~*~
At ayun wala na kong nagawa dahil di hamak na mas malakas sakin tong lalaking to. Hanggang ngayon nga di pa rin ako nagsasalita eh simula nung sigawan ko siya ng bongga bago niya ko naipasok dito sa kotse niya. Nanghina rin ako grabe, kahit anong tulak o sapok ko wala lang sa kanya pero mukha naman siyang nasasaktan pero pilit niya pa rin akong napasakay.
Kaya eto ako ngayon, nasa shotgun seat at nakadungaw lang sa bintana. Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari at kung saan ako dadalhin nitong lalaking to.
Nasan ba kasi sila Butler Khan kung kailan ko sila kailangan dun sila wala! Nakakainis!
Di ko namalayan na nag-stop na pala ang kotse nitong lalaking to. Di ko rin siya matingnan kasi...ewan, para bang pag tumititig ako sa mga mata niya nalulunod ako, parang nahyhypnotize kaya nakakatakot, ayoko ng tumingin pa sa kanya.
“Hey, nandito na tayo. Labas na!”
“Ayoko.” Mariin kong sabi pero di ko siya nililingon.
“Ano ba? Gusto mong buhatin kita ulit ha? Hmm, gustung gusto mo atang binubuhat kita eh. Okay sige, ayos lang naman sakin kahit para kong may binubuhat na baboy.”
Ano?! Ako, baboy?! Hala! Slim kaya ako! Grrr!
Siguro namumula na naman ako sa galit ngayon pero pinakalma ko sarili ko.
“Ibalik mo na kasi ako sa school! Naghihintay dun yung Butler namin! Pag may ginawa kang di maganda sakin lagot ka sa kanya tsaka dun sa mga bodyguards ng lolo ko!”
Teka...lolo? Aish! Napapalolo na rin ako banas!
“Haha, tinatakot mo ba ko?”
“Natatakot ka ba?” nilingon ko na siya at sinamaan ko ng tingin.
Biglang dumilim ang aura niya. Napasiksik tuloy ako lalo dun sa may pintuan ng kotse niya.
“Sabi ko labas.” Mariin niyang sabi.
Eeeeeeekk! Nakakatakot!
“E-eh, a-ayoko nga!”
“Tss!”
Lumabas siya at umikot sa may pwesto ko kaya napausog naman ako sa may kaliwa ko ng buksan niya yung pinto nung akin. Hinila niya ko sa braso at pilit pa rin akong nagpupumiglas pero wala eh! Bakal ata katawan nito eh!
“Ano ba! Nasasaktan ako! Bitiwan mo nga ako!”
“Eh ang kulit mo eh! Kasalanan mo kung ba’t ka nasasaktan. Atsaka binalaan na kitang layuan yung kapatid ko pero ano?! Magkasama pa rin kayo araw araw. Kaya eto dapat sayo!”
Hinila niya na ko papunta dun sa building. 5 storey ito at mukhang luma dahil may lumot tas medyo may bitak bitak.
“Teka, nasan tayo?”
“Nasa hideout namin.”
“Hideout?!”
“Tch! Wag ka ng maingay.”
“Eeeeeeehhh!” pilit ko pa ring hinihila yung braso ko. Umaasa pa kong makakawala no! Tatakbo na lang ako kung saka-sakali.
“Pucha! Ang kulit mo talaga no?! Ilang beses ka bang iniri ng nanay mo?!”
“Wala kong ina!” seryoso kong sabi.
“Tch! Ang drama mo! At san ka galing ha?! Sa pwerta ng kalabaw? Well, halata naman sa itsura.”
BINABASA MO ANG
My Sweet Tragedy
Teen FictionBeing a victim of a child abuse, Elspeth experienced a traumatic lifestyle inflicted by her own brother and father. Pero isang araw, nagising na lang siya na nasa isa siyang mala-palasyo na bahay kasama ang matandang tinulungan niya lang once pero h...