Chapter 39 ~ Karma?

242 6 3
                                    

[A/N: Dahil sinisipag akong mag UD. Here's another Chapter. May konting BS po dito. Sa Flashback po yun. Hahaha. Enjoy reading!]

Chapter 39

Tippy’s POV:

Ugh! Naisahan ako nung Devon na ‘yun! Badtrip!

Kung bakit ba naman kasi hindi ko napaghandaan ang pagbabalik nya at ni hindi ko man lang natunugan na uuwi sya rito sa Pilipinas.

Bakit ba kasi sya nandito sa Pilipinas? Ano bang binabalak mo Devon?!

“Bwisit!” hinagis ko yung pouch ko sa sahig.

“Hey! What’s the matter with you? Any problem?” napaayos ako ng upo. Hindi ko kasi napansin si Sam.

“Ha? Nothing! I’m okay.”

“Then why did you throw your pouch?” –Sam.

“Because I’m tired. Why are you here? May problema ka ba?”

Bigla syang nalungkot. I guess may problema to. Umupo sya sa tabi ko.

Humarap ako sa kanya. “Malaki ang problema ngayon ng Company namin. Nalulugi na ito  at hindi ko na alam ang gagawin ko. Feeling ko kahit na anong gawin ko hindi ko na talaga magawang sagipin ang kumpanyang pinaghirapan ng mga magulang ko.  Ayyy… Sumasakit na ang ulo ko sa dami ng problema.” –Sam. Hinawakan nya ang kanyang sentido.

Inalis ko ang kamay nya at ako ang nag massage sa ulo nya.

“Why don’t you give yourself a break?”

“Kung gagawin ko yun paano na ang kumpanya? Alam mo namang simula ng mamatay sa aksidente sila Mom and Dad wala na akong ibang pwede pang asahan. At ayaw ko naman na tingnan na lang na unti-unting nawawala ang kumpanyang yun.” –Sam. Nakakaawa naman ang mahal ko. Ang dami-daming problema.

“Kunsabagay. Teka, kumain ka na ba? Umiling sya. Sige, ipaghahanda kita ng makakain.”

Tumayo ako at kumuha ng pagkain.

Pagkatapos kong i-set yung table bumalik ako sa living room pero nakatulog na pala sya.

Tinitigan ko sya. I kissed him on his lips. Hindi ko kakayanin na mawala ang taong ito sa akin. Ikamamatay ko yun.

At hinding hindi ko hahayaan na makuha ka ulit sa akin ni Devon. Sa akin ka lang Sam. Sa akin lang. At kung ikaw ang dahilan kaya nandito sa Pilipinas si Devon pwes magkakamatayan muna kami bago ka nya makuha sa akin.

At walang ibang pwedeng mag may-ari sa’yo Sam maliban sa akin.

Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko.

Flashback….

Nag door bell ako. Nakita kong lumabas si Sam kaya kumaway ako sa kanya.

“Anong ginagawa mo rito?” –Sam. Nag pout ako.

“Ganyan ka ba mag welcome ng bisita?” hindi ko na sya hinintay pang magsalita. Dumirecho ako pagpasok sa loob ng bahay.

“Hindi naman sa ganon. Nakakagulat lang kasi. Hindi ka man lang nagpasabi na pupunta ka.” –Sam.

“Sorry. I just want to surprise you. Ohh.. wait! I brought you this! Let’s drink?”

100 Days With Her *EDITING*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon