~*~
Simula nung araw na yun ay di na ko pumalag pa sa kahit anong ipagawa sakin ni Don Salvs. Lagi kaming pumupunta sa mga building o kung tawagin niya ay mga agencies daw na makakatulong para sa kasong isasampa namin kay Alas at para na rin sa pag-aadopt niya sakin.
Lagi na rin akong naka-dress at heels at yung buhok ko laging sunog at bali. May mga anting-anting (accessories) din silang pinapasuot sakin. Tapos kung anu-ano pang tinuturo nila. Tinuturuan nila kong maging isang babaeng babae kasi daw mukha akong tibo, pati sa kilos. PAKE BA NILA?! Amp.
(Si Elspeth ulit sa side ----------------------------------->)
Di ko rin malilimutan ang pagkamuhi sa mga mukha ni Alas nung nasa korte na kami. Mas masahol pa yun sa tingin na ibinibigay niya sakin pag nag-iisparing kami o kaya’y may nagawa akong kasalanan na lagi namang hindi ko sinasadya. Para siyang papatay sa tingin. Kung nakakamatay lang ang pagtitig ay siguradong double dead na ko. May mga kasamahan din siyang makukulong dahil sa droga.
Nung mga araw na yun, nakaramdam ako ng pagkalungkot at awa. Pinapakita ko mang wala akong pakielam kung makulong man ang kapatid ko o hindi pero deep inside, inaamin kong ayoko. Naging mabait na kapatid rin sakin si Alas nung mga bata kami. Pero di ko na matandaan kung hanggang kailan yun dahil bigla na lang paggising ko isang umaga ay di niya na ko pinagtatanggol kay Tanda. Tapos minsan siya pa ang nangunguna sa pagpapahirap sakin. Nawala ang nakikilala kong Alas.
Ang Alas na mabait, maunawain at lagi akong pinagtatanggol.
Mukhang namatay na rin ang Alas na yun katulad ni Tanda.
At pagkatapos ng lahat ng to ay talagang feel na feel na ni Don Salvs ang pagiging lolo niya sakin. Gusto niya ngang tawagin ko siya lolo pero umayaw ako kasi nga ayokong may tinatrato akong pamilya. Ayoko sa word na yun kaya kahit anong word na karugtong nun ay ayoko. Eh di ba pag sinabi mong lolo ay part ng family kaya todo iling ako nung sinabi niya yun. Natatandaan ko pa yung pagbusangot ni Don Salvs nun pero wala akong pake. Inadopt niya ko at hanggang dun na lang yun.
Nakilala ko rin ang panganay niyang anak na si Antonio Griyego. Noon ko lang rin nalaman na Griyego pala ang apelyido niya. At himala nga eh, ayaw ni Don Salvs na baguhin pa ang pangalan ko kahit gusto ko dahil ayoko ng maalala pa ang masalimuot kong nakaraan dahil sa apelyido ko. Pero alam ko naman na di ko yun makakalimutan kailan man.
So speaking of Antonio Griyego, may idiniscuss sila sakin nung araw na yun...
*FLASHBACK*
“El, meet my son, Antonio. And Antonio meet El. Siya yung sinasabi kong inadopt ko at makakatulong sa atin.”
Makakatulong? o_O
“Nice to meet you, El.” Ngumiti sakin yung may katandaan na rin na lalaki pero kahit na matanda na siya ay alam kong gwapo to nung binata. Pero huy! Di ko crush no! Kadiri!
Tinanggap ko yung nakalahad niyang kamay at nakipag-shake hands ako. “Nice to meet you rin po.”
Pagkatapos ng meet and greet, umupo na kami. Nakaupo kami ni Don Salvs sa mahabang sofa samantalang yung anak niya ay nasa pang-single.
Grabe! Mala-lady like ang mga pagkilos ko ngayon. Kinikilabutan ako sa sarili ko! Paano ba naman kasi isa to sa mga tinuturo nila sakin. Pero ayokong dume-kwatro kasi nga nakadress na naman ako at wala akong shorts na pang-loob!
“Maganda nga siya, Pa. She’s perfect for my son. But I’m surprise to see her being like that.” Ikinumpas niya pa yung kamay niya up and down sakin. “Akala ko ay boyish siya but she really looks like a lady right now. Mukhang magugustuhan nga siya ng anak ko.”
BINABASA MO ANG
My Sweet Tragedy
Teen FictionBeing a victim of a child abuse, Elspeth experienced a traumatic lifestyle inflicted by her own brother and father. Pero isang araw, nagising na lang siya na nasa isa siyang mala-palasyo na bahay kasama ang matandang tinulungan niya lang once pero h...