~*~
El’s POV
Lecheng babae to! Ngayon, pinagsisisihan ko na kung ba’t ba ko tumabi sa kanya. Well, di ko rin alam eh. Basta dinala na lang ako ng paa ko sa table niya. Nginitian ko na nga lang yung mga nag-offer na sa kanila ako tumabi eh. Nakakahiya naman kung maging snob ako, first day ko pa naman. Ba’t kaya sa first day lalo na pag transferee lang or talagang first day niyong lahat, talagang ang babait kunware, mala-anghel! Pero pag tumagal, ayun mga demonyong wagas kung lumakad sa hallway. Kala mo mga hari’t reyna eh!
Back to the malandi here by my side. Pucha, titigan ba naman daw ako the whole day?! Tunaw na tunaw na ko sa mga titig niya eh. Tapos minsan pangiti-ngiti pa. Naka-shabu ata to eh! Buti na lang talaga di ako tumitira nun kahit pinipilit ako ni Alas. Ayokong maging ganito katulad nitong babaeng to! Ew!
Sa recess and lunch siya rin kasama ko. Paminsan-minsan pa nga gusto akong subuan tapos pag umiling ako, nagpapout. Cute siya pero kinikilabutan ako to the max! Sinusungitan ko na nga siya ng todo pero wa epek! At sinabihan niya pa na ang cool at ang cute ko pag nagsusungit. WTF!
Gusto ko na talaga siyang ipagtabuyan pero ewan ko parang medyo magaan ang loob ko sa kanya. Di ko alam kung dala ba yun ng angelic face niya o ng charms niya pero feeling ko gusto ko siya maging kaibigan.
Take Note: KAIBIGAN PO hindi KA-I-BIGAN.
Like duh! Kahit ganito itsura ko, babae ang puso ko. Eh yung si landi, itsura niya babaeng babae samantalang lalaking lalaki naman ang puso. We’re opposites nga naman.
Trivia sakin: AYOKO SA WALANG ABS! Hahaha! Si Erik kasi meron kaya crush ko yun :D
*KRRIIIIIIIIIIIIIIING*
“Okay class, that’s all for today.”
Lahat kami nagsitayuan na at inayos yung gamit. At ako, sadyang matalino ako kasi halos di ko nilalabas yung mga gamit ko para madali akong makalabas kapag uwian na kaya naman eto ako dali-daling lumabas ng classroom.
“EL! WAIT UP!”
Ha! Bahala siya!
“EL NAMAN EH!”
Psh!
“EEEEEELLLL!”
Hala, eskandalosa talaga yung babaeng yun.
*BLAG*
Napalingon ako at nakita ko si landi na nakasalampak sa gitna ng hallway at nakakalat yung gamit niya. Mukha na nga rin siyang iiyak eh. Hala, kawawa naman. Kahit naman papano, may ginintuan din akong puso. Haha!
Tumakbo ako palapit sa kanya at inayos yung gamit niya. Well, sinalpak ko lang naman lahat sa bag niya tapos inalalayan ko siya tumayo.
“Okay ka lang?”
“Heh! Ang sama mo! Yan tuloy ang sakin ng pwet ko!” sabay hila ng bag niya sakin at padabog na naglakad.
Psh! Anong akala niya aamuin ko siya, hindi no! Pwet niya!
Speaking of pwet niya, himas nga siya ng himas. Hala, mukhang nasaktan nga talaga siya. Kinonsensya pa ko, leche naman!
“Landi!”
“What?!”
“Ay mali...” bulong ko. Ano nga ulit name nito?!
“El, kainis ka!” lakad siya ng lakad pero di niya ko nililingon at ako naman eto sinasabayan siya sa paglakad at di mapakali kung anung sasabihin.
BINABASA MO ANG
My Sweet Tragedy
Teen FictionBeing a victim of a child abuse, Elspeth experienced a traumatic lifestyle inflicted by her own brother and father. Pero isang araw, nagising na lang siya na nasa isa siyang mala-palasyo na bahay kasama ang matandang tinulungan niya lang once pero h...