~*~
Lulan kami ngayon ng magandang kotse ni Don Salvs. Van ito kaya naman nasa likod kami nakapwesto habang may driver at may isa pang lalaking naka-suit sa may passenger seat. Tapos may 2 lalaki pang naka-black din na nasa unahan namin. Seriously, may lamay? Ako lang ata ang hindi naka-black dito eh kasi naka black din na slacks si Don Salvs.
Madilim na sa labas kaya alam kong ginabi na kami dahil sa mga proseso daw na kailangan para sa safety ko chuchu. Sa totoo lang, wala naman akong pakielam eh. Nakikiride na nga lang ako sa agos ng buhay at bahala na kung san ako dalhin.
May konting tiwala naman ako dito sa matandang katabi ko kahit papano na hindi niya ako pababayaan basta-basta. Mayaman siya at kaya niyang gawin ang lahat na gugustuhin niya kaya medyo feeling ko safe ako sa kanya. Pero ang di ko pa rin alam ay kung may kapalit ba to o wala. Kung meron man, ano naman kaya yun?
“El, san mo gustong mag-dinner? Sa labas ba o sa bahay na? Medyo malayo-layo pa tayo baka gutom ka na? 9pm na rin oh at alam kong napagod ka.” Naputol ang pag-iisip ko sa biglang pagsasalita ni Don Salvs.
Liningon ko siya sa may kanan ko at nakangiti siya. Mukha namang sincere at concern nga talaga siya sakin. Pero di ako dapat magpadala agad.
Elspeth, tandaan mo hindi lahat ng tumutulong at nakangiti sa harapan mo ay mabuti. Mamaya nasa loob ang kulo niyan.
“Ah eh dun na lang ho sa bahay niyo. Di pa naman ho ako ganun kagutom pero baka ho kayo yung gutom. Okay lang naman po sakin na sa fast foods na tayo kumain.”
Oha! Ang bait ko no! Bait-baitan lang yan. Syempre di naman ako ganon ka-walanghiya na tinulungan mo na nga siya pa ang galit. Tsaka di ba nga, wala akong pakielam kahit pa niligtas nila ko o hindi dahil sanay na sanay naman na ko sa pakikipag-isparing kay Alas at nagkamali lang talaga ako ng galaw kanina kaya ako natamaan.
“Hmm, di pa naman ako ganoong nagugutom. Sige sa bahay na lang.” Ngumiti siya ulit at may pinindot para yung salaming nagdidivide samin para marinig nung mga tauhan niya ay bumaba.
“Butler Khan, may sky flakes ba dyan? Penge nga akong dalawa.”
Ayos ah! Kala ko ba di siya gutom?
Pinaabot naman ni Butler...Khun? Ken? Pan? Aish! Basta yung mukang aattend ng ballroom na lalaki sa harap yung isang plastic ng sky flakes.
Pinindot na ulit ni Don Salvs para tumaas ulit yung salamin. Ayos rin tong van eh no, feeling limousine lang! Sabagay high-tech kasi lahat ng nakikita ko dito sa loob eh. Siguro pinasadya talaga to. Gaano ba kayaman tong si Don Salvs? Hmm, mag-reresearch nga ako tungkol sa kanya.
“Oh, sky flakes ka muna. Panawid gutom.” Inabot niya sakin yung plastic tas kumuha siya ng 5 na sky flakes.
Di siya gutom niyan!
Kumuha ako ng isa at ipinatong na sa may patungan sa gitna namin yung supot ng sky flakes.
Napatingin naman ako dun sa katabi ko na kala mo ilang linggong di kumain.
“Don Salvs, kala ko ba di kayo gutom?”
“Ha? Ah eh, hindi nga! Bakit mo naman natanong? Tsaka mas gusto ko kasi ang luto sa bahay kesa sa mga fast foods dahil mas masarap naman ng di hamak yun. Mamaya malalaman mo.”
BINABASA MO ANG
My Sweet Tragedy
Fiksi RemajaBeing a victim of a child abuse, Elspeth experienced a traumatic lifestyle inflicted by her own brother and father. Pero isang araw, nagising na lang siya na nasa isa siyang mala-palasyo na bahay kasama ang matandang tinulungan niya lang once pero h...