Dedicated to Ate Kai! @meprettyme! Gusto ko sanang magpaturo kung pano gumawa ng mga BS ba yun? Ahehehehhe. Ganda po ng story niya "Revenge Baby" po ang title! :)))
~*~
Erik’s POV
“El? El! Are you okay? Anong nangyayari sayo? Masakit ba ulo mo? El? El! Sumagot ka! OY!”
Syete! Kanina ko pa inaalog si El pero ayun para pa rin siyang timang na nakahawak sa ulo niya at pailing-iling pa. Aish! Bakit kasi natanong ko agad yun eh?! Nakakacurious naman kase!
Hinagod ko yung likod niya. “El, wag ka na masyadong mag-isip please! Wag mo ng isipin yung tinanong ko. Di naman importante yun eh.”
“AAAAAAAAAHHHHHHH!”
“EL! EL! OKAY KA LANG?! Jusko naman! Teka lang ha! Tatawagin ko lang yung mga maids para madala ka namin sa ospital! Wait lang!”
Agad akong tumayo at akmang aalis na para tawagin ang mga maids pero natigilan na lang ako ng maramdaman kong hinawakan ako sa braso ni El.
“Huhuhu. Please don’t leave me. *sob* N-natatakot ako. Huhuhu. Please...please...*sob* *sob*”
Umupo na ko sa kama ulit at hinaplos ang buhok niya.
“El, shh! Don’t worry nandito lang ako. Wag ka ng matakot. Kung ano man yang kinakatakutan mo wag kang mag-alala bugbugin ko yang mga yan! Sisipain! Hahampasin! Lahat lahat! Kung ano mang nangyari sayo nung nakaraang araw, aalamin ko yun El. At magbabayad ang sino mang lumapastangan sayo! Tandaan mo yan El! Basta tandaan mo rin na nandito kami para sayo, kaya shh! Tama na, okay? Tahan na. Di kaya bagay sayo ang umiiyak.” Nginitian ko siya tapos niyakap.
Kaso bigla niya akong itinulak.
“S-stay away from me! UGH!” tapos ayan na naman siya na parang timang ulit.
Seriously, anong nangyayari sa kanya? Bakit parang nababaliw siya na ewan?
Ano nga bang nangyari sa kanya nung nakaraang araw? Bakit nagkakaganyan siya? Anong dahilan? Anong bumabagabag sa kanya? Bakit parang pati sakin natatakot siya? BAKIT?!
Pucha! Ang dami kong tanong pero kahit isang sagot wala akong alam. Haaay...
“El...” inilapit ko ang kamay ko ng dahan-dahan para ulit hagudin ang likod niya.
Kaso bigla niya tong hinampas at lumayo sa akin. Nasa may dulo na nga siya ng kama niya eh. Buti na lang talaga malaki tong kama niya.
“El? El, di naman kita sasaktan eh.”
“No, you’ll hurt me! Huhu! Tama na please *sob*”
“El, di ako ganung tao. Di kita sasaktan promise! El, please naman.”
“*sob* THEY HURT ME! HUHUHU!”
THEY?!
“WHO HURT YOU EL?!”
Napapisil na lang ako sa may comforter niya sa galit. Di ko kasi siya mahawakan at baka pati sakin ay tuluyan na siyang matakot.
Di siya sumagot pero iyak lang siya ng iyak at niyakap niya na ang tuhod niya at yumugyog na parang bata.
“EL! TELL ME! Who hurt you?!”
Hinintay ko siya sumagot pero wala. Ganun pa rin ang ginagawa niya. Di na ko nakapagpigil at hinawakan ko na siya sa magkabilang balikat niya at hinarap sakin. Tiningnan ko siya sa mata.
BINABASA MO ANG
My Sweet Tragedy
Novela JuvenilBeing a victim of a child abuse, Elspeth experienced a traumatic lifestyle inflicted by her own brother and father. Pero isang araw, nagising na lang siya na nasa isa siyang mala-palasyo na bahay kasama ang matandang tinulungan niya lang once pero h...