~*~
So after 11 months ay ito na ko ngayon nasa isang BMW kasama si Butler Khan at yung driver. Akala niyo limousine ano? Oy! Sa mga Korean drama lang yon! Tsaka duh! Ihahatid lang ako sa school at hindi sa isang engrandeng formal party with matching red carpet. And wag ka! Sa wakas nakabisado ko rin ang name ni Butler Khan. Achievement!
“Miss, nandito na ho tayo. Ihahatid pa rin po ba namin kayo hanggang loob?” tanong sakin ni Butler Khan.
“No, dito na lang ako sa may gate. Lalakarin ko na lang papunta sa building.”
“Sigurado ho ba kayo, Miss El? Baka ho mapagod kayo sa paglalakad. Ang lawak ho nitong school na to eh.”
“No, Butler Khan. Okay lang ako. Okay na ko dito.”
“Okay, Miss El.” Hinarap niya yung driver. “Ipark mo na lang dyan sa harap ng gate yung car.”
Sa totoo lang, kaya ayokong pumasok pa yung car dun sa loob dahil alam ko namang pagbubuksan ako ni Butler Khan na kala mo isang prinsesa. Ayoko nun! Gusto ko makilala ako sa school na parang ordinary student lang. Tsaka may gagawin kasi ako sa buhok ko at ayoko ng ganitong style. Masyado akong girly sa suot kong green na uniform with a short pencil skirt. Like ew!
Ipinark na ni manong driver sa may entrance ng maliit na gate yung kotse. May malaking gate kasi eh. And di lang basta malaki, malaking malaki! Kasya siguro limang kotse na sabay sabay pumasok dun! Kitang kita ko naman na maraming kotse at mukhang ihahatid nun yung mga estudyante sa loob. Hmm, pang rich kids nga pala tong school na to. Pangalan pa lang eh. Hwang International School kasi ang name ng school ko ngayon and 3rd yr ulit ako. Syempre ano pa ba?!
Pinagbuksan ako ng pinto ni Butler Khan habang nakabow ng konti. Isinukbit ko na yung backpack ko at lumabas.
“Have a nice day, Miss El. Mag ingat ho kayo. Susunduin ho namin kayo mamayang dismissal time.”
“Teka, di ba pwedeng magcommute na lang ako pag-uwi?” Asar, pano pag gusto ko palang gumala?! Psh!
“Di po pwede, Miss. Mahigpit pong inutos samin ni Don Salvador na kailangan lagi kayong safe.”
“Ba’t di ba safe dito?”
“Outside the school po ang hindi safe.”
Ugh! Kainis! Napapadyak naman ako. “Sige na, Butler Khan. Ako na lang uuwi mag-isa!”
“No. no. no.” iwinagayway niya pa yung hintuturo niya. “Susunduin ho namin kayo no matter what so it’s a big no. no. no.”
“Ewan ko sayo! Mukha kang bakla, Butler Khan!” inis kong sabi tapos tumalikod na ko at pumasok sa gate.
Grabe high tech dito oh! Yung guard nakatayo lang sa magkabilang gilid tapos ilalagay mo lang yung gamit mo sa isang...ano ba tawag dun? Yung parang sa airport? Tapos yung dadaanan mo naman parang pinto na walang pinto na nang-dedetect din. Aish! Ang ignorante ko talaga sa ganitong bagay!
Pagkatapos kong kunin yung gamit ko. Agad agad naman akong lumakad papasok.
“Woooooow!” yan agad ang lumabas sa bibig ko ng ipalibot ko ang tingin ko sa paligid.
Ang ganda naman dito sa school ko. Modern na modern pero ang ganda parang garden of paradise yung dadaanan sa dami ng iba’t ibang klase ng halaman na colorful tapos naka-cut pa yun sa iba’t ibang shapes. May mga puno din na parang mga higanteng payong. Tapos ang tataas ng building na color brown. Yung parang school sa Europe. Ang ganda grabe!
BINABASA MO ANG
My Sweet Tragedy
Teen FictionBeing a victim of a child abuse, Elspeth experienced a traumatic lifestyle inflicted by her own brother and father. Pero isang araw, nagising na lang siya na nasa isa siyang mala-palasyo na bahay kasama ang matandang tinulungan niya lang once pero h...