5: My mom...Imelda

308 5 0
                                    

~*~

My life here at Don Salvs’ house is a HELL.

Biruin niyo, araw-araw nila kong pinapaliguan tapos sila rin ang nagpeprepare ng susuotin ko araw-araw. At ang malala pa eh puro dress yun na above the knee tapos tinuturuan pa kong maglakad with heels. Torture talaga! Ang hirap kaya maglakad ng nakatingkayad tapos mas matulis pa sa lapis yung takong. Bakit ba kasi kailangan ko ng ganito eh! Make over daw sabi nila. Pucha! Ginagawa nila kong Barbie eh! Kinukulot pa nila yung buhok kong mahaba. At ang worst, nilagyan nila ng color brown! Anak ng!

(Si Elspeth sa side --------------------------------->>>)

“Don Salvs! Don Saaaaaaaaaaalvs! Salvadooooooooooooooooor! Waaaaaaah!”

Kasalukuyan akong tumatakbo sa hallway para makababa.

“MISS EL! Wag ho kayong tumakbo baka madapa kayo!”

“Miss El! Bumalik kayo dito!”

“Miss El! Sandali lang ho!”

“Miss El! Yung dress niyo po baka magusot!”

“Miss El! Huhu! Bagalan niyo naman ho! Nakakapagod eh!”

Ang tanga rin ng isang to eh no! Kaya nga ako tumatakbo dahil sa kanila tapos bagalan ko daw? Edi nahuli nila ko! At ayokong magpahuli. Magkamatayan muna tayo!

Bakit ko tinatakbuhan ang the Demon 5? Simple lang, kailangan ko na naman daw isuot yung 6 inches na stiletto buong araw.

At sino naman ang the Demon 5? Simple lang din, sila lang naman yung mga maids na nagpapaligo lagi sa akin at tinotorture lagi yung buhok at paa ko. Kasama dyan si Yaya Rosing. Kala ko pa naman mabait siya! T_T

Dali-dali akong bumaba at hinanap si Don Salvs. Nasan ba kasi yung huklubang matandang yun?!

Punta sa living room...

Wala.

Punta sa kusina...

Wala.

Punta sa dining room...

Wala.

Punta sa movie room (Meron kasing napakalaking LCD na TV dito at may mga DVD’s chuchu tapos may mahabang super comfortable na sofa and halata namang pagmanunuod ka ng movie dito ang punta mo. Kaya movie room na lang tawag ko dito since di ako nakinig nung kinder ako sa tawag sa room na to)

Ang haba ng explanation ko pero...wala pa rin!

Punta naman ako dun sa main living room kung nasan yung malaking piano...

Pero walang tumutugtog kaya...ayun, wala pa rin!

Nasan ba yung matandang yun?!

“MISS EL!”

Shems! Nandyan na sila! Waaaaaaaah!

Agad akong lumabas kahit naka-paa lang ako at nakita ko naman si Don Salvs sa may garahe na may kausap na mga tao. Syempre di pa rin mawawala yung mga mukhang barako at laging naka-itim na mga lalaki pero meron ng babae ngayon na mukhang office girl. Di muna ako nagpakita sa kanila. Oo, may lahi kasi akong pagka-chismosa eh.

“I want to clear everything. Kahit pa puntahan niyo sa Canada si Imelda Fonseca, just do it! Nang mapirmahan niya na ang mga papers for the adoption of El. I want everything to be ready this month. Ayokong umabot pa to ng August! Marami pa kong kailangan gawin. And my lawyer is still making the contract. I need to train El too. There’s so much to do!”

My Sweet TragedyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon