~*~
“Oh pre, ba’t ganyan ang itsura mo? Parang ikaw ata ang nadali imbis na yung babae ah? Hahaha!”
Kinuha ko na lang yung beer na iniinom niya saka ko nilagok...straight. Napaupo na lang ako sa malaking couch at kumuha ulit ng bago. Ganito lang naman kami lagi eh, mapa-umaga, tanghali, meryenda, gabi, tagay lang ng tagay pag walang magawa.
“Oy pre! Mukha kang binagsakan ng langit at lupa ah! Di ba binigay sayo ang password?”
“Oo nga pre! First time kitang nakitang ganyan pagkatapos ng session. Anyare sayo?”
“Ano pre? Virgin pa ba? Babae na ba sa tingin mo?”
“Pinauwi mo na ba kagad pre? Tsk! Di mo man lang pinatikim samin.”
Sabay tawanan sila. Di naman sila mga rapist o ano pero kapag mga ganitong bagay talaga ginagawa lang nilang biro. Sanay na ko. Syempre, ako pa nga minsan ang nangunguna eh. Pero di ko talaga kayang gawin biro ngayon.
Elspeth, ano bang ginawa mo sakin? Ba’t ganun ganun na lang bigla akong nawalan ng control? Di naman ako ganito dati eh!
Napahilamos na lang ako ng mukha. Di ko akalaing muntik na kong mang-rape. Dati-rati di ko na kailangan yun kasi mismong babae na ang nagpoprovoke. Pero iba ngayon eh!
Anong nangyari?!
“Pre, okay ka lang?”
Tumingin ako saglit kay Jeremy at napabuntong hininga na lang.
“Mukha namang di ka okay eh. Ano bang nangyari?”
“Wala.”
Uminom ako ulit at umalis na. Pupuntahan ko siya. Ayoko siya dito eh. Mamaya may makapuslit na tauhan ko at magkagulo pa. Ayokong may mangyaring masama sa kanya.
Ang ironic no? Ako nga tong muntik ng kuhain sa kanya yung vcard niya pero ako pa tong alalang-alala sa kanya.
Malamang sakin siya takot na takot ngayon. Para tuloy gusto kong magpabugbog ng di oras eh.
Naalala ko na naman yung mukha niyang takot na takot at iyak ng iyak. Tsk! Naguguilty ako! SOBRA!
AAAAAAAAAAAAAHHHHHH! WALANGHIYA KA TALAGA TROOOOOOY!!!!
Dahan-dahan kong binuksan yung pinto. Baka kasi tulog na siya o baka matakot na naman siya. Ayoko ng maulit yung kanina. Parang gusto kong patayin ang sarili ko sa nangyari.
Nakita ko siyang nakahiga sa kama. Suot niya yung t-shirt na iniaabot ko sa kanya kanina tapos suot niya pa rin yung knee-length niyang socks. Ang gulo rin ng buhok niya.
Nakakaawa siyang tingnan. Halatang kakagaling niya lang sa iyak sa itsura niya.
Napasuntok na naman ako pader.
Bakit, bakit ko yun NAGAWA?!!
Pumunta muna akong cr at naghilamos ulit. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.
Masama kang tao, Troy.
*TING*
Sinuntok ko yung tao sa salamin. Masamang tao siya!
Haaaaaaaaaaaay...iuuwi ko na lang sa condo ko tong babaeng to. Ayoko talaga siya dito. Ayoko ng ipaalala sa kanya lahat ng nangyari. Sising sisi na ko!!!
Sa condo ko...
Binuhat ko siya hanggang sa unit ko at inihiga siya sa kama. Kinumutan ko na rin siya dahil malamig rito. May aircon malamang.
BINABASA MO ANG
My Sweet Tragedy
Teen FictionBeing a victim of a child abuse, Elspeth experienced a traumatic lifestyle inflicted by her own brother and father. Pero isang araw, nagising na lang siya na nasa isa siyang mala-palasyo na bahay kasama ang matandang tinulungan niya lang once pero h...