Chapter 32
Samuel’s POV:
This is it! Big event na! The long wait is over! Maaga talaga akong umalis para ayusin pa yung ibang bagay na dapat ayusin. Halos lahat kami nandito. Nagtext na nga rin sa akin si manang. Sobrang nakokonsensya na raw sya kasi naman nalulungkot na si Devon dahil ni isa wala pang bumabati sa kanya. Mukha nga raw naiiyak na.
Maghintay ka lang babe, konting oras lang ang hihintayin mo at makikita mo na rin ang pinaghirapan naming lahat.
“Sam, hindi ko na kinakaya ito. I already talked to her. Grabe, alam mo yung nakokonsensya ka na kasi dati rati pagdating pa lang ng 12am naka greet na kaming lahat sa kanya but now? Wala ni isa. Andyang tinawagan ko na nga sya pero hindi ko pa rin sya nabati.” –Fretzie nakokonsensyang litanya nya.
“Kayanin na natin. Nasimulan naman na natin. Sacrifice lang. Please?” napagkasunduan kasi ng lahat na walang babati sa kanya sa araw ng birthday nya.
“Ano pa nga ba?” –Yen
“Tingnan nyo guys, nag status sa twitter si Devon. Grabe, tingin ko talaga nalulungkot na yun ngayon. Sobrang lungkot, kasi kahit isa sa mga fans nya walang nag greet. Dati nga nag trending pa nung nag birthday sya.” –Kazel
“Oo nga. Grabe lang yung pagtitiis na gagawin natin sa kanya. Pero okay lang yan, basta masisiyahan naman sya mamaya ee. And I’m sure with that.” –Kyra ngumiti na lang ang lahat kahit na medyo kabado pa para mamaya at dahil na rin sa iisipin ni Devon.
“Basta, Fretzie ikaw ang susundo mamaya kay Devs at kailangan mong gumawa ng paraan para madala sya rito ng hindi nakakahalata.” –Kazel
“Don’t worry. Ako ang bahala.” –Fretzie ngumiti sya.
“Basta, galingan nating lahat mamaya. Kaya natin ito!” pampalakas ko ng loob naming lahat.
Devon’s POV:
Nandito ako ngayon sa mall. Kakatapos ko lang magsimba. Grabe, 4pm na pero wala pa ring bumabati sa akin. Di bale na nga lang. Kung hindi nila ako naaalala ee di okay. Magce-celebrate akong mag-isa!
Pumunta ako sa red ribbon. Bumili ako ng cake. Bahala sila sa buhay nila. Magpapakasaya ako. hay…
Nag beep phone ko. Oyy… baka may nakaalala na sa akin.
1 message received..
From: Couz. Fretzie
Where are you? Tapos na kami ni mama mag talk ee.
Nireplayan ko sya.
To: Couz.Fretzie
Mall. Dto sa food court.
Nagreply agad sya.
From: Couz.Fretzie
Okay. I’m on my way na. I’ll be there in 20 to 30 minutes! See u! mwah!
To: Couz.Fretzie
Okie. :D
Okay lang kahit hindi maalala ni couz. Ang mahalaga may makakasama ako today. Kahit hindi nya na ako batiin para lang masabi ko sa sarili ko na may nakasama ako sa mahalagang araw sa buhay ko.
BINABASA MO ANG
100 Days With Her *EDITING*
FanfictionAno kaya ang mararamdaman mo kung bigla mo na lang malaman na wala ka pa sa mundong ibabaw ee ipinagkasundo ka pala ng magulang mo? At ang pinakasaklap sa lahat, sa taong kinaiinisan mo pa. Badtrip diba? At ito pa, gusto kayong tumira sa iisang bah...