit siya sakin at dinuro ako. “Tandaan mo to, pag wala akong naibayad kila Ka Endong ikaw talaga ipambabayad ko!”
“Eh ba’t kasi di ikaw ang magtrabaho?! Laki-laki ng katawan mo! Ano yan pang-display lang?!”
“G*go!”
Nagpakawala siya ng suntok at alam kong masakit yun pag dinapuan ako kaya naman todo iwas ako. Sumuntok pa siya ng sumuntok at nung talagang di niya ko mahuli ginamit na rin niya ang mga paa niya. Ha! Graduate na ko sa pagiging punching bag niya kaya wala na siyang mapapala sakin!
Pinilit kong mapalapit sa pintuan at ng malapit na nga ako dun, dali dali kong binuksan at kumaripas ako ng takbo. Bahala na mamaya basta kailangan kong makatakas. Oo, magaling na nga ako sa pakikipag-sparing pero mas malakas pa rin naman sakin yung si Alas. Babae pa rin naman ako at lalaki siya kaya pasa lang ang aabutin ko kung lalaban ako sa kanya.
Napatigil na lang ako ng matanaw ko yung tindahan nila Aling Nena. Astig nga eh! Kapangalan niya pa yung sa kanta ng Eraserheads. Pero wala ako sa mood makipag-asaran ngayon kaya bumili na lang ako ng coke sa natitirang pera ko sa bulsa.
“Coke nga, Aling Nens.” Matabang kong sabi ng nasa tapat na ko ng tindahan niya.
“Oh ba’t di mo ata ako kinakantahan ngayon?” patawa-tawa pa niyang sabi sakin.
“Lucky day mo ngayon, Aling Nens, ngayon lang to.”
“Eh ba’t ganyan yang mukha mo? At Lunes ngayon hindi ba? Nag-cutting ka na naman ano! Jusko kang bata ka, sinabi na sayong mag-aral kang mabuti para matakasan mo na yang siraulo mong kapatid.” Hay, sermon na naman!
Napabuntung-hininga na lang ako. “Aling Nens, pano ba naman ako makakatapos nito eh isang buwan pa lang ako dun sa school na pinapasukan ko mukhang mag-dadrop na naman ako! Nakakasawa na! Pautangin mo na lang ako Aling Nens ng maisalpak ko sa bunganga ng Alas na yun!”
“Ano na naman bang nangyari ha?”
“As usual wala kaming pera at kailangan kong maghanap ng trabaho.” Tumingin ako sa kanya at nag-puppy eyes at pout pa. “Aling Nens, baka naman pwede mo kong tanggapin bilang helper dito sa tindahan mo?”
“Hay naku, El. Alam mo namang gipit din kami kaya di ko kayang swelduhan ang sino mang papasok dito. Di bale, magtatanong na lang ako kung san ka pwedeng makapasok.”
“Hay, sige ho, salamat.” Matamlay kong sagot. Napalinga-linga naman ako sa paligid ko. Ang gaganda naman talaga ng mga bahay dito! Sarap nakawan! “Mang-akyat bahay na lang kaya ko, Aling Nens para mas madali...”
BINABASA MO ANG
My Sweet Tragedy
Teen FictionBeing a victim of a child abuse, Elspeth experienced a traumatic lifestyle inflicted by her own brother and father. Pero isang araw, nagising na lang siya na nasa isa siyang mala-palasyo na bahay kasama ang matandang tinulungan niya lang once pero h...