~*~
“Ikaw kang bata ka! Walanghiya ka talaga! Ano na naman ang ginawa mo ha?! Leche!”
“Sorry na po, Papa!”
“Sorry?! Walang magagawa yang sorry mo!!!”
“E-eh d-di ko naman po si-sinasadya eh...”
“Ang sabihin mo tanga ka talaga!”
“Araaaaaaayy!!!”
“Ang ingay!”
“Hoy! Bumalik ka dito!”
“AAAAAAAAAAAAAAAAAAAA...”
“AAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHH!”
Napaupo ako sa kama...ko? Paano ko napunta dito?
“Naku po, Miss El. Okay lang ho ba kayo?” sabi nung isa sa The Demon 5.
“Ah oo, nauuhaw lang ako.”
“Sige ho, kukuha lang ako ng maiinom.” Tapos umalis na siya.
Hanggang ngayon bumabalik pa rin sakin lahat ng masasamang alaala ko nung bata ako. Ang masalimuot kong nakaraan. Parang ayaw na nga akong tantanan eh. Natatakot ako. Paano ba to mawawala?
Naalala ko na naman yung lalaking yun.
Yung paghalik niya sakin.
Yung pagdampi ng mga palad niya sa balat ko.
*DUGDUGDUGDUGDUGDUGDUGDUG*
Napahawak ako sa puso ko. Tuwing napapalapit kasi siya sakin bigla na lang naghahyperventilate tong puso ko. Di ko rin alam kung bakit.
At pagkatapos ng mga alaalang yun. Yung alaala namang binigay sakin ni Tanda. Ang mga kabrutalang ginawa niya sakin.
Natatakot ako.
Ayoko ng ganito.
Feeling ko ang weak ko. Nanghihina ako pero at the same time may nararamdaman akong di ko maipaliwanag. Lalo na pag ang nagfflashback naman sakin ay yung tungkol sa lalaking muntik na kong rape-in.
Ewan ko ba. Nababaliw na ata ako. Parang ayaw bumalik sa realidad ng utak ko at puro flashback lang naiisip nito.
Bumabalik tuloy yung mga nararamdaman ko ng mga panahon na yun. Halo-halo na. Parang nag-ooverflow na lahat ng emotions ko.
Gusto kong sumigaw.
Gusto kong umiyak.
Gusto kong magtago.
Pero di ko alam kung bakit. Naguguluhan na ko!
“Miss El, eto na ho yung tubig oh.”
Inabot ko sa maid yung tubig at uminom. Inilapag ko lang sa side table yung baso at tumingin na naman ako sa dingding. At flashback na naman.
Ano bang nangyayari sakin?
Erik’s POV
Kinaumagahan pagkagising na pagkagising ko nag-ayos na agad ako pero di dahil sa papasok ako. Pupuntahan ko kasi si El eh. Mangangamusta lang at kung okay na siya gusto ko sanang magtanong tungkol sa nangyari. Nararamdaman ko kasing may hindi magandang nangyari sa kanya kahapon o nung nakaraang araw eh.
Yung klase ko na lang na mga panghapon ang aattendan ko.
Pagkatapos ko mag-ayos umalis na ko at naglakad papunta sa bahay nila Don Salvador. Ewan ko lang kung bahay pa rin ang tawag dun kasi ang laki eh tapos ang ganda pa ng loob. Mukha na siyang mini mansion.
BINABASA MO ANG
My Sweet Tragedy
Novela JuvenilBeing a victim of a child abuse, Elspeth experienced a traumatic lifestyle inflicted by her own brother and father. Pero isang araw, nagising na lang siya na nasa isa siyang mala-palasyo na bahay kasama ang matandang tinulungan niya lang once pero h...