8: My Crazy Stalker.. (part1)

274 5 0
                                    

~*~

Takbo. Takbo. Takbo.

“Eeeell! Wait up! Heeey!”

Shems! Dapat di ako maabutan nung malanding babaeng yun! Kinikilabutan ako sa mga sinasabi niya eh! Eeeeeerrrr...!

“EL! That’s not the right way! Dito yung high school building!”

Habang tumatakbo nilingon ko siya at nakaturo siya dun sa building na malaki rin tapos color brown din. Bakit ba kasi pare-parehas ang porma ng mga building dito! Mukhang yung court tsaka gym lang siguro maiiba.

Agad akong lumiko dun sa may puno at binilisan yung takbo para di niya ko mahuli. Pagdating na pagdating ko dun napahinto naman kagad ako kasi hindi naman pinto yung inabutan ko kundi yung parang sa LRT at MRT yung pinapasok yung card na machine ang nasa harapan ko tapos may pintong rehas nga pero may guard at may dala pang baril. Awts! Ayoko namang ma-guidance sa first day ko no!

Hmm, san na naman ako kukuha nung card? Bumibili rin ba dito nun? Lingon. Lingon.

Pucha! Wala namang counter eh!

“Ah, Miss, naliligaw ka ata?” tanong nung lady guard.

“Ah hindi po. Ito po yung high school building di ba?”

“Eto nga.”

“Ah eh pano po ako makakapasok wala naman akong card?”

“Wala kang card? Check mo na lang ulet yung envelope na pinadala sayo baka nandun lang. Lahat ng nag-enroll dito may kanya-kanyang card.”

Oo nga naman! Tanga ko di kasi ako naghahanap muna bago magtanong nakakahiya tuloy.

Hinalukay ko ulit yung bag ko tapos nilabas ko yung malaking envelope and hinanap yung card. May nakita naman ako kagad na red card. Dali-dali kong kinuha yun at ipapasok ko na sana dun sa machine.

Teka, wala namang pasukan eh!

Biglang may naglambitin na naman sa braso ko. Minamalas nga naman oh!

“Huli ka! Ha ha!” sabi ni landi tsaka hinablot yung card ko. “Owww! Elspeth Fonseca. Nice name, ang cute! Pero mas bagay pa rin sayo ang El. Ang gwapo at ang cute mo kasi eh!” sabay pinch sa cheeks ko.

“Aray! Ano ba! Bitawan mo nga ako! Papasok na ko!” hahablutin ko na sana yung card ko pero nilayo niya naman kagad.

“No no no! Promise mo munang di mo na ko tatakasan!”

“Aish! Oo promise!” pagsisinungaling ko.

“Mamatay man ako?” sabay pout.

“Oo mamatay ka na!”

Hinampas niya naman ako. “Ang sama mo naman!”

“Amin na nga kasi ang kulit!”

“Oh ayan na! Nagpromise ka ha! Wag mo na kong lalayuan kundi itatali kita! Rawr!”

Ampupu! Nakakakilabot talaga tong babaeng to! Di naman ako mukhang lalaki di ba? Di ba? Di ba? Please, umoo naman kayo! T_T

Kinuha ko na yung card tas nakita ko yung kasunod ko na iniswipe niya so yun din yung ginawa ko. Pagkaikot nung yung parang dun nga sa LRT agad akong tumakbo at hinanap yung cr.

“El! EL! EEEEEEEEELLL! Sabi mo di mo na ko lalayuan?! KAINIS KA!”

Narinig ko pang sigaw ni landi sa may hallway. Haha! Anung tingin niya sakin okay lang sakin na landiin niya ko the whole day! YUCK! No way! Tsaka sabi niya mamatay man daw siya di ba? Siya naman yun at hindi ako kaya okay lang. Hehehe.

My Sweet TragedyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon