[A/N: Thank you sa mga readers ko... Sana dumami pa... hehe at sana makakuha ako kahit 2-5 votes. Dedicate ko to dun sa naglagay netong 100 DWH. Nalimutan ko lang name nya. Hehehe Thank you :)
[Fretzie's POV]
Tsk! Isinusumpa talaga kitang Enrique Castillo ka! Isa ka talagang leche sa buhay ko! Urgh! Nakakainis na nakakaasar! Epal ka! Walang hiya! Walang modo! Walang kwenta! Lahat lahat na! Neseye ne eng lehet! Bwisit! Nyemas ka! Pasalamat ka at mahal k... mahal ko si couz kaya magtitimpi na lang ako sa'yo! Oo, 'yun nga 'yung gusto ko talagang sabihin. Mahal ko si couz!
"Lalim ata ng iniisip mo couz ah? Problema???" tumingin ako sa kanya. Sus! Parang 'di naman nya alam. Eh 'yung leche lang naman na best friend nya ang pinoproblema ko!
"Wala 'to. Don't mind me couz," ngumiti ako sa kanya.
"Kunwari ka pa! Si best friend na naman ang iniisip mo 'no?" tsk! Kilalang kilala na talaga ako netong babaita na 'to! "Umamin ka nga sa akin couz. Do you still love him?" nabigla naman ako dahil sa diretsahan nyang tanong. Hindi man lang nagpaliguy-ligoy eh.
"H-hindi 'no!" nauutal kong sagot. Umiwas din ako ng tingin sa kanya.
"Sus! Huling huli ka na couz, tumatanggi ka pa! I know you my dear cousin. Hah! Sabay ata tayong lumaki 'no! Kaya alam ko kung kelan ka nagsisinungaling at nagsasabi ng totoo. And I'm right, you still love my best friend. Haay..." bigla naman syang nalungkot. Hindi ko alam kung bakit. Is it because, he likes his best friend also? At iniisip nya na magkaribal pa kami? Pero sya naman ang gusto ni Quen eh at hindi ako.
"Ewan ko sa'yo! Basta, wala akong gusto sa kanya! Okay? 'Wag na nga nating syang pag-usapan pa! Let's go na!" hinila ko na sya palabas ng comfort room. Baka kung saan pa mapunta ang usapan naming 'yun.
Habang naglalakad kami pabalik sa classroom ay may isang grupo ng mga lalaki kaming nakasalubong. I think mga varsity player sila. Obvious na obvious din naman kasi. But wait, he looks familiar to me. Parang I saw him somewhere.
"Hi Devon! How's your vacation?" inisnaban lang sya ni couz. Familiar talaga sya sa akin eh. Saan ko nga ba nakita 'tong lalaki na 'to? Siniko ko si couz kasi hindi pa rin nya sinasagot 'yung tanong nung lalaki. "Sungit mo talaga! Meron ka ba o menopausal na?" nagtawanan silang lima at si couz naman ay tumingin ng masama sa kanya.
"Bastos ka talaga 'no! Kupal! Leche!" tinulak nya 'yung lalaki at saka sinampal. Ouch! Ang bigat pa naman ng kamay nyang si couz. At saka nya ako hinila palayo dun sa mga lalaki. Narinig ko naman na kinakantyawan nila 'yung sinampal ni couz.
"Couz! Why did you do that?" hindi ko kasi ma-gets. Kaaway nya ba 'yun?
"Hah! Bagay lang sa kanya 'yun dahil kupal sya! Walang modo! Kaya ikaw couz, 'wag na 'wag kang lalapit sa grupo nung mga kupal na 'yun!" owkay... I guess, tama ang hinala ko. Magkaaway sila nung lalaking 'yun. "Lalong lalo na dun sa Samuel Iniego na 'yun!" Samuel Iniego? Parang familiar sa akin 'yung pangalan na 'yun. Hindi kaya sya 'yun? Ah... ewan! Saka ko na lang aalamin.
[Devon's POV]
Badtrip talaga 'yung kupal na lalaking 'yun! Bwisit! Hah! Mabuti nga sa kanya. Bastos ng bibig! Kung bakit ba naman kasi napili pang dumaan nung mga kupal na 'yun dito sa building namin eh nakahiwalay naman 'yung building nila.
Nandito na kami sa tapat ng classroom namin at mabuti na lang ay wala pa ang aming teacher. Wew!
"Bun, tagal nyo naman. Nanggaling dito si Quen, pinapaabot 'to oh," inabot sa akin ni Keiz 'yung bottled water. Napangiti naman ako. Sweet talaga nung best friend ko na 'yun. "Kinilig ka naman. Ang sweet talaga nyang best friend mo. Biruin mo, sa kabilang building pa sila pero talagang pinuntahan ka pa rito para bigyan nyan," haay... naku! Alam ko na kung saan na naman papunta 'yang sinasabi nya. Lagi kasi akong inaasar nyan kay best friend eh. Kesyo bagay na bagay raw kami. Para talagang sira!
"Tsee! Tigilan mo ko Keiz! Paulit-ulit ka na lang ng kakaasar sa akin kay best friend at paulit-ulit ko na ring sinasabi sa'yo na hanggang magkaibigan lang kami," tinaas nya 'yung dalawang kamay nya na sinasabing, 'I surrender'. Hahaha.
Napansin ko naman na biglang tumahimik si couz. Kakausapin ko sana kaya lang biglang dumating 'yung teacher namin.
"Magandang umaga!" paunang bati ni Mrs. Garcia!
"Magandang umaga rin po!"
"Okay. Magsi-upo na ang lahat. Sa ngayon, ee wala muna tayong klase sapagkat ako'y marami pang inaasikaso. Pumunta lang ako dito para tingnan ang mga bagong Junior Student ng Star section at mukhang wala namang ipinagbago, kayo pa rin ang mga dating Star section. Maliban na lang sa ating dalawang transferees."
Tama ang narinig nyo mga friends. Nasa Star section kami, matatalino kaya ang member ng grupo namin. Consitent honor student ang buong barkada kahit na maloloko kami kung minsan. Mwahahaha. Pero teka, ibig sabihin maliban kay couz may iba pang transferee na magiging classmate namin.
"Bago ako umalis, magpapakilala muna ang dalawa nating transferees at tuloy botohan na rin tayo. Okay?"
"Opo, Ma'am!"
"Ms. Ortega, come here and introduce yourself," Ortega??? Wait don't tell me na si... Oh no! Nagkatinginan agad kami ni couz at mukhang pareho kami ng kutob. Shocks! 'Wag naman sana!

BINABASA MO ANG
100 Days With Her *EDITING*
FanficAno kaya ang mararamdaman mo kung bigla mo na lang malaman na wala ka pa sa mundong ibabaw ee ipinagkasundo ka pala ng magulang mo? At ang pinakasaklap sa lahat, sa taong kinaiinisan mo pa. Badtrip diba? At ito pa, gusto kayong tumira sa iisang bah...