[A/N: Okay sinisipag akong maglipat dito.. Sooo, eto na po ang Chapter 3..]
[Quen's POV]
Wew! Mabuti na lang at wala pa ang bago naming adviser. Nanggaling pa kasi ako sa kabilang building kung saan ang building nila best friend. Dinalhan ko sya ng bottled water dahil uhawin 'yun, ayaw ko lang naman na mauhaw sya.
Nakaupo na ako nang dumating 'yung grupo nila Samuel. Nagtatawanan sila at mukhang inaasar si Samuel. Kaklase ko sila at fourth year na kami.
"Ano dude, masakit pa ba ang pisngi mo dahil sa pagkakasampal sa'yo ni Devon?" tanong ni Bret sa kanya. Sinampal sya ni best friend? Tsk! Ano kayang nangyari? Pero buti nga sa'yo! Mabuti na lang at palaban 'yung best friend ko na 'yun.
"Tigilan nyo nga ako! Hindi pa kami tapos nung babaeng 'yun! Tss." sagot ni Samuel kaya tumayo ako at tumingin ng masama sa kanya. Siniko naman ng mga kabarkada nya si Samuel dahil nakita ako.
"Subukan mo lang na may gawing masama kay Devon at ako ang makakalaban mo Samuel!" banta ko sa kanya.
"Woah! Nandito pala ang Superman nung babaeng 'yun!" he smirked. "Tsk! Don't worry ex-team captain, wala akong gagawin as long as hindi magtatagpo ang mga landas namin," lalapitan ko sana sya para kwelyuhan kaya lang biglang dumating 'yung aming teacher kaya naman nagkanya-kanya na kami ng upo.
***
[Devon's POV]
Parehong nanlaki ang mga mata namin ni couz at nagkatinginan ulit dahil sa babaeng pumasok sa classroom namin. Walang iba kundi si....
"Good Morning everyone! I'm Coleen Ortega. I'm a transferee student from Mary Mount High School. I hope we can be friends. So, yun! Thank you!" ang plastic! Kung makangiti, wagas! Akala mo kung sinong anghel pero sa kaloob looban naman nya ay isang ahas na demonyita! Pigilan nyo ko dahil kapag hindi ako nakapagtimpi ay sasabunutan ko 'tong malanding babae na 'to!
"Thank you, Ms. Ortega. You may take your sit now. Meron pa bang vacant na upuan dyan?? Ayun! Sa tabi ni Miss Lopez, doon ka na lang umupo," what? Oh no! Please lang, baka maghalo ang balat sa tinalupan kapag 'yang hitad na 'yan ang tumabi sa akin! Nyemas naman oh!
Umupo sya sa tabi ko at kuntodo ngiti pa sa akin. Psh! Akala naman nya close kami! Ihampas ko sa kanya 'tong upuan ko eh! Leche! Nakabalik na rin si couz sa upuan nya dahil tapos na syang magpakilala.
Don't mind her na lang Devon, okay? Isipin mo na lang na wala kang katabi, okay? After nun ay nagbotohan kami at ako lang naman ang President ng class namin. VP ko si couz, secretary naman si Yen at assistant secretary nya si Kyra. Si Keiz naman ang treasurer. Nakakatawa lang ang itsura ni Keiz kasi nakasimangot. Ayaw kasi nyang maging treasurer eh napagtripan namin. Mwahaha. Gusto nya kasing maging muse para wala raw gagawin. Pero hindi pwede 'yun kay Devon! Chos!
"Alright, ito na ang inyong mga Class Officers. So, Ms. Lopez bahala ka na muna dito ha? Kailangan ko ng umalis. Bye, Class! See you tomorrow!"
Umalis na si Ma'am and it's time to partey partey! Hahaha. Charaught!
"Ohh.... sa mga gustong mag c.r, kumain, magdaldalan gawin nyo na. Meron pa naman tayong 2 hours para gawin ang mga gusto natin," sabi ko sa kanila. Bait ko 'no? Hahaha. Kaya gustung gusto ako ng mga 'yan gawing President eh. Hahaha.
"Bait mo talaga Ms. President! Hindi kami nagkamali ng piniling President."
"Asus! Nambola pa kayo. Sige na. Baka magbago pa ang isip ko. Hahahahaha."
Parang bigla atang nawala 'yung babaeng ahas na 'yun? Saan kaya 'yun nagpunta? Ayy... teka nga, ano bang care ko sa ahas na 'yun! Hindi naman kami close.
"Couz!"
"Ayy... babaeng ahas!" napatakip ako bigla sa aking bibig. Bastos na bibig 'to! "Ano ba? Ba't ka nanggugulat dyan?" naiinis kong tanong kay couz.
"Wala naman. Aayain sana kita mag c.r, naiihi na naman ako eh. Pero teka nga, babaeng ahas ba kamo? Si ano ba 'yan, si bruha?" oo, sya naman bruha ang tawag sa babaeng ahas na 'yun! Pareho naming kaaway 'yun.
"Sino pa ba ang babaeng ahas na bigla na lang sumulpot dito sa school natin? Sya lang naman diba?" I rolled my eyes. Kung bakit ba naman kasi sa dinami-rami ng school dito sa Pilinas eh ito pang North Bridge University ang napili nung babaeng ahas na 'yun?!
"Hahaha. 'Wag na lang nating pansinin para makaiwas na lang tayo sa gulo. Tara na couz, c.r na tayo!" aba't ang bastos na 'to! Hindi pa naman ako pumapayag na samahan syang mag c.r.
Pagdating namin sa c.r ay may biglang lumabas na multo sa isang cubicle. De joke lang! Hahaha. Isang babaeng ahas lang naman po ang lumabas. Aalis na sana kami ni couz pero tinawag nya kami ni couz.
"Devs! Fretzie!" kaya hindi na namin itinuloy ang paglabas.

BINABASA MO ANG
100 Days With Her *EDITING*
FanfictionAno kaya ang mararamdaman mo kung bigla mo na lang malaman na wala ka pa sa mundong ibabaw ee ipinagkasundo ka pala ng magulang mo? At ang pinakasaklap sa lahat, sa taong kinaiinisan mo pa. Badtrip diba? At ito pa, gusto kayong tumira sa iisang bah...