Chapter 33
Devon’s POV:
“Tu-tulong! Tulungan nyo ako. Maawa na kayo! Pakawalan nyo na ako dito. I wanna go home. Kinalampag ko ang pintuan. Alam ko may tao dyan. Maawa na po kayo sa akin, pakawalan nyo na ako… huhuhuhuhuhhuh….” At doon tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
Napaupo na lang ako at umiyak ng umiyak.
Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Totoo nga pala ang sabi ng lahat, na ang bawat kasiyahan ay may katapat na kalungkutan. Ngunit higit pa sa kalungkutan ang nararamdaman ko ngayon.
Tatlong araw o higit pa…. ikinulong ako sa isang madilim na lugar. Lugar na hindi ko alam.
Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa pamilya ko, sa mga mahal ko sa buhay. At mas lalong hindi ko alam kung makakaalis pa ba ako sa madilim na lugar na ‘to.
May narinig akong kaluskos. Parang binubuksan ang pintuan.
“Hi Miss Lopez? How are you?” nakangisi sya.
“Who are you? Anong kailangan mo sa akin? Bakit mo ako dinala rito? Bakit mo ba ako pinahihirapan? Parang awa nyo na po, pakawalan nyo na ako. Huhuhhuhuhuhu” nagmamakaawa ako habang nakahawak ako sa kanyang jacket. Pero itinulak nya ako.
“Dahil sa kagagawan ng tatay mo kaya ka naririto ngayon! Kung hindi nya ako ipinakulong ee di sana hindi ako gagawa ng ganito. At kung hindi rin dahil sa pang bbrain wash ng tatay mo sa pamangkin ko na si Enrique hindi na aabot sa ganito. Sya ang tito ni Quen? Sya pala ang tinutukoy ni Quen nung narinig ko silang nag-uusap nila mom and dad Nagulat ka? Huh! Hindi mo totoong kapatid si Enrique! Palabas lamang yun ng mga magulang nyo! Dahil ang totoo si Enrique ay anak ng business partner ng tatay mo! Ng tatay mong ganid! Mukhang pera!” umiling ako.
“Hindi ganid o mukhang pera ang daddy ko!”
“Hindi? Kung tutuusin pabor na pabor sa kanya ang ginawa kong pagpatay sa mga magulang ni Quen, ohh diba? Sa kanya napunta ang pera na dapat ay para sa akin! Pinakiusapan ko sya na ibigay ang pera na sa akin naman talaga pero anong ginawa nya, pinakulong nya ako! HAHAHAHAHAHAHA” tumawa sya na parang nababaliw.
“Walang hiya ka! Ikaw pa talaga ang dahilan kung bakit nawalan ng magulang si Quen. Demonyo ka!” hinawakan nya ang panga ko.
“Huwag kang mag-alala, susunod ka naman na sa kanila. Yun ay kung hindi sa akin ibibigay ng ganid mong tatay ang pera na dapat ay sa akin!” saka nya ako itinulak. Tinalikuran nya ako.
Pero hinabol ko sya.
“Sir, wag nyo po akong iwan dito. Parang awa nyo na po, pakawalan nyo na po ako. Gusto ko na pong umuwi sa amin.” Pero sinipa nya ako.
“Quen…. Quen…. Nasaan ka na? Tulungan mo ako, natatakot na ako. huhuhuhu”
Huhuhuhuhuhu…. Dyos ko, parang awa nyo na. Wag nyo po akong pababayaan. Tulungan nyo po ako, dahil kayo na lang po ang tanging magiging sandata ko laban sa kanila.
Flashback…
Pauwi ako sa bahay namin ni Sam. Tatlong araw din kaming hindi nagkita… After the party kasi pinauwi muna ako ni mom para raw makasama ko si lola at may sasabihin din sya sa amin ni Quen.
BINABASA MO ANG
100 Days With Her *EDITING*
ФанфикшнAno kaya ang mararamdaman mo kung bigla mo na lang malaman na wala ka pa sa mundong ibabaw ee ipinagkasundo ka pala ng magulang mo? At ang pinakasaklap sa lahat, sa taong kinaiinisan mo pa. Badtrip diba? At ito pa, gusto kayong tumira sa iisang bah...
