“Kasama sa buhay na minana
Isang maling akala na ang taliwas kung minsan ay tama
Ang hari ng tondo, hari ng tondo
Baka mabansagan ka na hari ng tondo
Hari ng tondo, hari ng tondo-ohhh
Baka mabansagan ka na hari ng tondo!!!!”
“HOY! ANG PANGIT NG BOSES MO! MAGPATULOG KA! LECHE!”
“HOY! ANG PANGIT NG MUKHA MO! WAG KA NA SANANG MAGISING! KAPRE!”
“G*gong to ah!” Bigla namang tumayo sa pagkakahiga niya si manong at kumuha ng bote at saka ako hinabol.
“Hahahaha! Manong mag-eskelan ka muna! Ang bagal mo!” sigaw ko habang tumatakbo at tumatawa. Ang sarap talagang mang-asar ng mga tambay sa kanto lalo na yung mga nakainom. Hahaha!
“Hoy! Baka gusto mong maputulan ng pututoy!” pagbabanta niya. Sige, baka meron ako?! Hahaha!
“Hahaha! Ang tanga mo manong! Kailan pa nagkaron ng ganon ang babae?! Absent ka nung biology nyo no?! Wag ka mag-alala manong, same here! Hahaha!” totoo naman eh. Wala nga kong natutunan sa klase na yun eh. Nagtaka ka pa eh sa isang buwan ang pasok mga 2 linggo lang ang na-attendan ko.
“Yabang mong tibo ka ah!”
Tibo? Ilang beses na ba kong nasabihan nun? Di ko na matandaan eh. Maraming nagsasabi nun sakin. Tomboy daw ako. Siguro daw marami na kong naging girlfriend. Daming alam! Inggit lang kasi sila sa beauty ko! Haha!
Pero meron kaya ako nun? Hay ewan! Pano ba naman di ako sasabihang tibo eh lagi akong naka-tshirt ng malaki at naka-jersey tapos nakacap pa ko para itago yung buhok kong mahaba kasi ang init init! Tapos ayaw pa kong pagupitan ni Alas! Feeling niya buhok niya eh!
Tapos ang masaklap lagi niyang napupunit yung mga damit ko pagnag-iisparing kami kaya ayun lagi kong sinusuot yung damit niya. As if namang may choice ako eh! -_-
Natatanaw ko na yung bahay namin. Maganda naman yung bahay namin eh...sa labas. Tapos pag nakapasok ka na, ayun, parang dinaanan ng bagyo. Di na kasi nalilinis. Di ko naman malinis kasi ayoko halos na nagpapakita kay Alas dahil nga ginagawa ako laging punching bag kaya mas madalas akong nasa labas.
Batang kalye na ko dati pa at proud ako dahil mas street wise ako kesa sa mga malalanding mayayaman diyan sa tabi-tabi.
Tuloy-tuloy lang ako sa pagpasok kasi alam kong di ako madadagukan ngayon dahil may dala ako. Subukan niya lang akong sapukin at hindi niya masisilayan ang sampung libong bigay sakin ni Don Salvs.
Pagpasok ko amoy sigarilyo na naman at di lang yun...may alak pa at drugs sa lahat na sulok ng bahay namin. Pero di na bago sakin to kasi nga gangster at jeje tong kapatid ko kaya ayan, para kong nasa isang hideout ng mga killer.
Napabuntung-hininga na lang ako. Ang dami ding babae, kadiri talaga! Ayoko talaga sa mga malalandi eh!
Nagpalinga-linga pa ko hanggang nakita ko si Alas na nakaupo dun sa sofa naming inaamag na at may kahalikan na babae. Grabe, kita pa yung dila nila habang naghahalikan, ice cream lang?! Oo, ice cream at ang flavor? Bilasang isda! Oo, yun kasi yung niluto ko kanina para kay Alas bago yung takbo peg ko. Sinadya ko talaga yun. Nagbabakasakali na baka mabura na tong Alas na to sa mundo and guess what...mahirap talagang mapatay ang mga masasamang damo. Leche!
BINABASA MO ANG
My Sweet Tragedy
Novela JuvenilBeing a victim of a child abuse, Elspeth experienced a traumatic lifestyle inflicted by her own brother and father. Pero isang araw, nagising na lang siya na nasa isa siyang mala-palasyo na bahay kasama ang matandang tinulungan niya lang once pero h...