3: Finally Saved?

320 3 1
                                    

*BLAG*

*BOGSH*

*TING*

“T*ng*na mo El! Bakit mo tinapon yung kahon na yun?! Alam mo bang marami na tayong kikitain dun pag nagkataon?! Ang bobo mo talaga! Tanga!”

Iwas. Iwas. Iwas.

Yan ang major na gawain ko ngayon. Pano ba naman kasi kung makapanuntok tong si Alas eh wagas tapos kung anu-ano pa ang itinatapon sakin. Ang dami na ngang basag eh. May mga konting galos na rin ako kasi hindi naman ako ninja na ganun kagaling umiwas sa halimaw na to.

“Anong tayo?! Ikaw lang! Ikaw lang demonyo dito!” sagot ko pa. Dinadamay pa kasi ako sa mga kalokohan niya eh wala naman akong napapakinabangan dun eh. Kahit pa ibenta niya yung mga drugs na yun di niya pa rin ako pinapag-aral ng mabuti.

Ano nga ba ang dahilan kung ba’t kami ganito ngayon?

Simple lang, naglinis ako kaninang madaling araw at napagkalaman kong basura lang yung package box sa isa sa mga cabinet sa kusina kaya ayun, baka naka-high na yung mga basurero ngayon.

“T*ng*na mo! Sumasagot ka pa!”

*BLAG*

Shet! Nadali ako sa braso! Ayan dumudugo na.

*BOGSH*

“Pffft!” napadura ako ng dugo. Grabe talaga ang kamao ni Alas. Namamanhid na naman ang mga panga ko. Siguradong sa ospital na naman ang bagsak ko nito.

“Bwiset kang tibo ka!”

Akmang susuntukin niya na naman ako kaya pumikit na lang ako at hinintay na tumama sakin ang mega-supah-sakit na suntok niya.

5...

4...

3...

2...

1...

Teka, ba’t ang tahimik at wala pa rin ang suntok ni Alas? Nagdilat ako ng mata.

O_O

Hawak hawak ng isang lalaki mukhang NBI si Alas na tulog na tulog.

Ba’t naman nakatulog to eh alam ko sobrang naka-high to kaya nga halos patayin na ko eh? Teka, sino naman tong mga lalaking to?

“S-sino kayo? Bakit kayo nandito sa bahay namin?!”

Isa-isa ko silang tinignan pero di talaga pamilyar yung mga mukha nila. Napalinga naman ako dun sa parang photographer na tinitignan ata yung mga shots dun sa DSLR niya. Biglang may lumapit sakin at hinawakan ako sa braso.

“Miss, okay ka lang? Halika na, ipapagamot ka na namin sa ospital.” Nginitian niya ako. Gwapo siya ha, sama na ba ako? Syempre hindi kasi hindi ako malandi!

Hinila ko yung braso ko at tinignan ko siya ng masama. “Sino ka ba ha? Sino ba kayo? Pano niyo napatulog yang halimaw kong kapatid? Anong gagawin niyo sakin?!”

Akmang hahawakan uli ako ni gwaping pero inilag ko na yung braso ko. Kaya naiwan sa ere yung mga palad niya na para bang pinapakalma ako at hindi niya ko mahawakan dahil babasagin ako. Problema nito?! Di naman ako baliw ah!

“Shh, wala kaming gagawin sayo. Nandito kami para tulungan ka.”

“Tulungan?! Eh ba’t niyo pinatulog yung kuya ko?!”

My Sweet TragedyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon