~*~
Halos araw araw kong pinagtataguan si Tanya pero wala pa rin. Nahahanap at nahahanap niya pa rin ako. Tuwing umaga ko lang siya natataguan. Paano naman kasi seatmate kami kaya wala rin akong kawala. Bahala na nga. Yung kuya niya? Aish! Ba’t ba kasi ako natatakot sa taong yun. Mukha namang mas nakakakot sila Tanda at Alas dun. Pero iba talaga nararamdaman ko sa kanya eh.
2 linggo na ang nakakaraan wala namang nangyari saking masama maliban na lang sa mapanlisik na mga tingin ni Calvin. Pero di ko na lang iniintindi. Baka kasi selos lang yun eh.
Tapos kami naman ni Tanya para ng kambal dahil sa di kami mapaghiwalay. Masaya naman siyang kasama kaya okay na rin. Ang sarap ring asarin. Kaibigan na nga talaga ang turing ko sa kanya. Hmm, ewan ko lang sa kanya.
Pero di ko inaasahan na...
“Tanya Morgan!”
“Ha? Sino yun?” nagpalingon lingon naman kami ni Tanya.
Linga pa rin ako ng linga. Paglingon ko naman kay Tanya para siyang nabato sa kinauupuan namin. Ang pwesto kasi namin ay nakaharap siya kung san ako nakatalikod kaya di ko nakita kung sino man yung tinitingnan niya.
“J-jeremy?”
Napatingin ako sa likod ko kung sino ba yung Jeremy na sinasabi nitong si Tanya at bakit parang kabang kaba siya.
Nakita ko ang isang lalaking naka-maroon na jacket. Matangkad, gwapo, matipuno, maputi...parang yung mga natural na rich kids pero may pagka-bad boy ang itsura.
Tuluyan ng nakalapit yung lalaki samin. Tumayo ako para mas lalo ko siyang makita. Nanliit naman ako. Pansin ko lang, netong mga nakaraang araw lagi na lang ako nanliliit sa mga lalaking nakikita ko. Mas matangkad naman ako dun sa mga tambay sa kanto namin dati eh. Well, may matatangkad rin. Pero iba ang tangkad ng lalaki dito.
“Tanya.”
“Oh Jeremy, a-anong g-ginagawa mo dito?”
“Sinusundo ka?”
“Ikaw sundo ko?!”
“Oo.”
“Bakit, pinapasundo ba ko ni Kuya?”
Shet yung kuya niya! Kinilabutan na naman ako.
“Ganon na nga.”
“Bakit, wala ba si Butler Luke?”
“Wag ka ng madaming tanong. Lika na!” sabay hila sa braso ni Tanya.
“Ano ba! Bitawan mo nga ko Jeremy! Ayoko! Magcocommute na lang ako kesa sumabay sayo!”
“Wag ka ng umangal, Morgan.” Matigas na sabi nung Jeremy at ang sama rin ng tingin.
Bigla niya kong nilingon at binigyan rin ako ng nakamamatay na tingin. Anong nangyayari?
“El...” tiningnan ako ni Tanya na para bang nagmamakaawa.
Ano bang gagawin ko? Para kong nabato na dito sa kinatatayuan ko. Di naman sa natatakot ako dun sa lalaki pero di ko kasi alam kung ipagtatanggol ko ba si Tanya o hindi. Eh mukha naman kasing kilala niya tong si Jeremy eh at nagiinarte lang siya.
Pero kaibigan ko siya eh...AISH!
“Bitawan mo nga ang kaibigan ko!”
“Kaibigan? O ka-i-bigan?”
![](https://img.wattpad.com/cover/5705549-288-k285801.jpg)
BINABASA MO ANG
My Sweet Tragedy
Fiksi RemajaBeing a victim of a child abuse, Elspeth experienced a traumatic lifestyle inflicted by her own brother and father. Pero isang araw, nagising na lang siya na nasa isa siyang mala-palasyo na bahay kasama ang matandang tinulungan niya lang once pero h...