12: What happened to El???

240 2 0
                                    

~*~

Erik’s POV

“Tindahan ni Aling Nena

Parang isang kwentong pampelikula

Mura na at sari-sari pa ang itinitinda

Pero ang tanging nais ko ay 'di nabibili ng pera...”

“Hoy! Erik! Ang ingay ingay mo! Mamaya walang bumili ng paninda ko nyan eh!”

“Grabe naman kayo Aling Nena. Ganda ganda kaya ng boses ko.” Sabay belat.

“Ay nako! Nahawa ka na nga talaga kay El ano? Siya lang naman ang kumakanta niyan sa araw araw ginawa ng Diyos eh. Ang pangit pa naman ng boses nung batang yun.”

“Hahaha! Nilait pa! Hard ka, Aling Nena ah!”

“Hay nako, alam mo Erik, namimiss ko na nga yung batang yun eh. Simula nung tumira siya dyan kila Don Salvador eh parang lagi siyang busy at may pinupuntahan. Feeling ko nga nakalimutan na tayo nun eh.” Sabay ngiwi ni Aling Nena.

“Di yan no! Di naman ganong tao si El eh. Tsaka siguro marami lang silang inaasikaso. Alam mo na, yung tungkol kay Alas. Sayang talaga yung kaibigan kong yun.”

Totoo, kaibigan ko nga si Alas simula pagkabata pero matanda naman siya sakin ng 2 taon pero okay lang yun, wala namang age age pag sa mga magkakaibigan eh.

Pero dati lang naman kaming magkaibigan. Simula kasi nung nagbago siya eh iniwasan ko na siya at kay El na lang ako laging kumakampi. Kawawa kasi yung babaeng yun sa kuya niya eh kaya pag may pagkakataon na nakikita ko silang nag-aaway ay pinagtatanggol ko siya sa hayop kong kaibigan.

Aaminin ko rin...may gusto ako kay El simula pa pagkabata. Mukha man siyang tibo pero alam ko deep inside babae siya. Nagustuhan ko siya di lang dahil sa maganda siya. Oo, di ko siya nakikita bilang gwapo, maganda!

Nagustuhan ko siya dahil sa ugali niya. Dati-rati iyakin yun at laging nagsusumbong sa akin pag may nang-aaway sa kanya. Pero di ko lang siya matulungan pag tungkol na sa tatay niya. Ano nga naman kasi ang laban ko dun? Eh di hamak na mas barako yun! At demonyo pa! Haaaay. Kawawa talaga ang kaibigan ko sa kanila ni Alas.

“Uy Erik! Nakikita mo pa ba yung si El?”

“Di na nga ho eh.”

Tagal ko na ring di nakikita yung kababata kong yun eh. Ano na kayang nangyari sa kanya? Puntahan ko kaya siya dun sa bahay ni Don Salvador minsan? Miss ko na yung tibong yun eh! Hehehe!

Ininom ko lang yung coke na binili ko dito sa tindahan ni Aling Nena. Ready na nga rin akong pumasok eh. Pero mainit kasi ngayong tanghali kaya nagpapalamig muna ako. Nagtataka ba kayo kung ba’t ngayon ngayon lang pasok ko? College na kasi ako. I’m 19 years old na kaya!

“Pare, ang ganda oh!”

“Tange, cute siya pare!”

“Baliw, parehas lang yun.”

“Pero tignan mo, bakit nakasuot yan ng t-shirt ng lalaki? Tas mukha pang nagahasa? Taga-dito ba yan?”

“Medyo pamilyar yung mukha niya. Pero di ko matandaan kung san ko siya nakita eh.”

“Baka sa magazine yun pare. Tingnan mo oh, ang kinis at ang puti. Yummy!”

Pag-pasensyahan na ang mga tambay. Minsan lang kasi makakita ng maganda kaya ayan kandarapa na. Haaaay. Palibhasa walang mga magawa sa buhay eh.

My Sweet TragedyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon