Chapter 43

156 4 1
                                        

Chapter 43

Samuel’s POV:

Paggising ko noong isang gabi, wala na si Devon sa tabi ko. Sinubukan ko syang tawagan pero out of coverage yung number nya. Kahit kanina hindi ko pa rin sya makontak

Hanggang ngayon iniisip ko pa rin ang nangyari sa amin. Hindi ako makapaniwala that I’m her first. Kaya sa tuwing maaalala  ko yun ako’y napapangiti.

“Sir???” nakalimutan kong kausap ko nga pala ang aking secretary.

“Oh…. I’m sorry. Ano nga ulit yun?” sabi ko.

“Papapirmahan ko lang po itong proposal ni Mr. Cruz. Approval nyo na lang daw po sir ang kailangan.” Tumango ako.

“Okay. Iwanan mo na lang. Pag-aaralan ko muna.”

“Okay, sir. Ayy… by the way sir, nakausap ko nga po pala si Miss Liza at nabanggit nya po na hindi na raw sya magrereport dito dahil yun daw ang order ng boss nya.” Sabi nya. Kumunot ang aking noo.

“Bakit daw?” she shrugs.

“Hindi nya po nabanggit. Kahit nga po yung mga gamit ni Miss Lopez eh inayos nya na rin.” Kinabahan ako. Hindi kaya dahil sa nangyari noong isang gabi.

“Hi, love!” si Tippy.

Nandito sya ngayon sa opisina ko. Bigla akong kinabahan dahil sa pagpunta ni Tippy rito. Paano kung magpang-abot sila ni Devon?! Eh hindi alam ni Tippy na si Devon na ang major stockholder ng kumpanya ko.

“W-what are you doing here?” kinakabahan kong tanong.

“Masama bang bisitahin ang sobrang busy ko na BOYFRIEND?” medyo nagtatampo nyang tanong. Sinenyasan ko yung secretary ko na lumabas na muna.

“Hindi naman. Na-surprise lang ako. Hindi ka naman kasi pumupunta rito ng walang pasabi.”

“Gusto kasi kitang i-surprise. Besides, sobrang miss na kasi kita.” Umupo sya sa lap ko and she kissed me on my lips.

Bigla tuloy akong na-guilty nang maalala ko yung nangyari sa amin ni Devon. Alam ko na sya ang naging dahilan kung bakit nawala sa akin si Devon. Pero sya ang nasa tabi ko nung panahon na halos mabaliw ako sa ginawang pag-iwan sa akin ni Devon. Nung araw na makita ko si Devon kasama si Enrique habang naghahalikan. Sya yung umalalay sa akin nung mga panahong down na down ako. Kahit na pinagtatabuyan ko pa sya, hindi nya ako sinukuan.

“Nakikinig ka ba?”

“Ahh… sorry! Ano nga ba yung sinasabi mo?”

“Sabi ko, nakasalubong ko nung isang araw si Coleen sa Mall. Ikakasal na pala sya next month. And she wants to attend us.”

“Really? Good for her.” Sabi ko.

“Yun nga sana ang ibabalita ko sa’yo nung isang gabi. Kaya nga pupunta sana ako sa condo mo kaya lang biglang tumawag si Mommy, merong ipinaayos. Medyo kinabahan ako dahil doon. Wew! Mabuti na lang at hindi sya tumuloy kung hindi lagot talaga. Anyway, dadating sila Mommy and she invited us for dinner.” Nakangiti nyang sabi.

“Kelan daw?”

“Tonight.” Tumango ako.

Magsasalita sana sya pero biglang may pumasok.

100 Days With Her *EDITING*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon