Guys! Basahin niyo rin po yung isa kong story na English...hehe :)
Click niyo lang po yung external link or punta na lang kayo sa profile ko :D SOLOMOT! :))
---------------------------------------------------
~*~
Nung gabing yun halos di ako makatulog at di rin mawala sa isip ko yung mukha nung lalaking yun.
Ang gwapo niya talaga pero may kakaiba sa kanya na parang di ko pa nakita sa ibang lalaking nasa paligid ko. Parang kakaiba yung charms niya. Parang...delikado pag nafall ka sa mga charms na yun.
Di ko lang alam kung overthinking lang ba o may pagkailusyonada ako pero yun talaga ang feeling ko sa lalaking yun. Parang he’s hot and dangerous at the same time. Parang masama pag nakita mo ang bad side niya.
Nanginig na naman tuloy ako sa takot.
Last time na naramdaman ko to noong dalagita pa ko eh. Nung mga panahon na takot na takot pa rin ako kay Tanda at hindi ko pa kaya ang mga sakit sa katawan at sa puso na binibigay niya. Pero iba sa lalaking to. Kasi di naman ako nahahalina kay Tanda, para ngang gusto ko na siyang ipatapon sa ilog Pasig ng anurin siya ng di ko na siya makita. Pero itong lalaking to, parang gusto kong makilala siya lalo. Parang gusto ko sa tabi niya kahit na ano pang gawin niya.
Hay, ano ba to?! Nababaliw na ata ako eh! Pumayag na kaya ako kay Don Salvs at magpatingin na ko sa isang psychologist? Baka dala lang to ng past ko?
Ay ewan! Aish! Ikaw kang lalaki ka! Kasalanan mo ba’t di ako makatulog ngayon eh! Siguradong zombie ako bukas neto! >o<
~*~
At tama nga ang hinala ko, isa akong zombie ngayon!
“Miss, di ba masyadong maaga pa para pumasok? Baka mga staff pa lang ang nasa school sa mga oras na to!”
“Ayoko, papasok na ko.”
Napabuntong hininga na lang si Butler Khan pero sumunod naman. Kaya eto ako ngayon lulan ng kotse. Nakadungaw lang ako sa bintana buong biyahe. At bakit nga ba ang aga aga kong pumasok?
Simple lang, kailangan kong iwasan si landi kaya wala akong balak magpahabol ngayon. Ayoko ng makita pa yung lalaking yun. Kinikilabutan ako at natatakot ako. Di lang dahil sa kaya niyang gawin kundi na rin sa mga gagawin ko. Di ko kasi alam kung anong dapat na approach sa lalaking yun dahil napakaunpredictable. Di naman ako ganito dati eh. Lagi pa nga akong naghahamon ng away sa mga lalaki. Pero iba ngayon, feeling ko kasi di away ang gusto kong mangyare.
Hay, ano ba to? Sinaniban ata ako ng masamang espirito eh!
Pagkadating na pagkadating ko sa school agad akong naghanap ng place kung saan siguradong di mapupuntahan ni landi. Halos libutin ko na buong school pero wala pa rin akong mapagdesisyunan kung saan. Rumarami na rin ang estudyante kaya kailangan kong magmadali.
Umikot pa ko ng isang beses at nakahanap naman ako. Sa may field kasi maraming puno ang nakapaligid kaya dun ako sa may pinakadulo at meron nga dong malaking puno.
Ito ang magsisilbing sanctuary ko dito sa school na to. Siguro naman walang magpupunta dito na mga babae since medyo nakakakot dito kasi parang ang layo sa kabihasnan.
Hmm, akyatin ko kaya to?
Pwede rin.
Kaso nung aakyat na ko tsaka ko lang naalala kung anong klaseng skirt ang suot ko. Badtrip!
So ayun, naupo na lang ako at sumandal sa puno at nag-earphones. Goodbye world muna!
Tanya’s POV
BINABASA MO ANG
My Sweet Tragedy
Teen FictionBeing a victim of a child abuse, Elspeth experienced a traumatic lifestyle inflicted by her own brother and father. Pero isang araw, nagising na lang siya na nasa isa siyang mala-palasyo na bahay kasama ang matandang tinulungan niya lang once pero h...