[A/N: Wooohhhh..... Awayan kagad??? Agad-agad???? Hahaha Eto na po ang Chapter 5. Dedicate to saminakristen for adding this story oh her RL. Thank you:) ]
***
[Devon's POV]
Second day of school na pero wala pa rin masyadong ginagawa. Mga tinatamad pa siguro magturo 'yung mga teachers namin. Hahaha. Actually, uwian na nga namin ngayon pero mukhang nagkakatamaran pang umwi dahil ang aga pa nga.
"Grabe second day na pero wala pa tayong ginagawa," reklamo ni Keiz. Kunwari lang 'yan pero deep inside enjoy sya na wala pang ginagawa. Hahaha.
"Sus! Kunwari ka pa Keiz! Ayos nga 'yun eh kasi nakakatamad pa naman talagang mag-aral," sabi naman ni Kyra. Hahaha.
"Hahaha. Eh teka, uuwi na ba tayo? Para kasing tinatamad pa akong umuwi," si Yen 'yun. "Mall kaya tayo mga sisters?"
"I love that idea! Game ako dyan!" excited na sagot ni couz.
"Ge, ako rin game dyan! Ikaw best friend, sama ka?" tumango sya. "Great! Asan nga pala si papa bear?"
"Nagtext sa akin, mauna na raw sya kasi masama raw pakiramdam nya."
"Masama? Ang sabihin mo may bago na namang chicks ang loko! Parang hindi nyo naman kilala 'yun! Nagdi-disappear lang naman ang lokong 'yun kapag may new girl," nagtawanan kami sa sinabi ni Yen. Totoo naman kasi 'yun.
"Ang sabihin mo selos ka lang!" pang-aasar ni Kyra.
"Hindi 'no!"
"Ows?" sabi ko. Madalas kasi naming asarin si papa bear at Yen dahil dati nga nagkaroon sila ng something pero hindi naman natuloy 'yung something ek-ek nila. Ewan, basta nag decide na lang sila na maging magkaibigan kesa mauwi sa relasyon.
"Mga baliw talaga kayo! Wala na nga 'yun. Move on, move on din 'pag may time!" sabi nya. Hahaha.
"O sya, stop it na at baka mapikon pa 'to. Teka, c.r lang muna ako bago tayo umalis. Sama kayo?"
"Sama ako!" sabay na sagot ni Kyra at Yen.
"Ikaw bun?"
"Sige lang, hintayin na lang namin kayo sa parking lot."
"Ayy.. best friend, mauna na kayo ni couz sa parking lot may dadaanan lang ako saglit ha? Bye!" hindi ko na sila pinasagot na dalawa para hindi na makakontra. Hahaha. Sigurado namang matatagalan 'yung tatlo sa c.r dahil mag-aayos pa 'yung mga 'yun.
Pupuntahan ko kasi 'yung mini garden ko, sobrang miss ko na 'yun eh. Oo, meron akong sariling garden dito sa school. Kung bakit? Eh isa kami sa owner ng school na 'to. Hahaha.
"Hello, beautiful flowers! Ang gaganda nyo talaga parang wala kayong mga problema. Pasensya na kayo, ngayon ko lang ulit kayo nadalaw. Alam nyo naman nagbaksyon, buti na lang inalagaan kayong mabuti ni manong hardinero," looks crazy? Pero ganon naman talaga diba? Kahit ang mga bulaklak may buhay rin. Dapat kinakausap din natin sila. Hahaha.
![](https://img.wattpad.com/cover/1502580-288-k534535.jpg)
BINABASA MO ANG
100 Days With Her *EDITING*
FanficAno kaya ang mararamdaman mo kung bigla mo na lang malaman na wala ka pa sa mundong ibabaw ee ipinagkasundo ka pala ng magulang mo? At ang pinakasaklap sa lahat, sa taong kinaiinisan mo pa. Badtrip diba? At ito pa, gusto kayong tumira sa iisang bah...